Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2017-07-03

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ang Mismong Diyos, ang Bukod-Tangi II (A)

Bibliya, Diyos, Iglesia, Jesus, Panginoon,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ang Mismong Diyos, ang Bukod-Tangi II (A)


      Ang Matuwid na Katangian ng Diyos

    Ngayong narinig niyo na ang nakaraang paksa sa pagtitipon na tungkol sa awtoridad ng Diyos, nakatitiyak Ako na nasangkapan na kayo ng sapat na mga salita sa bagay na ito. Gaano man ang kaya ninyong tanggapin at unawain ay depende kung gaanong pagsasagawa ang ibubuhos ninyo dito. Umaasa Ako na buong sikap ninyong maaabot ang bagay na ito; huwag ninyong isasagawa ito nang hindi bukal sa puso kahit sa anong paraan! Ngayon, ang pagkilala ba sa awtoridad ng Diyos ay katulad ng pagkilala sa kabuuan ng Diyos? Maaaring masabi ng isang tao na ang pagkilala sa awtoridad ng Diyos ay ang simula ng pagkilala sa Mismong bukod-tanging Diyos, at masasabi din ng iba na ang pagkilala sa awtoridad ng Diyos ay nangangahulugang nakatapak na ang isang tao sa pintuan ng pagkakilala sa diwa ng Mismong bukod-tanging Diyos. Ang pagkilalang ito ay isang bahagi ng pag-unawa sa Diyos. Ano ang iba pang bahagi kung gayon? Ito ang paksa na nais Kong pag-uusapan natin ngayon–Ang matuwid na katangian ng Diyos.

   Pumili Ako ng dalawang bahagi mula sa Bibliya na ating pag-uusapan sa paksa ngayon: Ang unang tatalakayin ay ang pagwasak ng Diyos sa Sodoma, na matatagpuan sa Genesis 19:1-11 at sa Genesis 19:24-25; ang pangalawang tatalakayin ay tungkol sa pagliligtas ng Diyos sa Ninive, na matatagpuan sa Jonas 1:1-2, bilang karagdagan, sa pangatlo at pang-apat na kabanata ng aklat na ito. Umaasa Ako na naghihintay na kayong lahat na marinig ang Aking sasabihin sa dalawang mga bahagi na ito. Ang Aking natural na sasabihin ay hindi mawawalay sa paksa na tungkol sa pagkilala sa Mismong Diyos at pagkilala sa Kanyang diwa, ngunit ano ang magiging tuon ng pagtitipon ngayon? May nakakaalam ba sa inyo? Anong mga bahagi ng Aking pagtalakay tungkol sa “Awtoridad ng Diyos” ang nakapukaw ng inyong pansin? Bakit nasabi ko na ang tanging nagtataglay ng gayong awtoridad at kapangyarihan ay ang Mismong Diyos? Ano ang nais Kong ipaliwanag nang sabihin Ko iyon? Ano ang nais Kong ipaalam sa inyo? Ang awtoridad ba at kapangyarihan ng Diyos ay isang bahagi ng kung paano ipinamamalas ang Kanyang diwa? Bahagi ba sila ng Kanyang diwa na nagpapatunay ng Kanyang pagkakakilanlan at katayuan? Nasabi ba ng mga katanungang ito ang nais Kong sabihin? Ano ang nais Kong maunawaan ninyo? Pag-isipan ninyong mabuti ito.

   (I) Dahil sa Pagmamatigas na Paglaban sa Diyos, Winasak ang Tao sa Pamamagitan ng Poot ng Diyos.

   Una, tingnan natin ang mga talata sa kasulatan na naglalawarawan sa “Pagwasak ng Diyos sa Sodoma.”

   (Gen 19:1-11) At nagsidating ang dalawang anghel sa Sodoma, nang nagtatakip silim; at si Lot ay nakaupo sa pintuang-bayan ng Sodoma: at sila'y nakita ni Lot, at nagtindig upang salubungin sila; at iniyukod ang mukha sa lupa; At nagsabi, Ngayon nga mga panginoon ko, ipinamamanhik ko sa inyo na kayo'y magsiliko at magsipasok sa bahay ng inyong lingkod, at kayo'y matira sa buong magdamag, at maghugas ng inyong mga paa, at sa madaling araw ay magsipagbangon kayo at magpatuloy ng inyong paglakad. At kanilang sinabi, Hindi, kundi sa langsangan mananahan kami sa buong magdamag. At kaniyang pinakapilit sila; at sila'y nagsiliko, at nagsipasok sa kaniyang bahay; at sila'y kaniyang pinaghandaan, at ipinagluto ng mga tinapay na walang levadura, at nagsikain. Datapuwa't bago nagsihiga, ang bahay ay kinulong ng mga tao sa bayan sa makatuwid baga'y ng mga tao sa Sodoma, na mga binata at gayon din ng mga matanda ng buong bayan sa buong palibot; At kanilang tinawagan si Lot, at sinabi sa kaniya, Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila. At nilabas sila ni Lot sa pintuan, at isinara ang pinto sa likuran niya. At sinabi niya, Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid ko, na huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan. Narito, ngayon, may dalawa akong anak na babae, na hindi nakakilala ng lalake; ipinamamanhik ko sa inyo, na sila'y aking ilalabas sa inyo, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin: huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito; yamang sila'y nangasa silong ng aking bubungan. At sinabi nila, Umurong ka! At sinabi pa nila, Ang taong ito'y naparito upang makipamayan, at ibig niyang maging hukom: ngayon nga'y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila. At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot, at nagsilapit upang sirain ang pintuan. Datapuwa't iniunat ng mga lalake ang kanilang kamay at binatak si Lot sa loob ng bahay at kanilang sinarhan ang pintuan. At ang mga taong nangasa pintuan ng bahay ay mga pinagbulag nila, ang munti't malaki: ano pa't sila'y nangayamot sa paghahanap ng pintuan.

   (Gen 19:24-25) Nang magkagayo'y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit; At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon.Mula sa mga talatang ito, hindi mahirap na makita na ang kasalanan at katiwalian ng Sodoma ay umabot na sa kalagayang kasuklam-suklam sa parehong tao at Diyos, at sa mga mata ng Diyos, nararapat lamang na gunawin ang lungsod. Ngunit ano ang nangyari sa loob ng lungsod, bago ito wasakin? Ano ang maaari nating matutuhan mula sa mga pangyayaring ito? Ano ang ipinakikitang damdamin ng Diyos sa mga pangyayaring ito tungkol sa Kanyang katangian? Upang maunawaan ang buong kuwento, maingat nating basahin ang nakasulat sa Kasulatan….

   Kasamaan ng Sodoma: Nagpapasiklab ng Galit sa Tao, Nagdudulot ng Pagkapoot sa Diyos.

Nang gabing iyon, tinanggap ni Lot ang dalawang mensahero mula sa Diyos at ipinaghanda sila ng makakain. Pagkatapos maghapunan, bago sila matulog, pinalibutan ng mga tao sa lungsod ang tirahan ni Lot at tinawag nang pasigaw si Lot. Ang sigaw nila ayon sa Kasulatan, “Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila.” Sino ang nagsabi sa mga salitang ito? Para kanino ang sinabing ito? Ito ang sinabi ng mga tao sa Sodoma, na nagsisigaw sa labas ng bahay ni Lot, at ito ay para kay Lot. Ano kaya ang mararamdaman kapag narinig ang ganitong mga salita? Magagalit ba kayo? Makakasakit ba ang mga salitang ito sa inyo? Magpupuyos ba kayo sa galit? Hindi kaya pahiwatig kay Satanas ang mga salitang ito? Sa pamamagitan nito, nararamdaman ba ninyo ang kasamaan at kadiliman sa lungsod na ito? Sa kanilang mga salita, nararamdaman ba ninyo ang kalupitan at kabangisan sa pag-uugali ng mga taong ito? Nararamdaman ba ninyo ang malalang katiwalian sa kanilang ikinikilos? Sa pamamagitan ng nilalaman ng kanilang sinabi, hindi mahirap makita na ang kanilang likas na pagiging makasalanan at malupit na katangian ay nakaabot na sa antas na hindi na nila makontrol. Bukod kay Lot, lahat ng tao sa lungsod na ito ay walang pagkakaiba kay Satanas; ang makita lamang ang ibang tao ay umudyok na sa mga tao na saktan at lipulin sila.... Ang mga bagay na ito ay hindi lamang nakapagbibigay sa isang tao ng pakiramdam sa nakakatakot at nakakasindak na kalikasan ng lungsod, kundi pati ang anino ng kamatayan sa paligid nito; nagpapahiwatig din ito ng kasamaan at pagkauhaw sa dugo.

Habang nakaharap siya sa grupo ng mga taong may masasamang-loob, mga taong punong-puno ng karumal-dumal na mithin, paano tumugon si Lot? Ayon sa Kasulatan:“Narito, ngayon, may dalawa akong anak na babae, na hindi nakakilala ng lalake; ipinamamanhik ko sa inyo, na sila'y aking ilalabas sa inyo, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin: huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito; yamang sila'y nangasa silong ng aking bubungan.” Ang ibig sabihin ng sinabi ni Lot: Handa niyang ibigay ang kanyang dalawang anak na babae sa mga tao upang protektahan ang mga mensahero. Sa ganitong dahilan, dapat sana’y pumayag na ang mga tao sa mga kundisyon ni Lot at iwan na ang mga mensahero; lalo pa nga, hindi naman talaga nila kilala ang mga mensahero, at tuwirang walang kinalaman sa kanila; hindi man lamang nasaktan ng mga mensahero na ito ang kanilang mga kawilihan. Ngunit dahil sa udyok ng kanilang likas na kasalanan, hindi nila iniwan ang bagay na ito. Sa halip, pinatindi lamang nila ang kanilang pagnanais. Ito pa ang isa nilang pag-uusap na walang pag-aalinlangan na makapagpapalinaw sa tunay na masamang hangarin ng mga taong ito; gayun din naman, dito malalaman at mauunawaan ng tao ang dahilan kung bakit nais ng Diyos na gunawin ang lungsod na ito.

Kaya ano ang sumunod nilang sinabi? Ang sabi sa Biblia: “At sinabi nila, Umurong ka! At sinabi pa nila, Ang taong ito'y naparito upang makipamayan, at ibig niyang maging hukom: ngayon nga'y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila. At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot, at nagsilapit upang sirain ang pintuan.”Bakit nais nilang sirain ang pinto? Ang dahilan ay nasasabik lamang silang saktan ang dalawang mensahero na iyon. Ano ang ginagawa ng mga mensahero na ito sa Sodoma? Ang layunin nila sa pagpunta doon ay upang sagipin si Lot at ang kanyang pamilya; ngunit nagkamali ang mga tao ng isipin na dumating sila upang gumanap ng mga opisyal na tungkulin. Dahil hindi nila tinanong ang kanilang pakay, tanging haka-haka lamang ang dahilan kaya gustong saktan ng mga tao ang dalawang mensahero; nais nilang saktan ang dalawang tao na wala namang kinalaman sa kanila. Maliwanag na nawala nang lubusan ng mga mamamayan ng lungsod na ito ang kanilang pagkatao at katuwiran. Ang antas ng kanilang kabaliwan at pagkamabagsik ay wala nang ipinagkaiba sa likas na kasamaan ni Satanas na nananakit at lumilipol sa mga tao.

Nang hilingin nila ang mga taong ito kay Lot, ano ang ginawa ni Lot? Mula sa mga talata, alam nating hindi sila ibinigay ni Lot. Kilala ba ni Lot ang dalawang mensahero na ito ng Diyos? Siyempre hindi! Ngunit bakit niya nagawang iligtas ang dalawang ito? Alam ba niya kung ano ang kanilang gagawin kaya sila dumating? Bagaman hindi niya alam ang dahilan ng kanilang pagdating, alam niya na mga lingkod ng Diyos ang mga ito, kaya tinanggap niya sila. Ang kanyang pagtawag sa mga lingkod ng Diyos na panginoon ay nagpapakita na isang tagasunod ng Diyos si Lot, hindi katulad ng ibang nasa loob ng Sodoma. Kaya nang dumating sa kanya ang mga mensahero ng Diyos, ibinuwis niya ang kanyang sariling buhay upang tanggapin ang dalawang lingkod; at gayun din, ipinagpalit niya ang kanyang dalawang anak na babae upang maprotektahan ang dalawang lingkod. Ito ang matuwid na ginawa ni Lot; ito rin ang nakikitang kapahayagan ng kalikasan at diwa ni Lot, at ito rin ang dahilan kaya isinugo ng Diyos ang Kanyang mga lingkod upang iligtas si Lot. Nang maharap sa panganib, iningatan ni Lot ang dalawang lingkod na ito na walang ibang inaalala; tinangka pa niyang ipagpalit ang kanyang dalawang anak na babae para sa kaligtasan ng mga lingkod. Bukod kay Lot, mayroon pa kayang ibang tao sa lungsod na kayang gawin ang ganito? Tulad ng pinatunayan ng pangyayari–wala! Kaya, sinabi na ang bawat isa sa loob ng Sodoma, bukod kay Lot, ang puntirya ng pagkawasak at gayun din ang puntirya na karapat-dapat na mawasak.

Winasak ang Sodoma Dahil sa Pagbubuyo sa Galit ng Diyos

Nang makita ng mga taga-Sodoma ang dalawang lingkod na ito, hindi nila itinanong kung ano ang kanilang pakay sa pagdating, ni may isa man lang na nagtanong kung dumating ba sila upang ipahayag ang kalooban ng Diyos. Sa kabaliktaran, bumuo sila ng isang malaking pangkat ng mga tao at, kahit walang anumang paliwanag, dumating sila para dakpin ang dalawang lingkod na ito na gaya ng mga asong gubat o mababangis na mga lobo. Pinagmamasdan ba ng Diyos ang mga bagay na ito habang nangyayari? Ano kaya ang iniisip ng Diyos sa Kanyang puso sa uri ng pag-uugaling ito ng tao, sa bagay na ito? Nagpasya ang Diyos na wasakin na ang lungsod na ito; hindi na siya mag-aatubili o maghihintay pa, ni magpapakita pa ng pagtitiyaga. Dumating na ang Kanyang araw, at inihanda na Niya ang gawaing nais Niyang gawin. Kaya ang sabi sa Genesis 19:24-25, “Nang magkagayo'y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit; At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon.” Sinasabi ng dalawang talatang ito sa mga tao ang paraan ng pagwasak ng Diyos sa lungsod na ito; gayun din sinasabi sa mga tao kung ano ang winasak ng Diyos. Una, isinasaad sa Biblia na sinunog ng Diyos ang lungsod sa pamamagitan ng apoy, at ang lawak nito ay sapat na upang malipol ang mga tao at lahat ng nabubuhay sa lupa. Ibig sabihin, hindi lamang winasak ng apoy na nagmula sa langit ang lungsod; sinira din nito ang lahat ng mga tao at lahat ng mga nabubuhay na nilalang sa loob, na walang anumang naiwan kahit isang bakas. Pagkatapos masunog ang lungsod, sa lugar ay walang makitang buhay na mga bagay. Wala nang may buhay o anomang senyales nito. Ang lungsod ay naging kaparangan, isang lugar na walang laman at puspos ng nakabibinging katahimikan. Wala nang anumang masamang gawa na laban sa Diyos sa lugar na ito; wala nang mangyayaring patayan o pagdanak ng dugo.

Bakit nais ng Diyos na sunugin ang lungsod na ito nang lubusan? Ano ang nakikita ninyo dito? Matitiis bang panoorin ng Diyos ang mga tao at ang kalikasan, na Kanyang nilikha, na mawasak na katulad nito? Kung makakaya mong maunawaan ang galit ng Diyos na si Jehova mula sa apoy na bumaba mula sa langit, kung gayon, hindi mahirap na makita ang antas ng Kanyang galit mula sa puntirya ng Kanyang pagwasak, gayun din sa antas ng pagkawasak sa lungsod na ito. Kapag kinasuklaman ng Diyos ang isang lungsod, ibibigay Niya dito ang kanyang parusa. Kapag nainis ang Diyos sa isang lungsod, padadalhan Niya ito ng paulit-ulit na babala ng Kanyang galit sa mga tao. Ngunit kapag nagpasya ang Diyos na wakasan na at wasakin ang isang lungsod–iyon ay kapag nasaktan na ang Kanyang galit at karangalan–hindi na Siya magsasabi pa ng anumang mga parusa o mga babala. Sa halip, tuluyan na Niya itong wawasakin. Lubusan na Niya itong paglalahuin. Ito ang makatwirang katangian ng Diyos.

Matapos ang Paulit-ulit na Pagtanggi at Pagsuway ng Sodoma sa Kanya, Nilipol na ito ng Diyos nang Lubusan.

Sa sandaling magkaroon tayo ng pagkalahatang pang-unawa sa matuwid na katangian ng Diyos, maibabalik natin ang ating pansin sa lungsod ng Sodoma–ang nakita ng Diyos ay isang lungsod ng kasalanan. Sa pag-unawa sa kalagayan ng lungsod na ito, maiintindihan natin kung bakit nais ng Diyos na wasakin ito at bakit winasak Niya ito ng lubusan. Mula dito, maaari na nating malaman ang matuwid na katangian ng Diyos.

Mula sa pananaw ng isang tao, ang Sodoma ay isang lungsod na makapagbibigay ng ganap na kasiyahan sa pagnanasa at kasamaan ng tao. Nakatutukso at nakabibighani, may kasamang tugtugan at sayawan gabi-gabi, ang karangyaan nito ang nagtulak sa mga tao sa pagkabighani at kahibangan. Kinain ng kasamaan ang puso ng mga tao at inakit sila sa pagkabulok. Ito ang lungsod na kung saan ang marurumi at masasamang espiritu ay naghuhuramentado; punong-puno ito ng kasalanan at pagpatay at nangangamoy dugo at bulok ito. Isa itong lungsod na pinalamig ang mga tao hanggang buto, isang lungsod na inyong iiwasan. Wala kahit isa sa lungsod na ito–mapalalaki man o babae, bata man o matanda–ang naghanap ng tunay na daan; walang nagnais sa liwanag o naghangad na lumayo mula sa kasalanan. Nabuhay sila sa pagkontrol ni Satanas, sa katiwalian at pandaraya. Nawala na ang kanilang pagkatao; nawala nila ang kanilang pandama, at pati na ang orihinal na layunin ng tao sa pagkalikha. Nakagawa sila ng hindi na mabilang na mga kasalanan ng pagtanggi laban sa Diyos; tinanggihan nila ang Kanyang paggabay at kinalaban ang Kanyang kalooban. Ang kanilang masasamang gawa ang nagtulak sa mga taong ito, sa buong lungsod at sa bawat nabubuhay dito, unti-unti, patungo sa daan ng pagkawasak.

Bagaman hindi nakasulat sa dalawang talatang ito ang mga detalye na naglalarawan sa lawak ng katiwalian ng mga mamamayan ng Sodoma, at sa halip ay itinala ang kanilang pakikitungo sa dalawang lingkod ng Diyos matapos na sila’y dumating sa lungsod, ang isang simpleng katotohanan na makikita natin sa mga taga-Sodoma ay sila’y mga tiwali, masasama at lumalaban sa Diyos. Dahil dito, ang tunay na mukha at kalooban ng mga mamamayan ng lungsod ay nahayag din. Hindi lamang sa hindi nila tinanggap ang mga babala ng Diyos, hindi rin sila natakot sa Kanyang parusa. Sa kabaliktaran, kinasuklaman nila ang galit ng Diyos. Walang taros na nilabanan nila ang Diyos. Walang halaga kung ano ang ginawa Niya o paano Niya ito ginawa, lalo lamang lumala ang kanilang likas na masamang hangarin, at paulit-ulit nilang nilabanan ang Diyos. Ang mga taga-Sodoma ay galit sa pag-iral ng Diyos, sa Kanyang pagdating, sa Kanyang parusa, at lalo na sa Kanyang mga babala. Wala silang nakitang mahalaga sa kanilang paligid. Sinisila at sinasaktan nila ang lahat ng mga taong kaya nilang silain at saktan, at gayun din ang kanilang pagtrato sa mga lingkod ng Diyos. Tungkol sa kabuuan ng mga masasamang gawa na ginawa ng mga taga-Sodoma, ang pananakit sa mga lingkod ng Diyos ay maliit na bahagi lamang, at ang kanilang likas na kasamaan na inihayag ay katulad lamang ng isang maliit na patak sa malawak na dagat. Kaya pinili ng Diyos na lipulin sila sa pamamagitan ng apoy. Hindi gumamit ang Diyos ng baha, ni hindi gumamit ng bagyo, lindol, dambuhalang mga alon, o iba pang paraan upang wasakin ang lungsod. Ano ang kahulugan ng paggamit ng Diyos ng apoy upang wasakin ang lungsod na ito? Ang ibig sabihin nito ay ganap na nawasak ang lungsod; ibig sabihin ay ganap na naglaho ang lungsod sa ibabaw ng lupa at mula sa pag-iral nito. Dito, ang “pagkawasak” ay hindi lamang tumutukoy sa pagkawala ng anyo at istruktura o panlabas na katayuan ng lungsod; nangangahulugan din ito na ang mga kaluluwa ng mga taong nasa loob ng lungsod ay huminto nang mabuhay, at lubos nang nalipol. Sa madaling sabi, lahat ng mga tao, mga pangyayari at mga bagay na nakaugnay sa lungsod ay nawasak na. Wala nang buhay pagkatapos o muling pagkabuhay na para sa kanila; Nilipol na sila ng Diyos mula sa sangkatauhan, sa Kanyang nilalang, minsan at magpakailanman. Ang “paggamit ng apoy” ay nagpapahiwatig ng pagpigil sa kasalanan, at nangangahulugan ito ng pagtapos sa kasalanan; titigil na sa pananatili at pagkalat ang kasalanang ito. Nangangahulugan ito na ang kasamaan ni Satanas ay nawala na sa mataba nitong lupa, gayun din ang libingan na pumayag na magkaroon ng lugar na tirahan at panirahan ito. Sa digmaan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas, ang paggamit ng Diyos ng apoy ay tatak ng Kanyang pagtatagumpay kung saan namarkahan si Satanas. Ang pagkawasak ng Sodoma ay isang malaking maling hakbang sa mithiin ni Satanas na kalabanin ang Diyos sa pamamagitan ng pagsira at pag-ubos sa mga tao, at isa itong nakahihiyang tanda sa panahon ng pag-unlad ng sangkatauhan nang tanggihan ng tao ang patnubay ng Diyos at pinabayaan ang sarili sa bisyo. Bukod pa rito, isa itong talaan ng tunay na kapahayagan ng matuwid na katangian ng Diyos.

Nang tinupok ng apoy na ipinadala ng Diyos mula sa langit ang Sodoma hanggang sa maging abo, nangangahulugan ito na ang lungsod na tinawag na “Sodoma” ay hindi na makikita, at maging ang lahat ng naroon sa loob nito. Winasak na ito sa pamamagitan ng galit ng Diyos; naglaho na ito sa ilalim ng poot at karangalan ng Diyos. Dahil sa matuwid na katangian ng Diyos, tinanggap ng Sodoma ang kanyang makatarungang parusa; dahil sa matuwid na katangian ng Diyos, tinanggap nito ang makatarungang katapusan. Ang katapusan ng pag-iral ng Sodoma ay dahil sa kanyang kasamaan, at dahil din ito sa pagnanais ng Diyos na hindi na ito muling makita, maging ang mga taong nabuhay dito o anumang may buhay na lumago sa loob ng lungsod. Ang “pagnanais ng Diyos na hindi na makitang muli ang lungsod” ay dahil sa kanyang poot, at gayun din sa Kanyang karangalan. Sinunog ng Diyos ang lungsod dahil sa pagsalangsang at kasalanan nito na dahilan para magalit, mainis at masuklam Siya dito at ninais na hindi na makita ito magpakailanman o maging ang sinumang tao at bagay na nabubuhay sa loob nito. Nang matapos masunog ang lungsod, nang mga abo na lamang ang naiwan, tunay ngang tumigil na ito sa pag-iral sa paningin ng Diyos; kahit na ang Kanyang alaala dito ay nawala na, nabura na. Nangangahulugan ito na hindi lamang winasak ng ipinadalang apoy mula sa langit ang buong lungsod ng Sodoma at ang makasalanang mga tao sa loob nito, ni hindi lamang nito nilipol ang lahat ng bagay sa loob ng lungsod na namantsahan ng kasalanan; higit pa rito, winasak ng apoy na ito ang mga alaala ng kasamaan ng sangkatauhan at pagtutol laban sa Diyos. Ito ang layunin ng Diyos sa pagsunog sa buong lungsod.

Ang sangkatauhan ay naging tiwali ng sagad. Hindi nila kilala kung sino ang Diyos o kung saan sila nagmula. Kapag binanggit ninyo ang Diyos, ang mga taong ito ay aatake, maninirang puri, at maglalapastangan. Kahit na dumating ang mga lingkod ng Diyos upang ikalat ang Kanyang babala, hindi man lamang nagpakita ng mga tanda ng pagsisisi ang mga tiwaling taong ito; hindi nila iniwan ang kanilang masamang asal. Sa kabaliktaran, walang hiyang sinaktan nila ang mga lingkod ng Diyos. Ang kanilang ipinahayag at isiniwalat ay ang kanilang kalikasan at diwa ng masidhing pagkapoot sa Diyos. Makikita natin na ang paglaban ng mga tiwaling taong ito sa Diyos ay higit pa sa pagpapahayag ng kanilang tiwaling katangian, na mas higit pa ito sa paninirang-puri o panunukso na umusbong mula sa kakulangan ng pag-unawa sa katotohanan. Hindi ang kahangalan ni kawalang kaalaman ang dahilan ng kanilang masamang pag-uugali; hindi ito dahil sa nalinlang ang mga taong ito, at tiyak na hindi dahil sa nailigaw lamang sila. Ang kanilang pag-uugali ay nakaabot na sa antas ng garapalan at walang hiyang paglaban, oposisyon at pakikipagtunggali sa Diyos. Walang pag-aalinlangan, ang ganitong uri ng pag-uugali ng tao ay makapagpapagalit sa Diyos, at makapagpapagalit sa Kanyang katangian–isang katangian na hindi dapat masaktan. Kaya, tuwiran at ganap na pinakawalan ng Diyos ang Kanyang poot at ang Kanyang karangalan; ito ang tunay na kapahayagan ng Kanyang matuwid na katangian. Kaharap ng isang lungsod na nag-uumapaw sa kasalanan, hinangad ng Diyos na wasakin ito sa pinakamabilis na paraan hangga’t maaari; Ninais Niyang lipulin ang mga mamamayan at ang lahat ng kanilang mga kasalanan sa pinakaganap na paraan, upang hindi na sila makita at upang mahinto na ang kasalanan sa paglaganap sa lugar na ito. Ang pinakamabilis at pinakakumpletong paraan ng pagsasagawa nito ay ang sunugin sa pamamagitan ng apoy. Ang iniisip ng Diyos sa mga taga-Sodoma ay hindi sila basta iwanan o balewalain kaya; sa halip, ginamit niya ang Kanyang galit, karangalan at awtoridad upang parusahan, ibagsak at lubos na lipulin ang mga taong ito. Hindi lamang pisikal na paglipol ang Kanyang iniisip sa kanila kundi paglipol din sa kanilang kaluluwa, isang walang hanggang pagpuksa. Ito ang tunay na pagpapahiwatig ng pagnanais ng Diyos na “mawala na sila.”

Bagaman Nakatago ang Galit ng Diyos at Nakalihim sa Tao, Hindi Nito Kinukunsinti ang Kasalanan.

Ang pakikitungo ng Diyos sa mga hangal at mangmang na sangkatauhan ay nakabase sa Kanyang kaawaan at pagpapaubaya. Sa kabilang banda, ang Kanyang galit ay nakatago sa matagal na panahon at sa mga bagay-bagay; nakalihim ito sa tao. Ang resulta, mahirap para sa tao na makitang nagagalit ang Diyos, at mahirap ding maunawaan ang Kanyang galit. Dahil dito, minaliit ng tao ang galit ng Diyos. Kapag humarap na ang tao sa huling gawain ng Diyos at at hakbang ng pagpapaubaya at pagpapatawad sa tao–ito ay kapag makaabot na ang huling pagkakataon ng kaawaan ng Diyos at babala Niya sa kanila–kung gagamitin pa rin nila ang parehong mga paraan ng paglaban sa Diyos at hindi gumawa ng kahit anong paraan upang magsisi, baguhin ang kanilang mga pamamaraan o tanggapin ang Kanyang kaawaan, hindi na ipagkakaloob ng Diyos ang Kanyang pagpapaubaya at pagtitiyaga sa kanila. Sa kabilang banda, ito ang panahon na babawiin na ng Diyos ang Kanyang kaawaan. Pagkatapos nito, ang ipadadala na Niya ay ang Kanyang galit. Maaari Niyang ipahayag ang Kanyang galit sa iba’t ibang paraan, gaya ng paggamit Niya ng iba’t ibang paraan ng pagpaparusa at pagwasak sa mga tao.

Ang paggamit ng Diyos ng apoy upang wasakin ang lungsod ng Sodoma ang pinakamabilis Niyang paraan upang lubos na lipulin ang sangkatauhan o anumang bagay. Ang pagsunog sa mga mamamayan ng Sodoma, ay higit pa sa pagsunog sa kanilang mga pisikal na katawan; sinira din nito ang kabuuan ng kanilang mga espiritu, ang kanilang mga kaluluwa at mga katawan, sa pagtitiyak na ang mga tao sa loob ng lungsod ay tumigil nang mabuhay sa parehong mundong materyal at sa mundong hindi nakikita ng tao. Ito ang isang paraan kung saan inihahayag ng Diyos at ipinadadama ang Kanyang galit. Ang uri ng pagpapahayag at pagpapadama na ito ay isang anyo ng diwa ng galit ng Diyos, gayun din, ito ay likas na kapahayagan ng diwa ng matuwid na katangian ng Diyos. Kapag ipinadadama ng Diyos ang Kanyang galit, hindi Niya ipinakikita ang anumang kaawaan o kagandahang loob, ni hindi na Niya ihahayag ang Kanyang pagpapaubaya o pagtitiyaga; walang tao, bagay o dahilan na makahihimok sa Diyos na ipagpatuloy ang pagiging matiyaga, na maging maawaing muli, at minsan pang ipagkaloob ang Kanyang pagpaparaya. Sa lugar ng mga bagay na ito, walang sandaling pag-aalinlangan, ipadadama ng Diyos ang Kanyang galit at karangalan, gagawin kung ano ang Kanyang mga nais, at isasagawa ang mga bagay na ito sa mabilis at malinis na paraan batay sa Kanyang sariling mga hangarin. Ito ang paraan kung saan ipinadadama ng Diyos ang Kanyang galit at karangalan, na hindi dapat gagalitin ng tao, at ito ay isa ring kapahayagan ng isang anyo ng Kanyang matuwid na katangian. Kapag nasaksihan ng mga tao na nagpapakita ng pag-aalala at pagmamahal ang Diyos sa tao, hindi nila maramdaman ang Kanyang galit, o makita ang Kanyang karangalan o madama ang hindi Niya pagpapaubaya sa kasalanan. Ang mga bagay na ito ang laging nagbubunsod sa mga tao na maniwala na ang matuwid na katangian ng Diyos ay tanging pagkaawa, pagpapaubaya at pagmamahal lamang. Ngunit, kapag nakita ng tao na nilipol ng Diyos ang isang lungsod o kinapootan ang sangkatauhan, ang Kanyang galit sa paglipol ng tao at ang Kanyang karangalan ang nagbibigay-daan sa mga tao na makita ang kabilang bahagi ng matuwid na Niyang katangian. Ito ang Kanyang hindi pagkunsinti sa kasalanan. Ang katangian ng Diyos na hindi nagkukunsinti sa kasalanan ang dumadaig sa imahinasyon ng anumang nilikha at hindi nilikha, at sa gitna ng mga hindi nilikhang katauhan, walang may kakayahan na hadlangan ito o makaantig dito; at higit sa lahat, hindi ito kayang gayahin o tularan. Kaya ang bahaging ito ng katangian ng Diyos ang dapat maunawaang mabuti ng tao. Tanging ang Diyos Mismo ang may ganitong uri ng katangian, at tanging Siya lamang ang nagmamay-ari ng ganitong uri ng katangian. Ang Diyos ang nagmamay-ari ng ganitong uri ng makatarungang katangian dahil nasusuklam Siya sa kasamaan, kadiliman, pagrerebelde at sa mga masamang gawa ni Satanas–pagsira at paglamon sa sangkatauhan–sapagkat kinasusuklaman Niya ang lahat ng mga gawa ng kasalanan na paglaban sa Kanya at dahil sa Kanyang banal at walang dungis na diwa. Ito ang dahilan kaya hindi Niya hahayaan ang sinumang nilikha o hindi nilikha na hayagang labanan o salungatin Siya. Kahit ang isang indibidwal na pinagpakitaan Niya ng awa o pinili ay kailangan lamang pukawin ang Kanyang katangian at labagin ang Kanyang prinsipyo ng katiyagaan at pagpaparaya, at pakakawalan Niya at ipapahayag ang Kanyang matuwid na katangian na walang pinakakaunting bahid ng awa o pag-aalinlangan–isang katangian na hindi kinukunsinti ang kasalanan.

Ang Galit ng Diyos ay isang Pananggalang sa Lahat ng Makatarungang Pwersa at Lahat ng Positibong Bagay

Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga halimbawang ito ng mensahe, kaisipan at mga kilos ng Diyos, makakaya niyo kayang unawain ang matuwid na katangian ng Diyos, isang katangian na hindi maaaring saktan? Sa huli, ito ay isang anyo ng katangian na bukod-tangi sa Diyos Mismo, hindi alintana kung gaano man kayang unawain ng tao. Ang hindi pagkunsinti ng Diyos sa kasalanan ang Kanyang natatanging diwa; ang galit ng Diyos ang Kanyang natatanging katangian; ang karangalan ng Diyos ang Kanyang natatanging diwa. Ang prinsipyo sa likod ng galit ng Diyos ay naglalarawan sa pagkakakilanlan at katayuan na Siya lamang ang nagtataglay. Hindi na kailangang banggitin ng sinuman na ito ay sagisag rin ng diwa ng Mismong bukod-tanging Diyos. Ang katangian ng Diyos ay ang Kanyang likas na diwa. Hindi ito nagbabago kahit kailan sa pagbabago ng panahon, ni magbago man kapag nagbago ang lokasyon. Ang Kanyang likas na katangian ay ang Kanyang tunay na diwa. Hindi alintana kung kanino man Niya dinadala ang Kanyang ginagawa, hindi nagbabago ang Kanyang diwa, at maging ang Kanyang matuwid na katangian. Kapag ginalit ng tao ang Diyos, doon Niya ipinadadama ang Kanyang likas na katangian; sa pagkakataong ito, ang prinsipyo sa likod ng Kanyang galit ay hindi nagbabago, ni maging ang Kanyang bukod-tanging pagkakakilanlan at kalagayan. Hindi Siya nagagalit dahil may nagbago sa Kanyang diwa o dahil ang Kanyang katangian ay nagbunga ng iba’t ibang mga elemento, kundi dahil ang paglaban ng tao sa Diyos ang nakagalit sa Kanyang katangian. Ang lantarang pagpapagalit ng tao sa Diyos ay isang mabigat na hamon sa sariling pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos. Sa pananaw ng Diyos, kapag hinamon Siya ng tao, kinakalaban Siya ng tao at sinusubok ang Kanyang galit. Kapag sinalungat ng tao ang Diyos, kapag kinakalaban ng tao ang Diyos, kapag patuloy na sinusubok ng tao ang galit ng Diyos–gayun din kapag nagiging laganap ang kasalanan–ang galit ng Diyos ay natural na mahahayag at ihaharap ang sarili. Kaya nga, ang pagkahayag ng galit ng Diyos ay sumisimbulo na lahat ng mga pwersa ng kasamaan ay titigil sa pag-iral; sumisimbulo ito na ang lahat ng mga pwersang salungat ay wawasakin. Ito ang kaibahan ng matuwid na katangian ng Diyos, at ito ang kaibahan ng galit ng Diyos. Kapag hinamon ang dangal at kabanalan ng Diyos, kapag ang makatarungang mga pwersa ay hinadlangan at hindi nakita ng tao, ipadadala ng Diyos ang Kanyang galit. Dahil sa diwa ng Diyos, lahat ng mga pwersa sa mundo na kumakalaban sa Diyos, sumasalungat at nakikipagtalo sa Kanya ay masasama, tiwali at hindi makatarungan; nagmula at kabilang sila kay Satanas. Dahil makatarungan ang Diyos, nasa liwanag at walang alinlangan na banal, lahat ng mga bagay na masama, tiwali at kabilang kay Satanas ay mawawala sa pagdating ng galit ng Diyos.

Bagaman ang pagbuhos ng galit ng Diyos ay isang anyo ng kapahayagan ng Kanyang matuwid na katangian, ang galit ng Diyos ay siguradong walang pinipili kung sino ang Kanyang puntirya o walang prinsipyo. Sa kabaliktaran, hindi naman madaling magalit ang Diyos, ni padalus-dalos maghayag ng Kanyang galit at ng Kanyang karangalan. Dagdag pa dito, ang galit ng Diyos ay lubhang kontrolado at may sukat; hindi ito maikukumpara sa kung paanong ang tao ay sumiklab sa isang matinding poot o maibulalas ang kanyang galit. Maraming pag-uusap sa pagitan ng tao at ng Diyos ang nakatala sa Biblia. Ang mga sinasabi ng ilan sa mga inidibiduwal na ito ay mabababaw, walang alam, at parang bata, ngunit hindi sila pinarusahan ng Diyos, ni hinatulan man. Isang halimbawa, sa panahon ng pagsubok kay Job, paano pinakitunguhan ng Diyos na si Jehova ang tatlong kaibigan ni Job at ng iba pa, pagkatapos Niyang marinig ang kanilang mga sinabi kay Job? Hinatulan ba sila ng Diyos? Nagpakita ba Siya ng matinding pagkagalit sa kanila? Wala Siyang ginawa sa gayong pangyayari! Sa halip, sinabi Niyang makiusap si Job sa kanila, at ipanalangin sila; Sa kabilang banda, hindi dinamdam ng Diyos sa Kanyang puso ang kanilang mga pagkakamali. Lahat ng mga pangyayaring ito ay kumakatawan sa pangunahing damdamin sa pakikitungo ng Diyos sa tiwali at mangmang na sangkatauhan. Kaya, ang pagpaparamdam ng galit ng Diyos ay tiyak na hindi sa pamamagitan ng paghayag o paglalabas ng Kanyang nararamdaman. Ang galit ng Diyos ay hindi ganap na pagsiklab ng galit gaya nang pagkaunawa ng tao. Hindi ipinadadama ng Diyos ang Kanyang galit dahil sa hindi Niya kayang kontrolin ang Kanyang sariling damdamin o dahil ang Kanyang galit ay nakaabot na sa Kanyang pinakamainit na punto at kailangan nang ilabas. Sa kabaliktaran, ang Kanyang galit ay pagpapakita ng Kanyang matuwid na katangian at isang tunay na paghayag ng Kanyang matuwid na katangian; isang makabuluhang pagpapahayag ng Kanyang banal na diwa. Ang Diyos ay galit, hindi kinukunsinti ang kasalanan – hindi nito sinasabi na ang galit ng Diyos ay hindi kumikilala ng mga dahilan o walang prinsipyo; ang bulok na sangkatauhan ang tanging maliwanag na walang prinsipyo, biglaang nagbubulalas ng matinding galit na hindi kumikilala ng mga dahilan. Sa sandaling magkaroon na ng katayuan ang tao, madalas ay nahihirapan na siyang kontrolin ang kanyang damdamin, kaya nasisiyahan siyang mangalap ng mga pangyayari upang ipahayag ang kanyang kawalang kasiyahan at ilabas ang kanyang mga damdamin; madalas siyang sumisiklab sa matinding galit kahit walang malinaw na dahilan, upang maipahayag lamang ang kanyang abilidad at malaman ng ibang tao ang kanyang katayuan at pagkakakilanlan na iba sa mga ordinaryong tao. Siyempre, ang mga masasamang tao na walang anumang katayuan ay malimit ding mawalan ng kontrol. Ang kanilang galit ay kadalasang dulot ng pinsala sa kanilang indibiduwal na mga benepisyo. Upang maprotektahan ang kanilang sariling kalagayan at dignidad, madalas ilabas ng masamang sangkatauhan ang kanilang damdamin at ipahayag ang kanilang likas na kayabangan. Ang tao ay sisiklab sa galit at ilalabas ang kanyang mga damdamin upang maipagtanggol ang pag-iral ng kasalanan, at ito ang mga paraan ng tao upang maipahayag ang kanyang kawalang kasiyahan. Ang mga aksyong ito ay puno ng kasamaan; puno sila ng mga balak at intriga; puno sila ng katiwalian at kasamaan ng tao; higit pa dito, puno sila ng mga matayog na mithiin at pagnanasa ng tao. Kapag nilabanan ng katarungan ang kasamaan, hindi sisiklab sa galit ang tao upang ipagtanggol ang panig ng katarungan; kasalungat nito, kapag ang mga pwersa ng katarungan ay nanganib, inusig at nilusob, ang pag-uugali ng tao ay nakakaligtaan, umiiwas o umuurong. Ngunit kapag nakaharap naman sa mga pwersa ng kasamaan, ang pag-uugali ng tao ay tumutustos, at yumuyuko at nagkukudkod. Kaya ang paglalabas ng tao ay isang pagtakas para sa mga pwersa ng kasamaan, isang paghayag ng talamak at hindi mapigil na masamang ugali ng taong makalaman. Ngunit kapag isinugo ng Diyos ang Kanyang galit, gayon pa man, lahat ng mga pwersa ng kasamaan ay hihinto; lahat ng mga kasalanang nakasasakit sa tao ay titigil; lahat ng mga pwersa ng kalaban na hahadlang sa gawain ng Diyos ay parurusahan, ihihiwalay at susumpain; lahat ng mga kasabwat ni Satanas na sumasalungat sa Diyos ay parurusahan at bubunutin. Sa kanilang kalagayan, ang gawain ng Diyos ay magpapatuloy nang malaya sa anumang hadlang; ang plano ng pamamahala ng Diyos ay magpapatuloy sa pag-unlad ng unti-unti ayon sa nakatakda; magiging malaya sa panggugulo at pandaraya ni Satanas ang bayang pinili ng Diyos; masisiyahan sa pangunguna at pagtutustos ng Diyos sa tahimik at mapayapang kapaligiran ang mga tagasunod ng Diyos. Ang galit ng Diyos ay isang sanggalang na pumipigil sa lahat ng mga pwersa ng kasamaan mula sa pagrami at paglaganap, at isa rin itong sanggalang na nag-iingat sa pagkakaroon at pagdami ng lahat ng matuwid at positibong mga bagay at walang hanggang babantayan sila mula sa pagkalupig at pagkawasak.

Nakikita ba ninyo ang anyo ng galit ng Diyos sa Kanyang pagwasak sa Sodoma? May nakasama bang iba sa Kanyang sobrang pagkagalit? Ang sobra bang pagkagalit Niya ay tunay? Batay sa salita ng tao, wala bang halo ang galit ng Diyos? Wala bang daya sa likod ng Kanyang galit? Wala bang sabwatan? Mayroon bang hindi masabing mga sikreto? Masasabi ko nang tiyak at taimtim: Walang bahagi ang galit ng Diyos na magdudulot ng pagdududa sa isang tao. Tunay ang Kanyang galit, walang halong galit at walang iniingatang ibang intensiyon o mga layunin. Ang dahilan para sa Kanyang galit ay dalisay, walang bahid at hindi mapipintasan. Isa itong likas na kapahayagan at pagpapakita ng Kanyang banal na diwa; isa itong bagay na hindi taglay ng mga nilikha. Bahagi ito ng bukod-tangi at matuwid na katangian ng Diyos, at ito ay isa ring kitang-kitang pagkakaiba sa pagitan ng kinikilalang diwa ng Lumikha at ng Kanyang nilalang.

Hindi alintana kung magalit man ang isang tao sa harapan o likuran ng iba, ang bawat isa ay may iba’t ibang intensiyon at layunin. Marahil ay iniingatan nila ang kanilang karangalan o maaaring ipinagtatanggol nila ang kanilang pansariling mga kagustuhan, na pinapanatili ang kanilang imahe o ang kanilang mukha. May ilang nagsasanay ng pagpigil sa kanilang galit, samantalang ang iba ay mas mapusok at sumisiklab sa labis na galit nang walang kahit kaunting pagpigil sa tuwing nais nila. Sa madaling salita, ang galit ng tao ay nagmumula sa kanyang masamang katangian. Ano man ang kanyang layunin, batay ito sa laman at kalikasan; wala itong kaugnayan sa katarungan o kawalang katarungan sapagkat hindi umaayon ang kalikasan at diwa ng tao sa katotohanan. Kaya ang galit ng sangkatauhan at ang galit ng Diyos ay hindi dapat ihambing sa parehong sukatan. Walang pagbubukod, ang pag-uugali ng isang tao na sinira ni Satanas ay nagsisimula sa pagnanais na pangalagaan ang katiwalian, at ito ay batay sa katiwalian; kaya ang galit ng tao ay hindi maaaring ihambing sa galit ng Diyos, kahit gaano man kaangkop ito sa teorya. Nang ipadama ng Diyos ang Kanyang matinding pagkapoot, nahinto ang mga pwersa ng kasamaan, winasak ang masasamang mga bagay, samantalang tinamasa ng matutuwid at positibong mga bagay ang pangangalaga at proteksyon ng Diyos, at sila ay pinahintulutang magpatuloy. Ipinadama ng Diyos ang Kanyang galit dahil ang walang katarungan, negatibo at masasamang mga bagay ay humahadlang, nanggugulo o sinisira ang normal na gawain at pagsulong ng makatarungan at positibong mga bagay. Ang layunin ng galit ng Diyos ay hindi para protektahan ang Kanyang sariling kalagayan at pagkakakilanlan, kundi para ingatan ang pagkakaroon ng makatarungan, positibo, maganda at mabubuting bagay, upang pangalagaan ang mga batas at kaayusan ng likas na kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Ito ang pangunahing dahilan ng pagkagalit ng Diyos. Ang labis na pagkagalit ng Diyos ay nararapat, likas at tunay na kapahayagan ng Kanyang katangian. Walang ibang intensiyon sa likod ng Kanyang labis na pagkapoot, ni pandaraya man o masamang balak; o higit sa lahat, ang Kanyang pagkapoot ay walang pagnanasa, panlilinlang, malisya, karahasan, kasamaan o anumang bagay na makasisira sa bahagi ng sangkatauhan. Bago ipadama ng Diyos ang Kanyang labis na pagkapoot, napansin na Niya ang diwa ng bawat bagay na malinaw at maayos, at nakagawa na Siya ng tiyak, malinaw na mga kahulugan at konklusyon. Kaya ang layunin ng Diyos sa bawat bagay na Kanyang ginagawa ay sinlinaw ng kristal, tulad ng Kanyang pag-uugali. Hindi natataranta ang Kanyang pag-iisip; hindi Siya bulag; hindi Siya mapusok; hindi Siya padalus-dalos; higit sa lahat, may prinsipyo Siya. Ito ang praktikal na anyo ng galit ng Diyos, at dahil sa praktikal na anyong ito ng Diyos kaya naabot ng sangkatauhan ang Kanyang karaniwan na kalagayan. Kung wala ang galit ng Diyos, bababa ang sangkatauhan sa mga kalagayan ng pamumuhay na hindi karaniwan; ang lahat ng mga bagay na matuwid, maganda at mabubuti ay mawawasak at hihinto sa pag-iral. Kapag wala ang galit ng Diyos, ang mga batas at kaayusan na nagpapatakbo sa sangnilikha ay masisira o maaaring tuluyang bumagsak. Simula ng paglikha sa tao, patuloy na ginamit ng Diyos ang Kanyang matuwid na katangian upang pangalagaan at panatilihin ang normal na kalagayan ng tao. Sapagkat ang Kanyang matuwid na katangian ay naglalaman ng galit at karangalan, ang lahat ng masasamang tao, mga bagay, kaganapan at lahat ng mga bagay na gumagambala at sumisira sa karaniwan na pamumuhay ng sangkatauhan ay naparusahan, nakontrol at nawasak dahil sa Kanyang galit. Sa mga nakalipas na libu-libong taon, patuloy na ginagamit ng Diyos ang Kanyang matuwid na katangian upang pabagsakin at wasakin ang lahat ng uri ng marumi at masamang mga espiritu na kumakalaban sa Diyos at kumikilos bilang mga kasabwat at tagapagpatupad ni Satanas sa Kanyang trabaho na pamamahala sa sangkatauhan. Kaya ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa tao ay laging nauuna ayon sa Kanyang plano. Masasabi natin na dahil sa pagpapadama ng galit ng Diyos, ang pinakamatuwid na gawain sa kalagitnaan ng mga tao ay hindi kailanman nawasak.

Ngayon na may pagkaunawa na kayo sa anyo ng galit ng Diyos, dapat tiyak na may mas mabuti na kayong pagkaunawa sa kung paano kikilalanin ang kasamaan ni Satanas!

Bagaman si Satanas ay Mukhang Mabait, Makatarungan at Malinis, Siya ay Malupit at Masama sa Kanyang Diwa

Napanalunan ni Satanas ang Kanyang katanyagan sa pamamagitan ng pandaraya sa mga tao. Madalas niyang ipakilala ang Kanyang sarili bilang isang pinuno at huwaran ng katuwiran. Sa ilalim ng bandila ng pagbabantay sa katuwiran, sinaktan niya ang tao, sinira ang kanilang mga kaluluwa, at ginamit ang lahat ng paraan upang pamanhirin, dayain, at sulsulan ang tao. Ang layunin niya ay gawin ang tao na sumang-ayon at sumunod sa Kanyang masamang pag-uugali, upang isama ang tao sa paglaban sa awtoridad at kapangyarihan mangibabaw ng Diyos. Ngunit kapag nalaman na ng tao ang Kanyang pamamaraan, pakana at kasuklam-suklam na palabas at ayaw nang magpatuloy na tapak-tapakan at lokohin nito o patuloy na alipinin nito, o parusahan at wasakin na kasama nito, binabago ni Satanas ang kanyang nakaraang malasantong katangian at pinupunit ang kanyang huwad na maskara upang ihayag ang kanyang tunay na masama, malisyoso, pangit at mabagsik na mukha. Wala siyang ibang nais kundi lipulin ang lahat ng mga tumatanggi na sumunod dito at lahat ng lumalaban sa masama niyang mga pwersa. Sa pagkakataong ito, hindi na makapagpapanggap si Satanas bilang isang mapagkakatiwalaan, maginoong anyo; sa halip, mahahayag ang Kanyang tunay na kapangitan at maladiyablong anyo sa likod ng pag-aanyong tupa. Sa sandaling mahayag sa liwanag ang mga pamamaraan ni Satanas, sa sandaling malantad ang tunay niyang anyo, magpupuyos ito sa labis na pagkapoot at mahahayag ang Kanyang kalupitan; ang pagnanais nitong saktan at lipulin ang mga tao ay lalo lamang lalala. Ang dahilan ay sumiklab ito sa galit dahil sa pagkagising ng tao; nagdudulot ito ng malupit na paghihiganti laban sa tao dahil sa kanilang hangarin na manabik sa kalayaan at kaliwanagan, at makatakas mula sa kanyang kulungan. Ang labis na poot nito ay nakalaan upang ipagtanggol ang kanyang kasamaan at ito rin ay isang tunay na kapahayagan ng likas nitong kalupitan.

Sa bawat pagkakataon, inihahayag ng pag-uugali ni Satanas ang Kanyang likas na kasamaan. Sa lahat ng mga masamang gawa na dinala ni Satanas sa mga tao – mula sa Kanyang naunang pagsisikap na dayain ang tao upang sundin siya, hanggang sa kanyang pagsasamantala sa tao, kung saan ay kinaladkad niya ang tao sa masasama nitong gawa, at ang paghihiganti ni Satanas sa tao matapos malantad ang tunay niyang mga anyo at nakita at pinabayaan ito ng mga tao – wala kahit isa ang nabigong ihayag ang masamang diwa ni Satanas; wala kahit isa ang nabigong patunayan na si Satanas ay walang kaugnayan sa mga positibong bagay; wala kahit isa ang nabigong patunayan na si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng mga kasamaan. Ang bawat ginagawa niyang mga kilos ay pangangalaga sa kanyang kasamaan, pagpapanatili sa pagpapatuloy ng kanyang masasamang gawa, pagkalaban sa matuwid at positibong mga bagay, pagsira sa mga batas at kaayusan ng karaniwang buhay ng tao. Sila ay napopoot sa Diyos at sila ang wawasakin ng galit ng Diyos. Bagaman si Satanas ay may sariling pagkapoot, ang kanyang poot ay pamamaraan upang mailabas ang kanyang likas na kasamaan. Ang dahilan kung bakit si Satanas ay naiinis at galit na galit ay: nalantad ang kanyang inililihim na mga pamamaraan; ang kanyang mga lihim na balak ay hindi madaling naisagawa; ang kanyang marahas na mithiin at pagnanais na palitan ang Diyos at kumilos bilang Diyos ay nasira at nahadlangan; ang kanyang layunin na kontrolin ang sangkatauhan ay hindi nangyari at hindi na kailanman matutupad. Ang paulit-ulit na pagtawag ng Diyos sa Kanyang galit ang nagpahinto sa pamumunga ng mga balak ni Satanas at pumigil sa pagdami at paglaganap ng kasamaan ni Satanas; kaya parehong kinamumuhian at kinatatakutan ni Satanas ang galit ng Diyos. Ang bawat pagsasagawa ng galit ng Diyos ay hindi lamang naglalantad sa tunay na kasuklam-suklam na anyo ni Satanas; inihahayag din nito ang masamang mga hangarin ni Satanas sa liwanag. Gayun din naman, ang dahilan ng labis na pagkapoot ni Satanas laban sa sangkatauhan ay ganap nang nailantad. Ang pagsiklab ng labis na poot ni Satanas ay isang tunay na kapahayagan ng likas niyang kasamaan, isang paglalantad ng kanyang masamang mga pamamaraan. Siyempre, sa bawat pagsiklab ng galit ni Satanas, ipinahahayag nito ang pagkawasak ng masasamang mga bagay; ipinahahayag nito ang proteksyon at pagpapatuloy ng mga positibong bagay, at ipinahahayag nito ang kalikasan ng galit ng Diyos – ang hindi kayang saktan!

Hindi Dapat Umasa ang Tao sa Karanasan at Imahinasyon upang Malaman ang Matuwid na Katangian ng Diyos

Kapag nakita ninyo ang inyong sarili na nakaharap sa paghatol at parusa ng Diyos, sasabihin niyo kaya na may halo ang salita ng Diyos? Sasabihin niyo kayang may kasinungalingan sa likod ng pagkapoot ng Diyos, at ang kanyang pagkapoot ay may halo? Sisiraan ba ninyo ang Diyos at sasabihing ang Kanyang katangian ay hindi naman ganap na matuwid? Kapag nakikitungo sa bawat gawa ng Diyos, kailangang tiyakin niyo muna na malaya ang matuwid na katangian ng Diyos mula sa anumang ibang mga elemento, na ito ay banal at walang kapintasan; kasama sa mga gawang ito ang pagpabagsak, pagparusa at pagwasak ng Diyos sa sangkatauhan. Walang kinikilingan, ang bawat isa sa mga gawa ng Diyos ay nangyari sa mahigpit na pagsunod sa Kanyang likas na katangian at sa Kanyang plano – hindi kasama dito ang kaalaman, tradisyon at pilosopiya ng sangkatauhan – at ang bawat isa sa mga gawa ng Diyos ay isang paghahayag ng Kanyang katangian at diwa, na walang kaugnayan sa anumang bagay na kabilang sa masamang sangkatauhan. Sa mga kaisipan ng tao, tanging ang pag-ibig ng Diyos, kaawaan at pagkunsinti Niya sa tao ang walang bahid, walang halo at banal. Ngunit, walang nakaaalam na ang labis na poot ng Diyos at ang Kanyang galit ay wala ring halo; bukod pa dito, walang nakapag-isip ng mga tanong tulad ng, bakit hindi kinukunsinti ng Diyos ang kasalanan o bakit ang Kanyang labis na galit ay napakadakila. Sa kasalungat, napagkakamalan ng ilan ang galit ng Diyos na masamang galit ng tao; ang pagkaunawa nila sa galit ng Diyos ay labis na pagkapoot ng masamang sangkatauhan; buong pagkakamali rin nilang napagkakamalan ang labis na poot ng Diyos na parang katulad ng likas na kapahayagan ng masamang katangian ng sangkatauhan. Nagkamali sila ng paniniwala na ang pagpapadala ng galit ng Diyos ay katulad lamang ng galit ng masamang sangkatauhan, na nagmumula sa sama ng loob; naniniwala pa sila na ang pagpapadama ng galit ng Diyos ay pagpapahayag ng Kanyang damdamin. Pagkatapos ng pagtitipong ito, umaasa ako na ang bawat isa sa inyo na narito ay hindi na magkakaroon ng anumang maling pagkaunawa, pag-iisip o pag-aakala tungkol sa matuwid na katangian ng Diyos, at umaasa Ako na pagkatapos ninyong marinig ang Aking mga salita, magkakaroon na kayo sa inyong mga puso ng tunay na pagkakilala tungkol sa galit ng matuwid na katangian ng Diyos, na maisasantabi na ninyo ang anumang nakaraang maling pagkaunawa sa galit ng Diyos, na kaya na ninyong baguhin ang inyong mga maling paniniwala at mga pananaw tungkol sa diwa ng galit ng Diyos. Dagdag pa dito, umaasa Ako na magkakaroon na kayo ng tamang pakahulugan sa katangian ng Diyos sa inyong mga puso, at hindi na kayo mag-aalinlangan tungkol sa matuwid na katangian ng Diyos, at hindi na ninyo ipagpupumilit ang anumang makataong pagdadahilan o imahinasyon sa tunay na katangian ng Diyos. Ang matuwid na katangian ng Diyos ay ang Kanyang tunay na sariling diwa. Hindi ito isang bagay na hinubog o isinulat ng tao. Ang Kanyang matuwid na katangian ay ang Kanyang matuwid na katangian at wala itong relasyon o kaugnayan sa anumang bagay na nilikha. Ang Diyos Mismo ay ang Mismong Diyos. Hindi Siya kailanman magiging bahagi ng nilikha, at kahit na maging kaanib Siya ng mga bagay na nilikha, ang Kanyang likas na katangian at diwa ay hindi magbabago. Kaya ang pagkilala sa Diyos ay hindi pagkilala sa isang bagay; hindi ito pagsusuri sa isang bagay, ni pag-unawa sa isang tao. Kapag ginamit ninyo ang inyong kaisipan o pamamaraan ng pagkilala sa isang bagay o pag-unawa sa isang tao upang makilala ang Diyos, hindi ninyo kailanman makakayang maabot ang kaalaman ng Diyos. Ang pagkilala sa Diyos ay hindi nakasalalay sa karanasan o imahinasyon, at kaya dapat hindi ninyo ipagpilitan ang inyong karanasan o imahinasyon sa Diyos. Gaano man kayaman ang inyong karanasan at imahinasyon, may hangganan pa rin ang mga iyan; bukod dito, ang inyong imahinasyon ay hindi umaayon sa mga katunayan, at lalong hindi ito umaayon sa katotohanan, at ito ay sumasalungat sa tunay na katangian at diwa ng Diyos. Hindi kayo kailaman magtatagumpay kung aasa kayo lamang sa inyong imahinasyon upang maunawaan ang diwa ng Diyos. Ang tanging paraan ay ganito: tanggapin lahat ang nagmumula sa Diyos at pagkatapos, unti-unting ranasin at unawain ito. Darating ang araw na liliwanagan kayo ng Diyos upang Siya ay lubos ninyong maunawaan at makilala dahil sa inyong kooperasyon at dahil sa inyong pagkagutom at pagkauhaw sa katotohanan. At sa pamamagitan nito, tatapusin na natin ang bahaging ito ng ating pag-uusap.

   Rekomendasyon:  Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

   Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

  Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento