Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2017-11-02

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Hinggil sa Patutunguhan



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Hinggil sa Patutunguhan


Sa tuwing binabanggit ang patutunguhan, itinuturing ninyo ito nang may espesyal na pagpapahalaga; lubusang maramdamin kayong lahat tungkol sa usaping ito. May ilang taong hindi makapaghintay na maging sunod-sunuran sa Diyos para lamang makarating sa magandang patutunguhan sa dulo. Kinikilala Ko ang inyong pagiging masigasig, na hindi na kailangang ilahad pa sa pamamagitan ng mga salita. Tunay na ayaw ninyong humantong sa kapahamakan ang inyong katawan, at bukod pa rito, ayaw ninyong mahulog sa kayhabang kaparusahan sa hinaharap. Kayo ay umaasa lamang na mabuhay nang higit na malaya at maalwan. Dahil dito, nakadarama kayo ng ligalig sa tuwing nababanggit ang patutunguhan, lubos na nangangamba na kapag hindi kayo nakapagtutuon ng pansin, na maaaring nagkakasala kayo sa Panginoon, at dahil dito, makatatanggap ng nararapat na parusa. Hindi kayo nag-alinlangan na makipagkompromiso para lamang sa inyong patutunguhan na ito, at marami sa inyo na dating mapanlinlang o walang galang ay bigla na lamang naging malumanay at tapat; kahit ang inyong katapatan ay nakapagpapalungkot sa akin. Gayon pa man, lahat kayo’y may mga tapat na puso, at mula sa simula hanggang sa katapusan, naging bukas kayo sa Akin nang hindi nagtatago ng anumang lihim sa inyong puso, maging ito man ay paninisi, panlilinlang o pamimintuho. Sa kabuuan, matapat kayong “nangumpisal” sa Akin nang tungkol sa mahahalagang bagay sa inyong pinakakaibuturan. Mangyari pa, hindi Ko rin iniwasan ang gayong mga bagay, dahil karaniwan na ang mga ito sa Akin. Mas nanaisin pa ninyong pumasok sa dagat ng apoy para sa inyong huling patutunguhan kaysa mawalan ng hibla ng buhok para makuha ang pagsang-ayon ng Diyos. Hindi Ko sinusubukang maging dogmatiko rito; iyon lamang, ang puso ng inyong pamimintuho ay lalo nang hindi nakasasapat upang harapin ang lahat ng Aking ginagawa. Maaaring hindi ninyo naiintindihan kung ano ang nais Kong sabihin, kaya hayaan ninyo Akong magbigay sa inyo ng payak na paliwanag: Ang kailangan ninyo ay hindi ang katotohanan at buhay; hindi ang mga prinsipyo kung paano kayo kikilos , at sa partikular, hindi ang Aking mahirap na gawain. Ang kailangan ninyo ay may kinalaman sa inyong mga pag-aari ng laman—kayamanan, estado, pamilya, buhay may-asawa, at iba pa. Lubos ninyong iwinawaksi ang Aking mga salita at gawain, kung kaya’t malalagom Ko ang inyong pananalampalataya sa iisang salita: matamlay. Gagawin ninyo ang kahit ano upang matamo lamang ang mga bagay na pinipintuho, ngunit natuklasan Kong hindi ninyo iwawaksi ang lahat alang-alang sa mga bagay na tungkol sa inyong paniniwala sa Diyos. Sa halip, hindi lubos ang iyong katapatan, at hindi lubos ang iyong pagiging seryoso.. Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi Kong ang mga taong kapos sa sukdulang katapatan ang puso ay mga bigo sa kanilang paniniwala sa Diyos. Maingat itong pag-isipan—marami bang mga pagkakataon ng kabiguan sa inyong hanay?

Kailangan ninyong malaman na natatamo ang tagumpay dahil sa sariling mga kilos ng mga tao; kapag hindi nagtagumpay ang mga tao bagkus ay nabigo, iyon din ay dahil sa sarili nilang mga kilos, hindi ang epekto ng iba pang sanhi. Naniniwala ako na gagawin ninyo ang lahat ng maaaring gawin para magawa ang isang bagay na mas mahirap at nangangailangan ng higit na pagdurusa kaysa paniwalaan ang Diyos, at inyo itong pakaseseryosohin. Hindi rin ninyo papayagan na magkaroon ng mga pagkakamali; ito ang mga uri ng walang humpay na pagpupunyagi na ibinuhos ninyo sa sarili ninyong mga buhay. Kaya nga ninyong linlangin Ako nang harap-harapan sa mga pagkakataon kung saan hindi ninyo nililinlang ang sarili ninyong pamilya. Ito ang inyong palagi nang pag-uugali at ang prinsipyong ipinatutupad ninyo sa inyong mga buhay. Hindi ba nga lumilikha pa kayo ng maling imahe para linlangin Ako, para lamang sa inyong patutunguhan, at upang magkaroon ng maganda at masayang patutunguhan? Batid kong panandalian lamang ang inyong pamimintuho at katapatan; hindi ba’t ang inyong mga hangarin at ang halagang ibinabayad ninyo ay para lamang sa ngayon at hindi para sa darating pa? Nais lamang ninyong magbuhos ng huling pagpupunyagi para matiyak ang magandang patutunguhan. Ang inyong layunin ay para lamang makipagkalakalan; hindi dahil may pagkakautang kayo sa katotohanan, at sa partikular, hindi para isauli sa Akin ang halagang pinagbayaran ko. Sa iisang salita, pumapayag lamang kayong gamitin ang inyong katalinuhan, pero hindi kayo pumapayag na ipaglaban ito. Hindi ba’t ito ang pinakaninanais ng inyong puso? Hindi kayo dapat magbalat-kayo, hindi ninyo dapat pakaisipin ang tungkol sa inyong patutunguhan hanggang sa hindi na kayo makakain o makatulog. Hindi ba’t totoo na ang inyong patutunguhan ay maitatakda na sa huli? Kailangan ninyong gawin ang inyong katungkulan hanggang sa inyong makakayanan nang bukas at matuwid ang inyong mga puso, at kailangang handa kayong gawin ang anumang kinakailangan. Gaya nga ng sinabi ninyo, pagdating ng araw na iyon, hindi pakikitunguhan nang masama ng Diyos ang sinumang nagdusa o nagbayad nang malaki para sa Kanya. May halaga ang pagkapit sa ganitong uri ng paniniwala, at hindi ninyo ito dapat kalimutan. Sa ganitong paraan Ko lamang mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo. Kung hindi, hindi Ko kailanman mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo, at habambuhay ko kayong ituturing nang may kapaitan. Kung susundan ninyo ang iyong konsiyensya, at ibibigay ang lahat para sa Akin, walang hindi pagsusumikapan para sa Aking gawain, at iuukol ang buong buhay ng pagsusumikap sa Aking gawain ng mabuting balita, hindi ba’t lulukso sa tuwa ang Aking puso? Hindi ba’t lubos na mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo? Sayang at ang tanging nagagawa lamang ninyo ay hamak at katiting na bahagi lamang ng Aking inaasahan; sa pagkakataong ito, ano’t may lakas ng loob kayong hingin sa Akin ang inyong ninanais?

Mahalaga sa inyo ang inyong patutunguhan at kapalaran—ang mga ito ay ipinag-aalala ninyong lubos. Naniniwala kayong kapag hindi ninyo maingat na maingat na ginawa ang mga bagay, magiging katumbas ito ng hindi pagkakaroon ng patutunguhan at ng pagkawasak ng inyong kapalaran. Gayon pa man, hindi ba ninyo naisip na kung ang mga pagsusumikap na inyong ginagawa ay para lamang sa inyong patutunguhan, walang-saysay na pagsisikhay ang mga ito? Hindi tunay ang gayong mga pagsisikhay—huwad at mapanlinlang ang mga ito. Kung gayon, ang mga taong nagsisikhay lamang para sa kanilang patutunguhan ay tatanggap ng kanilang pangwakas na pagkatalo, dahil ang mga kabiguan sa paniniwala ng mga tao sa Diyos ay nangyayari nang dahil sa panlilinlang. Nasabi Ko na dati na hindi Ko ninanais na bolahin o kunyari’y hangaan, o pakitunguhan Ako nang may lubos na kasiglahan. Nais Ko ng mga matapat na taong haharap sa Aking katotohan at mga inaasahan. Higit pa rito, nais Ko ng mga taong nagpapakita ng lubos na pangangalaga at pagsasaalang-alang sa Aking puso at isusuko ang lahat para sa Aking kapakanan. Sa ganitong paraan lamang maaaring mabigyan ng kaginhawahan ang Aking puso. Sa ngayon, ilang bagay tungkol sa inyo ang hindi ko nagugustuhan? Ilang bagay tungkol sa inyo ang nagugustuhan Ko? Wala ba sa inyong nakaisip ng tungkol sa kapangitang inyong ipinakita para lamang sa inyong patutunguhan?

Sa Aking puso, hindi ko gustong saktan ang mga taong positibo at may sariling pagsusumikap, at lalong ayaw kong mabawasan ang lakas ng sinumang tapat na ginagawa ang kanyang katungkulan; gayon pa man, kailangan kong paalalahanan ang bawat isa sa inyo ng inyong mga pagkukulang at ang maruming kaluluwa na nasa kaibuturan ng inyong mga puso. Ang layunin ng paggawa nito ay upang umasa na magagawa ninyong ihandog ang inyong tunay na puso sa pagharap sa Aking mga salita, dahil ang pinakakinasusuklaman Ko ay ang panlilinlang ng mga tao sa Akin. Umaasa lamang Ako na sa huling yugto ng Aking gawain, makagaganap kayo nang buong husay, lubos ang pamimintuho at hindi na kayo mananamlay. Mangyari pa, umaasa rin Ako na magkaroon kayo ng magandang patutunguhan. Gayon pa man, mayroon pa rin Akong sariling itinakdang hinihingi, at ito ay ang makagawa kayo ng pinakamahusay na pasya na ihandog sa Akin ang inyong natatangi at huling pamimintuho. Kung may tao na walang ganyang natatanging pamimintuho, tiyak na magiging napakahalaga kay Satanas ng taong iyan, at hindi Ko na ipagpapatuloy ang paggamit sa kanya. Pauuwiin Ko siya para alagaan ng kanyang mga magulang. Lubos na nakatulong sa inyo ang Aking gawain; ang inaasahan Kong makuha sa inyo ay pusong tapat at positibo, ngunit hanggang sa kasalukuyan, walang laman ang Aking mga palad. Pakaisipin ito: Kung pagdating ng araw ay ganito pa rin ako kapait na walang makasapat na mga salita, ano ang Aking magiging pakikitungo sa iyo? Magiging magiliw pa rin kaya Ako na gaya nito? Magiging ganito rin kaya kapayapa ng Aking puso? Nauunawaan ba ninyo ang damdamin ng taong buong sikhay na nagtanim ngunit hindi man lamang umani ng kahit na isang butil? Nauunawaan ba ninyo kung gaano kalaki ang pinsala sa taong nakaranas ng matinding pagkakahampas? Nalalasahan ba ninyo ang pait ng taong puno ng pag-asa na kailangang makipaghiwalay sa iba nang may hidwaan? Nakita mo na ba ang poot ng taong pinukaw ang damdamin?? Kaya ba ninyong malaman ang pakiramdam ng taong nagpipilit na makapaghiganti dahil pinakitunguhan siya nang may poot at panlilinlang? Kung naiintindihan ninyo ang pag-iisip ng mga taong ito, sa tingin ko ay hindi magiging mahirap sa inyo na maisip ang saloobin ng Diyos sa panahon ng Kanyang pagganti! Bilang pangwakas, umaasa Akong lubos kayong magsisikhay para sa inyong sariling patutunguhan; gayon pa man, makabubuting huwag kayong gagamit ng mapanlinlang na mga paraan sa inyong mga pagsusumikap, o , makararamdam Ako sa inyo ng pagkabigo sa Aking puso. Saan hahantong ang gayong pakiramdam ng pagkabigo? Hindi ba ninyo nililnilang ang inyong mga sarili? Ang mga taong iniisip ang kanilang patutunguhan ngunit sinisira ito ay lubos na hindi maililigtas. Kahit na magalit ang gayong mga tao, sino ang magkakaroon ng simpatya sa kanila? Sa kabuuan, handa pa rin Akong naisin para sa inyo na magkaroon kayo ng karapat-dapat at magandang patutunguhan. Higit pa rito, umaasa Akong wala sa inyong mahuhulog sa kapahamakan.

Mula sa  Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan: "Hinggil sa Patutunguhan"

Rekomendasyon:  Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento