Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2018-03-09

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kabanata 10

 Cristo, Diyos, Iglesia, Jesus, Panginoong Jesus,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kabanata 10


Hindi ka dapat matakot dito at doon. Kahit na gaanong karaming hirap at panganib ang iyong harapin, mananatili kang hindi natitinag sa Aking harapan; huwag kang magpapagambala sa kahit anong bagay, upang ang Aking kalooban ay maisakatuparan.  Ito ang iyong magiging tungkulin, kung hindi ay haharapin mo ang Aking galit at ang Aking kamay ay ..., at magtitiis ka ng walang-hanggang pagdurusa ng isipan. Kailangan mong tiisin lahat, kailangan mong bitawan ang lahat ng sa iyo at gawin ang lahat ng iyong magagawa upang sumunod sa Akin, bayaran ang lahat ng halaga para sa Akin. Ito ang panahon na susubukin kita, ihahandog mo ba ang iyong katapatan sa Akin? Susunod ka ba sa Akin hanggang sa dulo ng daan nang may katapatan? Huwag kang matakot; sa tulong Ko, sino ang makahaharang sa daan? Tandaan mo ito! Tandaan! Bawat nangyayari ay Aking mabuting hangarin at lahat ay nasa ilalim ng aking pangangasiwa. Ang bawa’t salita mo ba at pagkilos ay makasusunod sa Akin? Kapag ang mga pagsubok ng apoy ay sumapit sa iyo, luluhod ka ba at tatawag? O yuyukod ka, hindi kayang sumulong?

Kailangan mong taglayin ang Aking katapangan sa loob mo at kailangan mong magkaroon ng mga prinsipyo kapag humaharap sa mga kaanak na hindi naniniwala. Ngunit para sa Aking kapakanan, hindi ka rin dapat na sumuko sa kahit alin sa mga pwersa ng kadiliman. Manalig ka sa Aking karunungan at lumakad sa perpektong daan; huwag mong hahayaan ang mga pakikipagsabwatan ni Satanas na makapangyari. Ilagay mo ang lahat ng iyong mga pagsisikap sa paglalagay ng iyong puso sa Aking harapan at pagiginhawahin kita at bibigyan ka ng kapayapaan at kaligayahan sa iyong puso. Hindi ka maghahanap ng pagsang-ayon ng mga tao; hindi ba’t higit na mahalaga at matimbang ang bigyan Ako ng kasiyahan? Sa pagbibigay ng kasiyahan sa Akin, hindi ba’t higit kang magkakaroon ng walang-hanggan at pang-habambuhay na kapayapaan at kaligayahan? Ang pagdurusa sa iyong harapan ay nangangahulugan ng kung gaano kalaki ang iyong magiging mga pagpapala sa kinabukasan; hindi ito kayang isalarawan. Hindi mo nalalaman kung ilan ang mga pagpapala na iyong makakamtan, hindi mo man lamang ito mapangarap. Ngayon ang mga iyon ay nagkatotoo, talagang totoong-totoo! Hindi ito napakalayo, nakikita mo ba ito? Bawat huling himaymay nito ay nasa loob Ko at anong pagkaliwanag sa darating! Punasan mo ang iyong mga luha, huwag kang masaktan o magdalamhati, ang lahat ay hawak Ko sa Aking mga kamay at ang Aking layunin ay gawin kayong ang mga mananagumpay sa lalong madaling panahon at ang dalhin kayo sa kaluwalhatian sa Aking piling. Magiging mapagpasalamat ka at magpupuri para sa lahat ng nangyayari sa iyo, at iyan ay magbibigay-kasiyahan sa Aking puso.

Ang nananaig na buhay ni Cristo ay nagpakita na, wala kang dapat katakutan. Si Satanas ay nasa ilalim ng ating mga paa at ang kanilang panahon ay limitado. Gumising! Iwaksi ang mundo ng kalaswaan, palayain ang iyong sarili mula sa bangin ng kamatayan! Maging tapat sa Akin higit sa lahat ng anupaman, sumulong nang may katapangan; Ako ang iyong matibay na bato, manalig sa Akin!

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan: "Kabanata 10"

Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento