Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kabanata 6
Ang Makapangyarihang Diyos, ang Ulo ng lahat ng bagay, ay gumagamit ng Kanyang kapangyarihan bilang hari mula sa Kanyang trono. Namumuno Siya sa ibabaw ng sansinukob at sa lahat ng bagay at ginagabayan Niya tayo sa buong lupa.
Tayo ay malimit na magiging malápít sa Kanya, at lalapit sa Kanya sa katahimikan; kailanman ay wala tayong sasayanging isa mang saglit, at mayroong mga bagay na dapat matutuhan sa lahat ng sandali. Ang kapaligirang pumapalibot sa atin gayundin ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay, lahat ay pinahintulutan ng Kanyang trono. Huwag magkaroon ng pusong mareklamo, o hindi ka pagkakalooban ng Diyos ng Kanyang biyaya. Kapag dumarating ang karamdaman ito ay sanhi ng pag-ibig ng Diyos at ang Kanyang mabubuting hangarin ay tiyak na nasa likod nito. Kahit na ang iyong katawan ay nagtitiis ng pasakit, huwag kang tatanggap ng mga ideya mula kay Satanas. Purihin ang Diyos sa gitna ng iyong pagkakasakit at tamasahin ang Diyos sa gitna ng iyong papuri. Huwag mawalan ng pag-asa sa panahon ng pagkakasakit, patuloy na maghanap at huwag kailanman susuko, at pasisikatin ng Diyos ang Kanyang liwanag sa iyo. Gaano ba katapat si Job? Ang Makapangyarihang Diyos ay isang makapangyarihan-sa-lahat na manggagamot! Ang manahan sa karamdaman ay ang magkasakit, subalit ang manahan sa espiritu ay ang gumaling. Kung mayroon ka lamang isang hininga, hindi ka hahayaang mamatay ng Diyos.
Ang buhay ng nabuhay-na-muling Cristo ay nasa loob natin. Tunay na kulang ang ating pananampalataya sa presensya ng Diyos, at nawa ay pagkalooban tayo ng Diyos ng tunay na pananampalataya sa loob natin. Tunay ngang matamis ang salita ng Diyos! Ang salita ng Diyos ay makapangyarihang gamot! Hiyain ang mga diyablo at si Satanas! Kung maarok natin ang salita ng Diyos magkakaroon tayo ng sandigan at agad na ililigtas ng Kanyang salita ang ating mga puso! Pinapawi nito ang lahat ng bagay at ang lahat ay inilalagay sa kapayapaan. Ang pananampalataya ay gaya ng isang tulay na may iisang troso, sila na matinding nakakapit sa buhay ay mahihirapang tumawid rito, ngunit sila na handang isakripisyo ang kanilang mga sarili ay makatatawid nang walang pangamba. Kung ang tao ay mayroong mga isipang nag-aalala at natatakot, sila ay nililinlang ni Satanas, Natatakot ito na makatatawid tayo sa tulay ng pananampalataya upang makapasok sa Diyos. Si Satanas ay gumagawa ng bawat paraang maaari upang ipadala sa atin ang mga kaisipan nito, kailangan nating laging manalagin na ang liwanag ng Diyos ay sisikat sa atin, at kailangan nating laging umasa sa Diyos na dalisayin tayo mula sa lason ni Satanas. Lagi tayong magsasagawa sa ating mga espiritu upang mapalapit sa Diyos. Hahayaan nating ang Diyos ang magkaroon ng kapamahalaan sa ating buong katauhan.

Mula sa Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan: Kabanata 6
Rekomendasyon: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos
Kidlat ng Silanganan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento