Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2017-07-07

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Mismong Diyos, ang Bukod-Tangi II (C)

buhay, Diyos, Jesus, katotohanan, pananampalataya,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Mismong Diyos, ang Bukod-Tangi II (C)



(III) Limang Uri ng mga Tao

Pansamantala, iiwan ko muna ng ganun ang ating talakayan sa pagtitipon tungkol sa matuwid na katangian ng Diyos. Ang susunod ay Aking uuriin ang mga tagasunod ng Diyos sa iba’t ibang kategorya, batay sa kanilang pagkaunawa sa Diyos at ang kanilang pagkaunawa at karanasan sa Kanyang matuwid na katangian, upang malaman ninyo ang antas na inyong kinabibilangan sa kasalukuyan gayun din ang inyong kasalukuyang kalagayan. Batay sa kanilang kaalaman tungkol sa Diyos at ang kanilang pagkaunawa sa Kanyang matuwid na katangian, ang iba’t ibang mga antas at kalagayan na hinahawakan ng mga tao ay pangkalahatang maaaring mahati sa limang mga uri. Ang paksang ito ay ipinapalagay batay sa pagkakaalam sa bukod-tanging Diyos at sa Kanyang matuwid na katangian; kaya, habang binabasa ninyo ang sumusunod na nilalaman, kailangang subukan ninyo nang buong ingat na alamin ng tumpak kung gaano kalaki ang pagkaunawa at kaalaman na mayroon kayo tungkol sa pagkabukod-tangi ng Diyos at ang Kanyang matuwid na katangian, at gamitin ninyo ito upang tukuyin kung saang antas na kayo nabibilang, gaano kalaki ang tunay ninyong kalagayan, at kung anong uring tao kayo talaga.
Ang unang uri ay ang antas na kinikilala bilang ang “sanggol na nakabigkis ng damit.”
Ano ang isang sanggol na nakabigkis ng damit? Ang isang sanggol na nakabigkis ng damit ay isang sanggol na kadarating pa lamang sa mundong ito, isang bagong silang. Ito ang panahon na ang mga tao ay nasa kanilang pinakamaliit at pinakamura na anyo.
Ang mga tao sa antas na ito ay wala talagang taglay na kamalayan o kaalaman sa mga bagay tungkol sa pananampalataya sa Diyos. Sila ay naguguluhan at walang alam sa maraming bagay. Ang mga taong ito ay maaaring naniwala sa Diyos sa matagal na panahon o hindi pa naman katagalan, ngunit ang kanilang pagkalito at walang nalalamang kalagayan at ang kanilang tunay na katayuan ang naglagay sa kanila sa antas ng isang sanggol na nakabigkis ng damit. Ang tiyak na kahulugan ng lagay ng isang sanggol na nakabigkis ng damit ay tulad ng: Gaano man katagal naniwala sa Diyos ang uri ng taong ito, lagi siyang natataranta, nalilito at simpleng mag-isip; hindi niya alam kung bakit siya naniniwala sa Diyos, ni hindi niya alam kung sino ang Diyos o ano ang Diyos. Bagaman sumusunod siya sa Diyos, walang tumpak na kahulugan ang Diyos sa kanyang puso, at hindi niya malaman kung ang sinusunod ba niya ay ang Diyos, mas lalo na kung talagang tunay siyang maniniwala sa Diyos at susunod sa Kanya. Ito ang tunay na mga kalagayan ng ganitong uri ng tao. Ang kaisipan ng mga taong ito ay malabo, at sa simpleng salita, ang kanilang paniniwala ay puno ng kalituhan. Lagi silang nabubuhay sa isang kalagayan na pagkalito at tulala; natataranta, nalilito, at simpleng mag-isip ang nagbubuod sa kanilang mga kalagayan. Hindi nila nakita ni naramdaman ang presensya ng Diyos, kaya ang pakikipag-usap sa kanila tungkol sa pagkilala sa Diyos ay parang pagpapabasa sa kanila ng isang aklat na nakasulat sa hyeroglipika; hindi nila maiintindihan ito ni tatanggapin man. Para sa kanila, ang pagkilala sa Diyos ay katulad ng pakikinig sa isang hindi kapani-paniwalang kuwento. Bagaman ang kanilang isipan ay maaaring malabo, sa katunayan ay matatag ang kanilang paniniwala na ang pagkilala sa Diyos ay isang pag-aaksaya ng panahon at lakas. Ito ang unang uri ng tao; isang sanggol na nakabigkis ng damit.
Ang pangalawang uri ay ang antas ng “sanggol na pinapasuso.”
Kung ihahambing sa isang sanggol na nakabigkis ng damit, ang uring ito ng tao ay may nagawang ilang progreso. Ang nakakalungkot, wala pa rin silang anumang pagkaunawa sa Diyos. Kulang pa rin sila ng malinaw na pagkaunawa at pananaw tungkol sa Diyos, at hindi sila masyadong malinaw kung bakit kailangan nilang maniwala sa Diyos, ngunit sa kanilang mga puso may sarili silang layunin at malinaw na mga ideya. Hindi sila nag-aalala kung tama ba na maniwala sila sa Diyos. Ang mithiin at layunin na kanilang kinakamit sa pamamagitan ng paniniwala sa Diyos ay para matamasa ang Kanyang biyaya, para magkaroon ng kagalakan at kapayapaan, para mabuhay ng maginhawa, para matamo ang pagkalinga at proteksyon ng Diyos at mabuhay sa ilalim ng mga pagpapala ng Diyos. Hindi nila iniisip kung anumang antas ang kanilang pagkakilala sa Diyos; wala silang pagnanais na hangaring maunawaan ang Diyos, ni mag-alala sila kung ano ang ginagawa ng Diyos o ano ang mga nais Niyang gawin. Walang taros lang nilang ninanais ang matamasa ang Kanyang biyaya at matanggap ang mas maraming pagpapala Niya; hinahangad nilang matanggap ang marami sa kasalukuyang panahon, at buhay na walang hanggan sa panahong darating. Ang kanilang mga kaisipan, paggastos at panata, at maging ang kanilang paghihirap, ay sama-sama sa parehong layunin: para makamit ang biyaya at pagpapala ng Diyos. Wala silang malasakit para sa anumang bagay. Nakatitiyak lamang ang ganitong uri ng tao na iingatan sila ng Diyos at ipagkakaloob sa kanila ang Kanyang biyaya. Masasabi ng sinuman na hindi sila intresado at hindi masyadong malinaw sa kung bakit nais ng Diyos na iligtas ang tao o ang nais ng Diyos na makuhang resulta sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at gawa. Hindi sila kailanman gumagawa ng paraan upang malaman ang diwa at matuwid na katangian ng Diyos, ni nag-ukol ng interes na gawin ito. Hindi nila binibigyan ng pansin ang mga bagay na ito, ni magnais na malaman ang mga ito. Hindi nila binalak na tanungin ang tungkol sa gawa ng Diyos, ang mga hinihingi ng Diyos sa tao, ang kalooban ng Diyos o anumang may kaugnayan sa Diyos; ni hindi man lamang sila nabahala na tanungin ang tungkol sa mga bagay na ito. Ang dahilan ay dahil naniniwala sila na ang mga bagay na ito ay walang kaugnayan sa kanilang pagtamasa sa biyaya ng Diyos; ang iniisip lamang nila ay ang Diyos na kayang magkaloob ng biyaya at may kaugnayan sa kanilang mga pansariling interes. Wala silang interes sa kahit kanino pa man, kaya hindi sila nakakapapasok sa reyalidad ng katotohanan, kahit gaano pa karaming taon na sila’y naniwala sa Diyos. Kung walang tao na magdidilig o magpapakain sa kanila nang madalas, mahihirapan silang magpatuloy sa landas ng paniniwala sa Diyos. Kung hindi nila matatamasa kanilang naunang kagalakan at kapayapaan o matamasa ang biyaya ng Diyos, mas malamang na sila ay umurong na. Ito ang pangalawang uri ng tao: ang taong nabubuhay sa antas ng sanggol na pinapasuso.
Ang pangatlong uri ay ang antas ng inaawat na sanggol – ang antas ng pagiging bata.
Ang grupong ito ng mga tao ay nagtataglay ng ilang malinaw na kamalayan. Ang mga taong ito ay may kamalayan na ang pagtamasa sa biyaya ng Diyos ay hindi nangangahulugan na taglay na nila mismo sa kanilang sarili ang tunay na karanasan; alam nila na kung hindi sila mapapagod sa paghanap ng kagalakan at kapayapaan, ng paghahanap ng biyaya, o kung makakaya nilang maging saksi sa pamamagitan ng pagbahagi sa kanilang mga karanasan sa pagtamasa sa biyaya ng Diyos o sa pamamagitan ng pagpuri sa mga pagpapala na ipinagkakaloob sa kanila ng Diyos, ang mga bagay na ito ay hindi nangangahulugan na taglay nila ang buhay, ni nangangahulugan na taglay nila ang reyalidad ng katotohanan. Simula nang sila’y nagkamalay, tumigil na sila na tumanggap ng mga labis na pag-asa na sila ay sasamahan lamang ng biyaya ng Diyos; sa halip, habang tinatamasa nila ang biyaya ng Diyos, kasabay na hinahangad nila ang gumawa ng ibang bagay para sa Diyos; handa silang isagawa ang kanilang mga tungkulin, na tiisin ang kaunting hirap at kapaguran, na magkaroon ng ilang antas ng pakikipagtulungan sa Diyos. Ngunit, dahil ang pagsunod nila sa kanilang paniniwala sa Diyos ay sobrang may halo, dahil ang pansariling mga intensyon at pagnanais na kanilang iniingatan ay sobrang malakas, dahil ang kanilang katangian ay sobrang mayabang, napakahirap para sa kanila na bigyang kasiyahan ang nais ng Diyos o maging tapat sa Diyos; kaya, madalas nilang hindi nauunawan ang kanilang pansariling mga kagustuhan o igalang ang kanilang mga pangako sa Diyos. Madalas nilang masumpungan ang kanilang mga sarili sa mga kalagayang pagsasalungat: Gustong-gusto nilang bigyang kasiyahan ang Diyos sa pinakamataas na antas, ngunit ginagamit nila ang kanilang lakas upang kalabanin Siya; madalas silang mangako sa Diyos ngunit madali ring pabayaan ang kanilang mga pangako. Lalong madalas na nakikita nila ang kanilang mga sarili sa iba pang pagsasalungat na kalagayan: Buong katapatan silang naniniwala ngunit ikinakaila nila ang Diyos at lahat ng mga bagay na nagmumula sa Kanya; balisa silang umaasa na liliwanagan sila ng Diyos, pangungunahan sila, tutustusan sila, at tutulungan sila, ngunit ang sarili pa rin nilang pamamaraan ang sinusunod. Nais nilang unawain at kilalanin ang Diyos, ngunit hindi nila nais na lumapit sa Kanya. Sa halip, lagi nilang iniiwasan ang Diyos; sarado ang kanilang puso sa Kanya. Samantalang mayroon silang mababaw na pagkaunawa at karanasan sa literal na kahulugan ng mga salita ng Diyos at ng katotohanan, at isang mababaw na konsepto ng Diyos at katotohanan, sa kawalang malay ay hindi pa rin nila matiyak o masigurado kung ang Diyos ang katotohanan; hindi nila natitiyak kung talagang ang Diyos ay tunay na matuwid; ni hindi nila masigurado ang katunayan ng katangian at diwa ng Diyos, mas lalo na ang Kanyang tunay na pag-iral. Ang kanilang paniniwala sa Diyos ay laging may kaakibat na mga pag-aalinlangan at di pagkaunawaan, at mayroon ding mga imahinasyon at mga palagay lamang. Habang tinatamasa nila ang biyaya ng Diyos, nag-aatubili din silang maranasan o gawin ang ilan sa kanilang pinaniniwalaan na mga maaaring katotohanan, upang pagyamanin ang kanilang paniniwala, upang makatulong sa kanilang karanasan sa paniniwala sa Diyos, upang tiyakin ang kanilang pagkaunawa sa paniniwala sa Diyos, upang bigyang kasiyahan ang kanilang mayabang na paglalakad sa landas ng buhay na mismo nilang itinatag at pagsasagawa ng isang matuwid na hangarin sa sangkatauhan. Gayun din, ginagawa din nila ang mga bagay na ito upang bigyang kasiyahan ang kanilang sariling pagnanais para magkamit ng mga pagpapala, upang gumawa sila ng isang pagpupusta at magkaroon ng mas maraming mga pagpapala ng sangkatauhan, upang makamit ang ambisyosong pangarap at panghabang-buhay na pagnanais na hindi titigil hanggang makamit nila ang Diyos. Ang mga taong ito ay bihirang makatamo ng pagliliwanag ng Diyos, sapagkat ang kanilang naisin at ang kanilang intensyon na magkaroon ng mga pagpapala ay napakahalaga sa kanila. Wala silang pagnanais at hindi nila kayang isuko ito. Natatakot sila na kapag wala ang pagnanais na magkamit ng mga pagpapala, kung wala ang matagal nang pinakananais na mithiin na hindi pagpapahinga hangga’t hindi nila makamit ang Diyos, mawawala nila ang kanilang adhikain na maniwala sa Diyos. Kaya hindi na nila nais harapin ang reyalidad. Hindi nila nais na harapin ang salita ng Diyos o ang gawa ng Diyos. Hindi nila nais na humarap sa katangian o diwa ng Diyos, mas lalo na ang pagtalakay sa paksang pagkilala sa Diyos. Ang dahilan ay sa sandaling palitan ng Diyos, ng Kanyang diwa at ng Kanyang matuwid na katangian ang kanilang mga imahinasyon, ang kanilang mga pangarap ay maglalahong parang usok; ang kanilang tinatawag na dalisay na pananampalataya at “mga gantimpala” na naipon sa maraming taon ng masikap na pagtatrabaho ay maglalaho at mauuwi sa wala; ang kanilang “teritoryo” na kanilang nasakop sa pamamagitan ng kanilang dugo at pawis sa maraming taon ay mabibingit sa pagbagsak. Nagpapahiwatig ito na ang kanilang maraming taon ng paghihirap sa trabaho at pagsisikap ay mawalan ng saysay, at kailangan nilang magsimulang muli sa wala. Ito ang pinakamatinding kirot na kanilang papasanin sa kanilang mga puso, at ito ang resulta na pinakaayaw nilang makita; kaya lagi silang nakakulong sa ganitong uri ng kalagayan, tumatangging bumalik muli. Ito ang pangatlong uri ng tao: ang taong nasa antas ng pagiging bata.
Ang tatlong uri ng mga tao na inilarawan sa itaas – sa madaling salita, ang mga taong nabubuhay sa tatlong antas na ito – ay hindi nagtataglay ng anumang tunay na paniniwala sa pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos o sa Kanyang matuwid na katangian, ni wala silang anumang malinaw, siguradong pagkilala o pagpapatunay sa mga bagay na ito. Kaya napakahirap para sa tatlong uri ng mga taong ito na makapasok sa reyalidad ng katotohanan, at napakahirap din para sa kanila na tanggapin ang awa ng Diyos, kaliwanagan o pagpapaliwanag sapagkat ang pamamaraan ng kanilang paniniwala sa Diyos at ang kanilang maling pag-uugali para sa Diyos ay nagdudulot na maging imposible para sa Kanya na makapagtrabaho sa kanilang mga puso. Ang kanilang mga pag-aalinlangan, maling pakahulugan at imahinasyon patungkol sa Diyos ay lumagpas na sa kanilang paniniwala at pagkaalam sa Diyos. Ito ang tatlong napakapanganib na uri ng mga tao, gayun din ay tatlong napakapanganib na mga antas. Kapag pinanatili ng isang tao ang pag-aalinlangan sa Diyos, sa Kanyang diwa, sa Kanyang pagkakakilanlan, ang tungkol sa kung ang Diyos ang katotohanan at ang katunayan ng Kanyang pag-iral at hindi nakatitiyak sa mga bagay na ito, paano matatanggap ng sinuman na ang lahat ng bagay ay nagmula sa Diyos? Paano matatanggap ng sinuman ang katunayan na ang Diyos ang katotohanan, ang daan at ang buhay? Paano matatanggap ng sinuman ang parusa at paghatol ng Diyos? Paano matatanggap ng isang tao ang pagliligtas ng Diyos? Paano makakamtan ng ganitong uri ng tao ang tunay na paggabay at pagtustos ng Diyos? Ang mga nasa tatlong antas na ito ay kayang labanan ang Diyos, hatulan ang Diyos, lapastanganin ang Diyos o ipagkanulo ang Diyos kahit anumang oras. Makakaya nilang talikuran ang tunay na daan at ipagkanulo ang Diyos sa anumang oras. Masasabi ng sinuman na ang mga tao sa tatlong mga antas na ito ay nabubuhay sa isang kritikal na kalagayan, sapagkat hindi sila nakapasok sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos.
Ang pang-apat na uri ay ang antas ng pagiging ganap na bata; ang pagkabata.
Pagkatapos mawalay ang isang tao - iyon ay, kapag natamasa na nila ang sapat na dami ng biyaya, nagsisimula na silang magsaliksik kung ano ang ibig sabihin ng maniwala sa Diyos, ang naisin na maunawaan ang maraming mga tanong, tulad ng bakit nabubuhay ang tao, paano dapat mamuhay ang tao at bakit isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa tao? Kapag lumitaw ang mga hindi malinaw na kaisipan at mga nakalilitong paniniwala sa kanilang kalooban at nanatili ito sa kanilang kalooban, patuloy silang nakatatanggap ng pagdilig at nakakayang magampanan din ang kanilang tungkulin. Sa panahong ito, wala na silang anumang mga pag-aalinlangan tungkol sa katotohanan ng pag-iral ng Diyos, at may tiyak na silang pagkaintindi sa kung ano ang kahulugan ng maniwala sa Diyos. Sa ibabaw ng pundasyong ito, nagkaroon sila ng unti-unting pagkakilala sa Diyos, at unti-unti nilang nakamtan ang mga kasagutan sa kanilang malalabong mga kaisipan at nakalilitong mga paniniwala tungkol sa katangian at diwa ng Diyos. Tungkol sa kanilang mga pagbabago sa katangian at gayon din sa kanilang kaalaman sa Diyos, ang mga tao sa antas na ito ay nagsisimulang tumuntong sa tamang landas at pumasok sa isang panahon ng pagbabago. Sa loob ng yugtong ito na ang mga tao ay nagsisimulang magkaroon ng buhay. Ang malinaw na mga indikasyon ng pagkakaroon ng buhay ay ang unti-unting kasagutan sa iba’t ibang mga katanungan na may kaugnayan sa pagkilala sa Diyos na nasa puso ng mga tao – mga di pagkakaunawaan, mga imahinasyon, mga pagkaunawa, at mga malabong pakahulugan sa Diyos – na hindi lamang nila lubos na pinaniwalaan at nalaman ang katunayan ng pag-iral ng Diyos kundi nagtataglay din ng malinaw na kahulugan at oryentasyon ng Diyos sa kanilang mga puso, na ang tunay na pagsunod sa Diyos ang pumalit sa kanilang malabong pananampalataya. Sa yugtong ito, unti-unting nakikilala ng mga tao ang kanilang maling pagkaunawa sa Diyos at ang kanilang maling gawain at pamamaraan ng paniniwala. Nagsimula na silang manabik sa katotohanan, manabik na maranasan ang paghatol, pagparusa, at pagdisiplina ng Diyos, manabik sa pagbabago ng kanilang katangian. Unti-unti nilang iniiwan ang lahat ng uri ng kawalan ng pagkaunawa at mga imahinasyon tungkol sa Diyos sa yugtong ito; gayundin, binabago nila at itinutuwid ang kanilang maling kaalaman tungkol sa Diyos at tinatamo ang ilang tamang pangunahing kaalaman tungkol sa Diyos. Bagaman may bahagi ng kaalamang taglay ng mga tao sa yugtong ito ang hindi gaanong tiyak o sigurado, kahit kaunti ay dahan-dahan nilang sinimulang iwan ang kanilang mga kaisipan, maling kaalaman at mga maling pagkaunawa tungkol sa Diyos; hindi na sila nananatili sa kanilang sariling mga pagkaunawa at mga imahinasyon tungkol sa Diyos. Sinimulan nilang pag-aralan kung paano iwan – iwanan ang mga bagay na makikita sa kanilang sariling mga kaisipan, mula sa kaalaman at mula kay Satanas; nagsimula silang magpasakop sa mga bagay na tama at positibo, kahit na sa mga bagay ng nagmula sa mga salita ng Diyos at alinsunod sa katotohanan. Nagsimula rin silang subukang maranasan ang mga salita ng Diyos, upang personal na malaman at ipamuhay ang Kanyang mga salita, upang tanggapin ang Kanyang mga salita bilang mga batayan ng kanilang mga gawain at bilang batayan ng pagbabago ng kanilang katangian. Sa panahong ito, walang kamalay-malay na tinanggap ng mga tao ang hatol at parusa ng Diyos, walang kamalay-malay na tinanggap ang salita ng Diyos bilang kanilang buhay. Habang tinanggap nila ang hatol at parusa ng Diyos, at tinanggap ang mga salita ng Diyos, lalong nadagdagan ang kanilang kaalaman at naramdaman na ang Diyos na kanilang pinaniniwalaan sa kanilang mga puso ay tunay na totoong umiiral. Sa mga salita ng Diyos, sa kanilang mga karanasan at sa kanilang mga buhay, lalo nilang naramdaman na ang Diyos ay laging pumapatnubay sa kapalaran ng tao, nangunguna at tumutustos sa tao. Sa pamamagitan ng kanilang pakikiisa sa Diyos, unti-unti nilang pinatunayan ang pag-iral ng Diyos. Kaya, bago nila maunaawan ito, hindi nila namalayan na pinagtibay na nila at buong tatag na naniwala sa gawa ng Diyos at pinagtibay ang mga salita ng Diyos. Sa sandaling pagtibayin ng mga tao ang mga salita ng Diyos at ang gawa ng Diyos, patuloy nilang itatanggi ang kanilang mga sarili, itatanggi ang kanilang sariling mga kaisipan, kaalaman, imahinasyon at gayun din, patuloy na hahanapin kung ano ang katotohanan at kung ano ang kalooban ng Diyos. Ang pagkakilala ng mga tao sa Diyos ay medyo mababaw sa panahong ito ng pagbabago – hindi nila magawang ipaliwanang nang mas maliwanag ang kaalamang ito sa paggamit ng mga salita, ni kaya’y ipaliwanag nang tiyak – at mayroon lamang silang halatang pagkaunawa; ngunit kung itatabi sa tatlong naunang mga antas, ang hindi pa ganap na buhay ng mga tao sa panahong ito ay nakatanggap na ng pagdilig at pagtustos ng mga salita ng Diyos, at nagsimula nang tumubo. Katulad ito ng isang binhi na ibinaon sa lupa; pagkatapos makakuha ng kaunting tubig at mga nutrina, susulpot na ito mula sa ilalim ng lupa; ang pagtubo nito ang kumakatawan sa pagsilang ng isang bagong buhay. Ang pagsilang na ito ng isang bagong buhay ang nagpahintulot na pagmasdan ng isang tao ang mga palatandaan ng buhay. Kapag may buhay, tiyak na lalago ang mga tao. Kaya, sa ibabaw ng mga pundasyong ito – dahan-dahan silang humahakbang patungo sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos, iniiwan ang kanilang sariling mga kaisipan, nakakamit ang patnubay ng Diyos – ang buhay ng mga tao ay tiyak na lalago sa bawat hakbang. Sa anong basehan masusukat ang paglagong ito? Nasusukat ito batay sa kanilang karanasan sa mga salita ng Diyos at sa kanilang tunay na pagkaunawa sa matuwid na katangian ng Diyos. Bagaman nahihirapan silang gamitin ang kanilang sariling mga salita upang malinaw na maipaliwanag ang kanilang kaalaman sa Diyos at ang Kanyang diwa sa panahong ito ng paglago, ang grupong ito ng mga tao ay hindi na maghahanap ng pansariling kaligayahan sa pamamagitan ng pagpapakasaya sa biyaya ng Diyos, o ipagpatuloy ang kanilang layunin sa kabila ng paniniwala sa Diyos, iyon ay upang makamit ang Kanyang biyaya. Sa halip, handa silang hanapin ang pamumuhay sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, upang sumailalim sa pagliligtas ng Diyos. Dagdag pa dito, nagtataglay sila ng kompyansa at handa nang tanggapin ang hatol at parusa ng Diyos. Ito ang palatandaan ng isang tao sa antas ng paglago.
Bagaman ang mga tao sa antas na ito ay may kaunting kaalaman tungkol sa matuwid na katangian ng Diyos, ang kaalamang ito ay napakalabo at hindi maunawaan. Dahil hindi nila maipaliwanag ito nang malinaw, pakiramdam nila ay nakapagtamo na sila ng kaunting bagay sa kanilang kalooban, dahil nagkaroon na sila ng kaunting kaalaman at pagkaunawa sa matuwid na katangian ng Diyos sa pamamagitan ng parusa at paghatol ng Diyos; ngunit sa halip ito ay ganap na mababaw, at nananatili ito sa panimulang baitang pa lamang. Ang grupong ito ng mga tao ay may konkretong pananaw na kanilang ipinakikitungo sa biyaya ng Diyos. Ang pananaw na ito ay nakikita sa pagbabago ng mga layunin na kanilang tinatamo at sa paraan kung paaano kamtin ang mga ito. Nakita na nila – sa mga salita at gawa ng Diyos, sa lahat ng uri ng Kanyang hinihingi sa tao at ang Kanyang mga pahayag sa tao – na kung hindi nila patuloy na hahanapin ang katotohanan, kung hindi nila patuloy na sisikaping makapasok sa reyalidad, kung hindi nila patuloy na kalugdan at kilalanin ang Diyos habang nararanasan nila ang Kanyang mga salita, mawawala nila ang kahalagahan ng paniniwala sa Diyos. Nakikita nila na kahit gaano nila tamasahin ang biyaya ng Diyos, hindi nila mababago ang kanilang katangian, mabigyang kasiyahan o makilala ang Diyos, at kung patuloy silang mabubuhay sa kalagitnaan ng biyaya ng Diyos, hindi nila matatamo ang paglago, magkaroon ng buhay o makayang tanggapin ang kaligtasan. Sa kabuuan, kapag hindi tunay na naranasan ng isang tao ang mga salita ng Diyos at hindi makayang makilala ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, mananatili siya sa antas ng pagiging isang sanggol sa habang panahon, at hindi makagagawa kahit isang hakbang tungo sa paglago sa buhay. Kung habang buhay kayong mananatili sa antas ng isang sanggol, kung hindi kayo makapapasok sa reyalidad ng salita ng Diyos, kung hindi ninyo makakayang mamuhay sa salita ng Diyos, kung hindi ninyo makakayang magkaroon ng tunay na paniniwala at pagkilala sa Diyos, mayroon pa kayang posibilidad na gawin kayong kumpleto ng Diyos? Kaya ang sinumang pumasok sa reyalidad ng salita ng Diyos, ang sinumang tumanggap sa salita ng Diyos bilang kanilang buhay, sinumang magsimulang tanggapin ang parusa at hatol ng Diyos, sinumang may tiwaling katangian na nagsimulang magbago, at sinumang may puso na nananabik sa katotohanan, may pagnanais na makilala ang Diyos, may pagnanais na tanggapin ang pagliligtas ng Diyos – ang mga taong ito ang tunay na nagtataglay ng buhay. Ito ang tunay na pang-apat na uri ng tao, ang pagiging ganap na bata, ang tao sa antas ng pagkabata.
Ang panlimang uri ay ang antas ng ganap na buhay, o ang antas ng pagiging matanda.
Matapos maranasan ang antas ng pagiging sanggol ng isang bata, ang antas na ito ng paglago ay puno ng paulit-ulit na kabaligtaran, ang buhay ng mga tao ay naging matatag, hindi na humihinto ang kanilang pagsulong, ni wala nang sinumang nakahahadlang sa kanila. Bagaman ang daan sa hinaharap ay mabato at baku-bako pa rin, hindi na sila mahihina o matatakutin; hindi na sila nangangapa sa hinaharap o nawawala ang kanilang tindig. Ang kanilang mga pundasyon ay malalim ang ugat dahil sa tunay na karanasan sa salita ng Diyos. Ang kanilang mga puso ay nahila sa pamamagitan ng karangalan at kadakilaan ng Diyos. Nananabik silang sundan ang mga hakbang ng Diyos, na alamin ang diwa ng Diyos, na makilala ang Diyos sa Kanyang kabuuan.
Ang mga tao sa antas na ito ay malinaw nang alam kung sino ang kanilang pinaniniwalaan, at malinaw na nilang alam kung bakit kailangan nilang maniwala sa Diyos at ang kahulugan ng kanilang mga sariling buhay; at malinaw na rin nilang alam na lahat ng bagay na inihahayag ng Diyos ay katotohanan. Sa maraming taon ng kanilang karanasan, naunawaan nila na kung wala ang hatol at parusa ng Diyos, hindi magagawa ng sinuman na bigyang lugod o makilala ang Diyos, ni hindi makakayang makalapit ang sinuman sa harap ng Diyos. Sa loob ng puso ng mga taong ito ay may masidhing pagnanais na subukin sila ng Diyos, upang makita ang matuwid na katangian ng Diyos habang sinusubok sila, upang magtamo ng isang dalisay na pag-ibig, at gayundin, upang lalong tunay na maunawaan at makilala ang Diyos. Ang mga kabilang sa antas na ito ay lubos nang nakapagpaalam sa antas ng pagiging sanggol, sa antas ng pagtamasa sa biyaya ng Diyos at sa pagkain ng tinapay at sa pagiging busog. Hindi na sila naglalagay ng sobrang pag-asa na magpaparaya ang Diyos at magpapakita ng awa sa kanila; sa halip, nagtitiwala sila na tatanggap at aasa sa patuloy na parusa at paghatol ng Diyos, upang ihiwalay ang kanilang mga sarili mula sa kanilang tiwaling katangian at bigyang kasiyahan ang Diyos. Ang kanilang kaalaman tungkol sa Diyos, ang kanilang mga hangarin o ang panghuling mga mithiin ng kanilang mga hangarin: ang mga bagay na ito ay maliwanag na lahat sa kanilang mga puso. Kaya ang mga tao sa antas ng matanda ay ganap nang nakapagpaalam sa antas ng malabong pananampalataya, patungo sa antas kung saan umaasa sila sa biyaya para sa kaligtasan, sa antas ng hindi ganap na buhay na hindi makatagal sa mga pagsubok, sa antas ng pagiging malabo, sa antas ng pangangapa, sa antas nang madalas na walang landas na nilalakaran, sa walang pirmihang panahon ng pagpapalit-palit sa pagitan ng biglaang init at lamig, at sa antas ng pagsunod sa Diyos na nakatakip ang mata. Ang uri ng taong ito ang madalas makatanggap ng kaliwanagan at pagliliwanag ng Diyos, at madalas makisama sa tunay na pakikiisa at pakikipag-usap sa Diyos. Masasabi na ang mga taong nabubuhay sa antas na ito ay naunawaan na ang bahagi ng kalooban ng Diyos; nagagawa nilang mahanap ang mga prinsipyo ng katotohanan sa lahat ng mga bagay na kanilang ginagawa; alam nila kung paano bibigyang kasiyahan ang nais ng Diyos. Bukod pa dito, natagpuan na rin nila ang landas ng pagkakilala sa Diyos at nagsimula na silang magpatotoo sa kanilang kaalaman tungkol sa Diyos. Sa panahon ng proseso ng unti-unting paglago, mayroon silang unti-unting pagkaunawa at kaalaman sa kalooban ng Diyos, sa kalooban ng Diyos sa paglikha sa sangkatauhan, sa kalooban ng Diyos sa pamamahala ng sangkatauhan; dagdag pa dito, unti-unti rin ang kanilang pagkaunawa at kaalaman sa matuwid na katangian ng Diyos ayon sa diwa nito. Walang kuro-kuro o imahinasyon ng tao ang makapapalit sa kaalamang ito. Bagaman walang sinuman ang makapagsasabi na sa panglimang antas ay ganap na ang buhay ng isang tao o tawagin ang taong ito na matuwid o kumpleto, ang uri ng taong ito ay nakahakbang na patungo sa antas ng pagiging ganap sa buhay; nakakaya nang lumapit ng taong ito sa harap ng Diyos, na tumayo nang harap-harapan sa salita ng Diyos at nang harap-harapan sa Diyos. Sapagkat ang uri ng taong ito ay nakaranas na ng maraming salita ng Diyos, nakaranas na ng di mabilang na mga pagsubok at pagdisiplina, paghatol at parusa mula sa Diyos, ang kanilang pagpapasakop sa Diyos ay hindi na kanya-kanya, kundi tiyak na. Ang kanilang kaalaman sa Diyos ay nagbago na mula sa kawalang malay tungo sa malinaw at tiyak na kaalaman, mula sa mababaw tungo sa malalim, mula sa malabo at maulap tungo sa metikuloso at nasasalat, at nagbago na sila mula sa mahirap na pakapa-kapa at tahimik na paghahanap tungo sa walang hirap na kaalaman at maagap na pagpapatotoo. Maaaring sabihin na ang mga tao sa antas na ito ay nagtataglay na ng reyalidad ng katotohanan sa salita ng Diyos, na nakatuntong na sila sa daan ng kasakdalan tulad ni Pedro. Ito ang panlimang uri ng tao, ang nabubuhay sa kalagayan ng pagiging ganap – ang antas ng pagiging matanda.
Oktubre 30, 2014



Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ang pinagmulan: "Ang Mismong Diyos, ang Bukod-Tangi II (C)"

Rekomendasyon:  Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento