Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2019-06-09

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Kabanata 95

Diyos, Iglesia, buhay,


Lahat ginuguni-guni ng mga tao na sobrang sinple, nang sa katunayan hindi ito ang kalagayan. Mayroong mga natatagong hiwaga na nakapaloob sa lahat, gayundin ang Aking karunungan at Aking mga pagsasaayos.  Walang pinalalampas na detalye, at lahat isinasaayos ng Sarili Ko. Bumabagsak ang paghatol ng dakilang araw sa lahat yaong mga hindi nagmamahal sa Akin nang taimtim (tandaan, nilalayon ng dakilang paghatol ang bawat taong tumatanggap ng pangalang ito) at nagdudulot sa kanila na tumangis at magngalit ang kanilang mga ngipin. Nanggagaling itong tunog ng panaghoy mula sa Hades at mula sa impyerno; hindi ito mga taong nananangis, pero mga demonyo. Ang Aking paghatol ang nagdadala ng pagtangis na ito, na nagdadala ng panghuling pagliligtas ng Aking plano ng pamamahala para sa mga tao. Dati Akong nanghahawak ng ilang pag-asa para sa ilang tao. Pero sa pagtingin ngayon, dapat pabayaan Ko ang mga taong ito isa-isa, dahil nakarating na sa yugtong ito ang Aking gawain at isang bagay ito na hindi mababago ninuman. Lahat yaong mga hindi panganay na anak Ko ay dapat pabayaan at dapat umalis na rito! Dapat maunawaan ninyo na, sa Tsinain China, bukod sa Aking mga panganay na anak at Aking bayan, lahat ng iba ay supling ng dakilang pulang dragon at dapat isinasantabi. Dapat nauunawaan ninyong lahat, tutal isang bansang sinumpa Ko ang Tsina, at ang kaunti sa bayan Kong naroon ay walang iba kundi yaong mga nagbibigay serbisyo para sa Aking gawain sa hinaharap. Sa ibang salita, bukod sa Aking mga panganay na anak, wala ng sinuman pa—mapupuksa silang lahat. Huwag isipin na napakalabis Ko sa Aking mga gawa—ito ang Aking utos ng pangangasiwa. Yaong mga nagdurusa ng Aking mga sumpa ang mga tudlaan ng Aking pagkamuhi, at tiyak ito. Hindi Ako gumagawa ng mali; kung nakakakita Ako ng sinuman na di-nagpapalugod sa Akin sisipain Ko sila palabas, at iyan ay sapat na patunay na ikaw ay isinusumpa Ko at isang inapo ng malaking pulang dragon. Hayaan mo na ikintal Ko sa'yo muli, Aking mga panganay na anak lang ang naroon sa Tsina (bukod sa Aking bayan na nagbibigay serbisyo) at ito ang Aking utos ng pangangasiwa. Pero napaka-kaunti ng Aking mga panganay na anak at lahat naitadhana Ko na—alam Ko kung ano ang ginagawa Kong ito. Hindi Ko kinatatakutan ang iyong pagka-negatibo at hindi Ko kinatatakutan na babaling ka at kakagatin Ako, dahil mayroon Akong mga utos ng pangangasiwa at mayroon Akong poot. Na ibig sabihin, hawak Ko ang malalaking sakuna sa Aking kamay at wala Akong kinatatakutan, dahil itinuturing Ko ang lahat ng bagay bilang nakamit na, at kapag dumating ang araw na iyan Ako ay lubusang pakikitunguhan ka. Hindi maaaring gawing perpekto ang isa o naitataas sa pagiging isang panganay na anak Ko, bagkus lubusang nakasalalay ito sa Aking pagtatadhana. Sinumang sinasabi Ko na isang panganay na anak ay isang panganay na anak; huwag makipag-away o makipag-sunggaban para rito. Lahat ng bagay ay nakasalalay sa Akin, ang Diyos na makapangyarihan sa lahat Mismo.

Isang araw papayagan Ko kayong lahat na makita kung ano ang Aking mga utos ng pangangasiwa at kung ano ang Aking poot (lahat luluhod sa Akin, lahat sasambahin Ako, lahat magmamakaawa para sa kapatawaran at lahat mananatili sa pagsunod; pinapayagan Ko lang ngayon ang Aking mga panganay na anak na makita ang isang bahagi nito). Gagawin Ko na makita ng lahat ng supling ng malaking pulang dragon na nakapipili Ako ng marami para ihandog (lahat maliban sa Aking mga panganay na anak) upang maperpekto ang Aking mga panganay na anak, kaya nagagawa Ko na bumagsak ang malaking pulang dragon sa sarili nitong tusong pakana. (Sa Aking plano ng pamamahala, ipinadadala ng malaking pulang dragon yaong mga nagbibigay serbisyo sa Akin—lahat maliban sa Aking mga panganay na anak—upang gambalain ang Aking plano ng pamamahala; pero nahuhulog ito sa sariling tusong pakana, at nagbibigay silang lahat ng serbisyo sa Aking gawain. Isang bahagi ito ng tunay na kahulugan ng Aking pagpapakilos sa lahat na nagbibigay serbisyo para sa Akin.) Ngayon, kapag nakakamtan na ang lahat ng bagay, itatapon Ko silang lahat, dudurugin sila sa ilalim ng Aking mga paa, at sa pamamagitan nito ipahihiya Ko ang malaking pulang dragon at gagawin Ko itong lubusang napahiya (sinusubukan nilang magpakitang-tao sa pagpaparangya para makatamo ng mga pagpapala, pero hindi nila kailanman naisip na magbibigay serbisyo sila sa Akin)—ito ang Aking karunungan. Napapakinggan ito, iniisip ng mga tao na wala Akong damdamin o awa, at iniisip na wala Akong pagkatao. Talagang wala Akong damdamin o awa tungo kay Satanas, at bukod diyan Ako ang Diyos Mismo na nakahihigit sa sangkatauhan. Papaano mo masasabi na Ako ang isang Diyos na may pagkatao? Hindi mo ba alam na hindi Ako sa mundo? Hindi mo ba alam na nasa itaas Ako ng lahat ng bagay? Bukod sa Aking mga panganay na anak, walang ibang katulad Ko, walang sinuman na may disposisyon Ko (hindi disposisyon na makatao kundi disposisyon na maka-Diyos), at walang sinuman ang nagtataglay ng Aking mga katangian.

Kapag ang pintuang-daan ng espirituwal na mundo ay binubuksan, makikita ninyo ang lahat ng hiwaga, tinutulungan kayong lubusang makapasok sa isang malayang kaharian, makapasok sa Aking mapagmahal na yakap at makapasok sa Aking mga walang hanggang pagpapala. Palaging nasusuportahan ng Aking mga kamay ang sangkatauhan. Pero may isang bahagi ng sangkatuhan na ililigtas Ko at isang bahagi na hindi Ko ililigtas. (Sinasabi Kong “suporta” dahil kung hindi Ko sinuportahan ang buong mundo, matagal na sana itong nahulog sa Hades.) Tingnan ito nang malinaw! Ito ang Aking plano ng pamamahala. At ano itong plano ng pamamahala? Nilikha Ko ang sangkatauhan, pero hindi Ko kailanman binalak na matamo ang bawat isang tao, matamo lang ang isang bahagi ng sangkatauhan. Kaya para ano at nilikha Ko ang napakaraming tao? Nasabi Ko na bago iyan, sa Akin, lahat ay kalayaan at pagpapakawala, at ginagawa Ko ang anuman ang nais Ko. Nang nilikha Ko ang sangkatauhan, dahil lang ito upang makapamuhay sila ng isang normal na buhay at sa gayon mayroong makababangong isang maliit na bahagi ng sangkatauhan na yaong Aking mga panganay na anak, Aking mga anak at Aking bayan. Maaaring masabi na lahat ng tao, mga bagay, at mga pakay—bukod sa Aking mga panganay na anak, Aking bayan at Aking mga anak—ay lahat mga taga-serbisyo at lahat dapat masawi. Sa ganitong paraan matatapos ang Aking buong plano ng pamamahala. Ito ang Aking plano ng pamamahala, ito ang Aking gawain at ito ang Aking mga nagpapatuloy na hakbang. Kapag natapos na ang lahat Ako ay ganap na mamamahinga. Sa panahong iyan, magagawang mabuti ang lahat at magagawang mapayapa at matiwasay ang lahat.

Lubhang napakabilis ng tulin ng Aking gawain na walang maaaring maguni-guni ito. Nagbabago ito araw-araw at sinumang hindi makasabay ay makararanas ng kawalan; ang isa ay maaari lang manghawak nang mahigpit sa bagong liwanag araw-araw (bagaman hindi kailanman nagbabago ang Aking mga utos ng pangangasiwa, at ang mga pangitain at ang katotohanang Aking ibinabahagi ay hindi nagbabago kailanman). Bakit Ako nagsasalita araw-araw? Bakit Ko palaging nililiwanagan ka? Nauunawaan mo ba ang totoong kahulugan sa loob? Karamihan sa mga tao ay tumatawa at nagbibiro pa rin ngayon at hindi maaaring maging seryoso. Basta hindi sila nagbibigay pansin paanuman sa Aking mga salita, pero nararamdaman lang ang isang lumilipas na pag-aalala kapag naririnig ang mga ito. Pagkatapos, madaling nalilimutan ang Aking mga salita at madali silang nawawalan ng kamalay-malay sa sarili nilang pagkakakilanlan at nagiging walang-ingat sila. Alam mo ba kung ano ang iyong katayuan? Kung ang isang tao man ay nagbibigay serbisyo sa Akin o itinatadhana at pinipili Ko ay pinangangasiwaan lang ng Aking mga kamay at walang sinuman ang maaaring ibahin ito—dapat Ako ang gumawa nito sa sarili Ko, dapat piliin at itadhana sila ng Sarili Ko. Sinong nangangahas na magsabi na Ako ay isang di-marunong na Diyos? Lahat ng salitang sinasabi Ko at lahat ng ginagawa Ko ay Aking karunungan. Sinong nangangahas na muling gambalain ang Aking pamamahala at wasakin ang Aking mga plano? Tiyak na hindi Ko sila patatawarin! Nakasalalay ang panahon sa Aking mga kamay at wala Akong kinatatakutang pagka-antala; hindi ba Ako ang Isa na nagpapasya ng panahon na matatapos ang Aking plano ng pamamahala? Hindi ba nakasalalay lang ito sa nag-iisang kaisipan Ko? Kapag sinasabi Kong nagagawa na ito, nagagawa na ito, at natatapos ito kapag sinasabi Kong natatapos na ito. Hindi Ako nagmamadali at gagawa Ako ng mga angkop na pagsasaayos. Hindi dapat nakikialam ang tao sa Aking gawain at hindi sila dapat gumagawa ng mga bagay para sa Akin ayon sa gusto nila. Sinusumpa Ko ang sinumang nakikialam—isa ito sa Aking mga utos ng pangangasiwa. Ako Mismo ang gumagawa ng Aking gawain at hindi nangangailangan ng sinuman pa (pinapayagan Ko yaong mga taga-serbisyo na kumilos, kung hindi gayon hindi sila mangangahas na kumilos nang padalus-dalos o nabubulagan). Isinasaayos Ko ang lahat ng gawain, pinagpapasyahan Ko, dahil Ako ang nag-iisang Diyos Mismo.

Nag-aagawan sa isa’t isa ang lahat ng bansa ng mundo para sa kapangyarihan at pakinabang at pinag-aawayan ang lupa, pero huwag mangangamba, dahil sa lahat ng bagay na ito ay nasa Aking serbisyo. At bakit Ko sinasabi na ang mga ito ay nasa Aking serbisyo? Ginagawa Ko ang mga bagay na walang ginagawa kahit ano. Para hatulan si Satanas una Kong ginagawa na magtalo-talo ang mga ito sa sarili nito at sa huli dinadala ang mga ito sa pagguho at ginagawa ang mga ito na mahulog sa sarili nitong mga tusong pakana (gusto ng mga ito na makipag-agawan sa Akin ng kapangyarihan, pero nagtatapos ang mga ito sa pagbibigay serbisyo sa Akin). Sinasabi Ko lang at ibinibigay ang Aking mga utos at gagawin ng lahat kung ano ang sinasabi Kong gawin ninyo, kung hindi Ako ay wawasakin ka kaagad. Ang mga bagay na ito ay lahat bahagi ng Aking paghatol, dahil inuutusan Ko ang lahat, at itinatalaga Ko ang lahat. Sinumang gumagawa ng anuman ay ginagawa ito nang di-sinasadya, ginagawa ito sa pamamagitan ng Aking sariling pagsasaayos, at umaasa Ako na maaari kang maging puspos ng Aking karunungan sa mga pangyayaring di-magtatagal ay sasapit. Huwag guguluhin ito, pero mas lumapit sa Akin kapag sumasapit sa inyo ang mga bagay; maging mas maingat at mag-ingat sa lahat ng aspeto para maiwasang magkasala sa Aking pagkastigo, at maiwasang mahulog sa mga tusong pakana ni Satanas. Dapat makatamo kayo ng mga pananaw mula sa Aking mga salita, makilala kung ano Ako, at makita kung ano mayroon Ako. Dapat ginagawa ninyo ang mga bagay ayon sa Aking mga makabuluhang pagtingin at hindi dapat guluhin ito. Gawin kung ano ang ginagawa Ko, at sabihin kung ano ang sinasabi Ko. Sinasabi Ko sa inyo ang mga bagay na ito sa patiuna upang maiwasan ninyo ang makagawa ng mga mali at maiwasan ang matukso. At ano ang kung ano Ako at kung ano ang mayroon Ako? Talaga bang alam ninyo? Ang kirot na Aking tinitiis ay isang bahagi ng kung ano Ako, gaya na isang bahagi ito ng Aking normal na pagkatao, ay kung ano Ako ay matatagpuan din sa Aking ganap na pagka-Diyos—nalalaman ba ninyo ito? Kung ano Ako ay binubuo ng dalawang aspeto: yaong Aking pagkatao ang isang aspeto, samantalang yaong Aking ganap na pagka-Diyos ang isa pa. Tanging itong dalawang aspeto na pinagsama-sama ang gumagawa ng ganap na Diyos Mismo. Kung ano ang Aking ganap na pagka-Diyos ay kabilang din ang maraming mabubuting bagay: Hindi Ako nagtitiis ng pagpipigil ng anumang tao, usapin, o bagay; hinihigitan Ko ang lahat ng kapaligiran; lampas Ako sa anumang paglilimita ng panahon o kalawakan o heograpiya; talagang kilalang-kilala Ko lahat ng tao, usapin, at bagay paharap at patalikod; gayunma’y katawan at buto pa rin AKo, sa isang nahahawakang anyo; Ako pa rin ang personang ito sa paningin ng mga tao, pero nagbago na ang kalikasan—hindi ito katawan, pero katawang-tao. Itong mga bagay ay isa lang maliit na bahagi nito. Magiging tulad din nito sa hinaharap ang lahat ng Aking panganay na anak; ito ang daan na dapat yapakan at yaong mga binibilang ay hindi makakatakas. Habang ginagawa Ko ito, lahat yaong hindi naitakda na ay sisipain palabas bawat isa at lahat (dahil ito ay si Satanas sinusubok Ako para makita kung walang kamali-mali ang mga salita Ko). Hindi makakatakas yaong mga itinatalaga saan man sila pumupunta, at makikita ninyo kung gayon ang mga prinsipiyo sa likod ng gawa Kong ito. Tinutukoy ng kung ano mayroon Ako ang Aking karunungan, Aking kaalaman, Aking pagka-maparaan at bawat salitang sinasabi Ko. Tinataglay ito kapwa ng Aking pagkatao at pagka-Diyos. Na ibig sabihin, lahat na ginagawa ng Aking pagkatao gayundin na ginagawa ng Aking pagka-Diyos ay kung ano mayroon Ako; walang sinuman ang makakaagaw ng mga bagay na ito ni makakaalis sa mga ito, ang mga ito ay nasa Aking pag-aari, at walang sinumang makababago sa mga ito. Ito ang Aking pinakamatinding utos ng pangangasiwa (para sa mga pagkaintindi ng tao, marami sa mga bagay na ginagawa Ko ay hindi kaayon sa kanilang mga pagkaintindi at hindi maaaring maunawaan ang mga ito ng tao; ito ang ang utos na bawat isang tao ay pinakamadaling magkasala at ito rin ang pinakamatindi, kaya nga ang kanilang mga buhay dito ang nagdurusa ng kawalan). Sasabihin Ko uli, dapat gumamit ka ng masigasig na pamamaraan sa iyan na pinapayuhan Ko kayong gawin—hindi kayo dapat walang-ingat!

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento