Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2017-05-30

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Napakahalaga Na Maunawaan Ang Kalooban ng Diyos


Maraming mga bagay ang nais kong makamit ninyo. Gayunman, ang inyong mga gawain at lahat ng inyong buhay ay hindi natutugunan nang buo ang Aking mga hinihingi, kaya dapat akong maging prangka at ipaliwanag sa inyo ang Aking puso't isipan. Sapagkat ang inyong kakayahang umintindi at magpahalaga ay lubhang mahina, pati na rin ang katunayan na kayo ay lubhang ignorante sa Aking kalooban at kabuuan, ito ay isang bagay na nangangailangan ng madaliang pagbibigay-alam sa inyo.

Gaano man ang inyong pagkakaintindi dati o handa man kayong intindihin ang mga isyung ito, dapat ko pa ring ipaliwanag ito sa inyo nang detalyado. Ang isyung ito ay hindi sobrang iba para sa inyo, ngunit mukhang hindi ninyo maunawaan o hindi pamilyar ang kahulugang nilalaman nito. Marami ang may banaag ng pag-unawa at karamihan ay mababaw ang kaalaman sa isyung ito. Upang matulungan kayong isabuhay ang katotohanan, iyan ay, upang mas mahusay na mailagay ang Aking mga salita sa inyong buhay. Kung hindi, ang inyong pananampalataya ay mananatiling walang katiyakan, mapagkunwari, at talagang kinulayan ng relihiyon. Kung hindi ninyo mauunawaan ang kalooban ng Diyos, samakatuwid magiging imposible para sa inyong gawin ang trabahong gagawin ninyo para sa Kanya. Kung hindi ninyo malalaman ang kalooban ng Diyos, magiging imposible rin na mapanatili ang paggalang at takot sa Kanya, tanging pagsasawalang bahala at pagkakasala, at bukod dito, ang hindi mababagong kalapastanganan. Ang maunawaan ang kalooban ng Diyos sa katunayan ay napakahalaga, at ang kaalaman ng Diyos, ang nilalaman ay hindi maaaring makaligtaan, nguni't walang puspusang nagsiyasat o nag-usisa sa problema. Malinaw na makikita na inyong binalewala ang mga pinangasiwaang utos na ibinigay ko. Kung hindi ninyo mauunawaan ang kalooban ng Diyos, madali ninyong maiinsulto kung gayon ang Kanyang kalooban . Ang gayong pagkakasala ay katumbas ng pagpapasiklab mismo ng galit ng Diyos, at sa huli ay nagiging pagsuway laban sa mga administratibong kautusan. Ngayon dapat ay napagtanto ninyo na maaari ninyong maunawaan ang kalooban ng Diyos kapag inyong nalaman ang Kanyang kabuuan, at upang maintindihanang kalooban ng Diyos ay katumbas ng pag-unawa sa mga administratibong kautusan. Walang duda, karamihan sa mga administratibong kautusan ay nababalot ng kalooban ng Diyos, ngunit ang kabuuan ng Kanyang kalooban ay hindi pa naipapahayag sa loob nito. Inaatasan ka nitong magkaroon ng karagdagang kaalaman ukol sa kalooban ng Diyos.

Ako ay nagsasalita sa inyo ngayon ngunit hindi sa ordinaryong pakikipag-usap, kaya dapat ninyong isaalang-alang ang aking mga salita nang maykatapatan at, higit pa rito, mataimtim na pagnilayan ang mga ito. Ang ibig kong sabihin ay lubhang napakaliit na pagsisikap ang inyong inilaan sa aking mga sinabi. Pagdating sa kalooban ng Diyos, kayo ay higit na tinatabangan na ito ay pag-isipan, at lubhang kaunti lamang ang tumatalaga rito. Kaya't sinasabi ko na ang inyong pananampalataya ay pawang mga engrandeng salita lamang. Kahit ngayon, walang kahit isa sa inyo ang naglaan ng tunay na pagpapakasakit sa inyong pinakamahalagang kahinaan. Ako ay inyong binigo sa kabila ng lahat ng pasakit na aking inako para sa inyo. Hindi nakapagtataka na lahat kayo ay palaban sa Diyos at namumuhay nang salat sa katotohanan. Paanong maituturing na santo ang mga ganitong klase ng tao? Hindi pahihintulutan ng langit ang naturang bagay! Dahil kayo ay puno ng kakulangan sa pag-unawa, kung ganon kailangan kong gumugol ng higit pang hininga.

Ang kalooban ng Diyos ay isang paksa na tila napakamatalinghaga at hindi madaling tanggapin, dahil ang Kanyang kalooban ay hindi tulad sa pagkatao ng tao. Kahit ang Diyos ay may mga damdamin ng kasiyahan, galit, lungkot, at kaligayahan, ngunit ang mga naturang damdamin ay iba rin sa damdamin ng tao. May sariling pagkatao atmga ari-arian ang Diyos. Ang lahat ng Kanyang ipinahahayag at ipinapakita ay representasyon ng Kanyang diwa at ng Kanyang pagkakakilanlan Ang Kanyang pagkatao, mga ari-arian, pati na rin ang diwa at pagkakakilanlan ay hindi maaaring palitan ng sinumang tao. Saklaw ng Kanyang kalooban angKanyang pag-ibig para sa sangkatauhan, ang pagkalinga sa sangkatauhan, ang pagkapoot sa sangkatauhan, at higit pa rito, ang isang masinsinang pag-unawa sa sangkatauhan. Ang pagkatao ng tao,gayunman, ay maaaring positibo, masigla, o matigas ang damdamin. Ang kalooban ng Diyos ay yaong nabibilang sa Tagapamahala ng mga nabubuhay sa lahat ng mga bagay, sa Panginoon ng lahat ng nilalang. Kinakatawan ng Kanyang kalooban ang karangalan, kapangyarihan, pagkamaharlika, kadakilaan, at higit sa lahat, ang kataas-taasang kapangyarihan. Ang Kanyang kalooban ay ang simbolo ng awtoridad at lahat ng matuwid, maganda, at mabuti. Bukod dito, isa itong simbolo kung paano hindi maaaring[a] hadlangan o lusubin ng kadiliman at anumang puwersa ng kaaway ang Diyos, at simbolo rin kung paano hindi Siya maaaring (at sa katunayan ay hindi pinahihintulutang mangyari)[b] saktan ng anumang nilikhang nilalang. Ang Kanyang kalooban ay ang simbolo ng pinakamataas na kapangyarihan. Walang tao o mga tao ang maaari o kayangmakagambala ng Kanyang gawain o ng Kanyang kalooban. Ngunit ang pagkatao ng tao ay isa lamang simbolo ng bahagyang kataasan ng tao sa mga hayop. Ang tao sa at ng kanyang sarili ay walang kapangyarihan, walang pagsasarili, at walang kakayahang malampasan ang sarili, isa lamang sangkap na yumuyuko sa isang duwag na paraan upang manipulahin ng sinumang tao, pangyayari, o bagay. Ang kasiyahan ng Diyos ay dahil sa pag-iral at paglitaw ng katuwiran at ng liwanag; dahil sa pagkagunaw ng kadiliman at kasamaan. Nasisiyahan Siya dahil dinala Niya ang liwanag at magandang buhay sa sangkatauhan; Ang Kanyang kasiyahan ay ang pagiging matuwid, isang simbolo ng pag-iral ng lahat ng positibo at, higit sa lahat, isang simbolo ng pagiging mapalad. Ang galit ng Diyos ay dahil sa pag-iral ng kawalang katarungan at ang gulo na dinudulot nito na sumisira sa Kanyang sangkatauhan; dahil sa pag-iral ng kasamaan at kadiliman, ang pag-iral ng mga bagay na nagtataboy sa katotohanan, at higit pa rito, dahil sa pag-iral ng mga bagay na sumasalungat sa mabuti at maganda. Ang Kanyang galit ay isang simbolo ng lahat ng negatibong bagay na hindi na umiiral at, higit pa rito, isang simbolo ng Kanyang kabanalan. Ang Kanyang kalungkutan ay dahil sa sangkatauhan, na Kanyang inaasahan ngunit nahulog sa kadiliman, dahil ang ibinibigay Niya sa tao ay hindi natatapatan ang Kanyang inaasahan, at dahil ang sangkatauhang mahal Niya ay hindi lahat maaaring manirahan sa liwanag. Nakadarama Siya ng kalungkutan para sa walang salang sangkatauhan, sa tapat ngunit ignoranteng tao, at sa mabuti ngunit bantulot na tao. Ang Kanyang kalungkutan ay isang simbolo ng Kanyang kabutihan at ng Kanyang awa, isang simbolo ng kagandahan at ng kabaitan. Mangyari pa, ang Kanyang kaligayahan ay mula sa paggapi ng Kanyang mga kaaway at pagkamit sa mabuting pananampalataya ng tao. Bukod dito, ito ay mula sa pagtaboy at pagkagunaw ng lahat ng mga puwersa ng kaaway at sa pagtanggap ng sangkatauhan sa isang mabuti at mapayapang buhay. Ang kaligayahan ng Diyos ay hindi tulad ng kagalakan ng tao; sa halip, ito ay ang pakiramdam ng pagtanggap sa mga mabubuting bunga, isang pakiramdam na mas higit pa kaysa sa kagalakan. Ang Kanyang kaligayahan ay isang simbolo ng paglaya ng sangkatauhan sa paghihirap at pagpasok sa isang mundo ng liwanag. Ang mga damdamin ng sangkatauhan, sa kabilang banda, ay umiiral lahat para sa mga layunin ng kanyang sariling interes, hindi para sa katuwiran, liwanag, o kung ano ang maganda, at lalong hindi sa biyaya ng Langit. Ang damdamin ng sangkatauhan ay makasarili at nabibilang sa mundo ng kadiliman. Ang mga ito ay hindi para sa kalooban, mas lalong hindi para sa plano ng Diyos, kaya ang tao at ang Diyos ay hindi kailanman maaaring bigkasin sa parehong hininga. Ang Diyos ay habambuhay na pinakamataas at marangal, habang ang tao ay habambuhay na mababa at walang kabuluhan. Ito ay dahil habambuhay na nagsasakripisyo ang Diyos at inilalaan ang Kanyang sarili sa sangkatauhan; ang tao, sa kabilang banda, ay habambuhay na kumikilos para lamang sa kanyang sarili. Habambuhay na kumikilos ang Diyos para sa pag-iral ng sangkatauhan, ngunit hindi kailanman nag-aambag ng anumang bagay ukol sa liwanag o katuwiran ang tao. Kahit na kumilos nang matagal ang tao, mahina ito at hindi kayang tagalan ang pinakabahagyang hagupit, dahil ang gawain ng tao ay laging para sa kanyang sarili at hindi para sa iba. Laging makasarili ang tao, habang ang Diyos ay habambuhay na walang pag-iimbot. Ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng matuwid, mabuti, at maganda, habang ang tao ay ang kahalili at tagapaghayag ng lahat ng kapangitan at masama. Hindi kailanman babaguhin ng Diyos ang Kanyang diwa ng pagiging matuwid at kagandahan, ngunit ang tao, sa anumang oras, ay kayang pagtaksilan ang pagiging matuwid at maligaw ng landas papalayo sa Diyos.

Pinanghahawakan ng kalooban ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko. Makabubuti para sa inyo ang pagnilay-nilayan ang Aking mga salita nang may ingat, at siguradong labis ninyong mapapakinabangan ang mga ito. Ang kalooban ng Diyos ay lubhang mahirap maunawaan, ngunit naniniwala ako na sa bawat isa sa inyo ay may kaunting kaalaman sa kalooban ng Diyos. Umaasa ako, sa susunod, ay maipapakita ninyo sa Akin at gagawin ang higit pa roon nang hindi naaagrabyado ang kalooban ng Diyos. Doon lamang ako mapapanatag. Bilang halimbawa, panatilihin ang Diyos sa inyong puso sa lahat ng oras. Kapag kumilos kayo, maging tapat sa Kanyang salita. Hanapin ang Kanyang saloobin sa lahat ng bagay, at huwag gawin ang bagay na walang-galang at nakasisira sa kapurihan ng Diyos. Bukod dito, huwag ninyong ilagay ang Diyos sa likod ng inyong isipan upang punan ang hinaharap nang walang kabuluhan sa inyong puso. Kung gagawin ninyo ito, magkakasala kayo kung ganon sa kalooban ng Diyos. Kung hindi ninyo kailanman ginawa ang lapastangang pananalita o ang magreklamo laban sa Diyos at nagawa ninyonang maayos ang lahat ng ipinagkatiwala Niya sa inyo sa buong buhay ninyo, maging ang pagpapasakop sa lahat ng salita ng Diyos, napagtagumpayan ninyong umiwas kung ganon sa paglabag, marahil inyong napagtagumpayan na iwasan labagin ang mga administratibong kautusan. Bilang halimbawa, kung minsan inyong nasabi "Bakit hindi ko iniisip na Siya ang Diyos?" "Sa tingin ko ang mga salitang ito ay kaliwanagan lamang ng Banal na Espiritu," "Sa tingin ko hindi lahat ng nagawa ng Diyos ay tama," "Ang sangkatauhan ng Diyos ay hindi nakahihigit sa akin," " Ang salita ng Diyos ay hindi kapani-paniwala," o iba pang mapanghusgang mga puna, kung gayon kayo aypagpapayuhan kong mangumpisal ng inyong mga kasalanan at magsisi. Sapagkat, hindi kayo magkakaroon ng pagkakataon sa kapatawaran, dahil hindi tao ang inyong sinasaktan, kundi ang Diyos mismo. Pinaniniwalaan ninyo marahil na isang simpleng tao ang inyong hinuhusgahan, ngunit hindi iyon kinikilala ng Espiritu ng Diyos sa ganoong paraan. Ang inyong kawalan ng respeto sa Kanyang katawan ay katumbas ng paglapastangan sa Kanya. Kung ganon, hindi ba ninyo nasaktan ang kalooban ng Diyos? Dapat ninyong tandaan na ang lahat ng ginawa ng Espiritu ng Diyos ay upang suportahan ang Kanyang gawa sa laman at gawin nang mabuti ang naturang gawain. Kung isasantabi ninyo ito, kung gayon sasabihin ko na isa kayo sa mga hindi kailanman magtatagumpay sa paniniwala sa Diyos. Dahil kayo ang nagbunsod ng galit ng Diyos, kaya nararapat lamang na gumamit Siya ng akmang parusa upang turuan kayo ng leksyon.

Ang pagiging pamilyar sa kabuuan ng Diyos ay hindi mababaw na bagay. Kailangan ninyong maunawaan ang Kanyang kalooban. Sa paraang ito, kayo ay unti-unting magiging pamilyar sa kabuuan ng Diyos kasabay ng pag-usad sa mas malaki at mas magandang estado. Sa bandang huli, kayo ay magtatamo ng pakiramdam ng pagkapahiya sa inyong kasuklam-suklam na kaluluwa, sa puntong kayo mismo ay mahihiyang ipakita ang inyong mukha. Sa panahong yaon, unti-unting mababawasan ang iyong pagkakasala sa kalooban ng Diyos, ang inyong puso ay palapit nang palapit sa Diyos, at unti-unting lalago sa inyong puso ang pagmamahal para sa Kanya. Ito ang tanda ng pagpasok sa magandang estado ng sangkatauhan. Ngunit sa ngayon hindi pa ninyo ito naaabot. Pinapagod ninyo ang inyong mga sarili sa paglalakbay paroo't parito para sa inyong kapalaran, kaya sinong mag-iisip na subukin at maging pamilyar sa kabuuan ng Diyos? Kung magpapatuloy ito, walang kamalay-malay ninyonglalabagin ang mga administratibong kautusan sapagkat kaunti lamang ang inyong nalalaman ukol sa kalooban ng Diyos. Hindi ba't ang ginagawa ninyo ngayon ay ang paglalatag ng pundasyon para sa inyong pagkakasala laban sa kalooban ng Diyos? Iyan ang tinatanong ko sa inyo upang maunawaan na ang disposisyon ng Diyos ay hindi sumasalungat sa Aking gawain. Sapagka't kung kayo ay nagkakasala nang madalas laban sa mga administratibong kautusan, kung gayon sino sa inyo ang makakaiwas sa kaparusahan? Hindi ba‘t naging ganap na walang kabuluhan kung gayon ang Aking gawain? Samakatuwid, hihingin ko pa rin bukod sa pagsusuri ng inyong mga sariling kilos, na kayo ay mag-ingat sa mga hakbang na gagawin ninyo. Ito ang mas mataas na utos na hihingin ko sa inyo, at nais ko sana na ito'y inyong pag-isipang mabuti at bigyan ito ng pagpapahalaga. Kung dumating ang araw na ang inyong mga gawain ang bunsod ng Aking nagngingitngit na galit, tanging kayo lamang ang magsasaalang-alang sa mga kahihinatnanang ito, at walang sinuman ang tatanggap ng kaparusahan sa lugar ninyo.

Talababa:

Mababasa ang orihinal na teksto bilang "ang pagiging walang kakayahang maging."

Mababasa ang orihinal na teksto bilang "ang pagiging walang kakayahang maging (at tunay na hindi pinahihintulutang maging)."

Mula sa: Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento