Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2018-04-11

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Kabanata 19


buhay, Iglesia, katotohanan, Banal na Espiritu, Jesus,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Kabanata 19


     Habang patuloy na sumusulong ang gawain ng Banal na Espiritu, nadadala tayong muli ng Diyos tungo sa isang bagong paraan ng gawain ng Banal na Espiritu. Bunga nito, hindi maiiwasan na nagkaroon ang ilan ng maling pagkaunawa sa Akin at gumawa ng mga reklamo sa Akin. Ang ilan ay nakikipaglaban at sinasalangsang Ako, at nasusuri Ako. Gayunman, buong-awa pa rin Akong naghihintay para sa inyong pagsisisi at pagbuti. Ang pagbabago sa paraan ng gawain ng Banal na Espiritu ay ang Diyos Mismo na hayagang nagpapakita. Mananatiling hindi nagbabago ang Aking salita! Yamang ikaw itong inililigtas Ko, hindi Kita pababayaan sa kalagitnaan ng daan. Nguni’t mayroong mga pagdududa sa loob ninyo at gusto ninyong bumalik nang walang dala. Huminto na sa pagsulong ang ilan sa inyo habang nagmamasid at naghihintay ang iba. Sunud-sunuran naman ang iba sa sitwasyon, at gumagaya lamang ang ilan sa ginagawa ng iba. Talagang pinatigas ninyo ang inyong mga puso! Kinukuha mo na ang sinabi Ko sa inyo at ginagawa itong sarili mong kahambugan at pagmamalaki. Higit pang pagnilay-nilayan ito—ito ay walang iba kundi mga salita ng awa at paghatol na dumarating sa iyo. Talagang mapanghimagsik kayo. Tuwirang nagsasalita at tuwirang nagsusuri ang Banal na Espiritu. Dapat kayong matakot. Huwag kumilos nang walang-ingat o gumawa ng anuman nang padalus-dalos. Huwag maging palalo, hambog, o mapagmataas! Dapat higit na magtuon sa pagsasagawa ng Aking salita, at ipamuhay ang Aking salita saanman magpunta, upang talagang mabago ka ng Aking salita mula sa loob at mahayag ang Aking disposisyon sa iyo. Mga tunay na resulta ang mga ito.

     Upang maitayo ang iglesia, dapat magkaroon ka ng natatanging tayog, at maghanap nang buong-puso at walang-tigil, gayundin tanggapin ang pagsusunog at paglilinis ng Banal na Espiritu at maging isang nabagong tao. Sa ilalim ng ganitong mga kalagayan naitatayo ang iglesia. Napangungunahan kayo ngayon ng gawain ng Banal na Espiritu upang simulan ang pagtatayo ng iglesia. Kung patuloy kayong gagawi nang makupad at may kahangalan gaya ng dati, kung gayon wala na kayong pag-asa. Dapat sangkapan ninyo ang inyong mga sarili ng lahat ng katotohanan at magkaroon ng espirituwal na pagtalós, at lumakad sa perpektong daan ayon sa Aking karunungan. Para maitayo ang iglesia, dapat kang nasa espiritu ng buhay at hindi lamang gumagaya nang paimbabaw. Ang paraan ng paglago sa buhay mo ay kapareho ng paraan kung paano ka naitatayo. Gayunman, pansinin mo na yaong mga umaasa sa mga espirituwal na kaloob o yaong mga hindi kayang unawain ang mga espirituwal na usapin o kulang sa praktikalidad ay hindi naitatayo, ni yaong mga hindi kayang maging malápít o makipag-usap sa Akin sa lahat ng sandali. Yaong mga buhós na buhós ang kanilang mga isip sa mga pagkaintindi o namumuhay sa pamamagitan ng mga doktrina ay hindi naitatayo, at maging yaong mga ginagabayan ng kanilang mga damdamin. Anuman ang pagtuturing sa iyo ng Diyos, dapat lubusan kang magpasakop sa Kanya. Kung hindi, hindi ka maitatayo. Yaong mga abala sa sarili nilang pagpapahalaga sa sarili, pagkamatuwid-sa-sarili, kayabangan, at kapanatagan at mahilig mangmata at ipinapasikat ang mga sarili ay hindi naitatayo. Yaong mga hindi makapaglingkod nang nakikipag-ugnayan sa iba ay hindi naitatayo. Yaong mga walang espirituwal na pagtalós at pikit-matang sumusunod sa sinumang nangunguna ay hindi naitatayo, at yaong mga bigong maunawaan ang Aking mga hangarin at namumuhay sa mga sinaunang mga kalagayan ay hindi naitatayo. Yaong mga napakabagal na sumunod sa bagong liwanag at walang anumang pangitain bilang isang saligan ay hindi naitatayo.

   Dapat maitayo ang iglesia sa lalong madaling panahon, at mayroon Akong mahalagang pagkabahala para dito. Dapat magsimula ka sa pamamagitan ng pagtuon sa positibo, at sumali sa mga hanay ng pagtatayo sa pamamagitan ng paghahandog ng iyong sarili ng buong lakas mo. Kung hindi, tatanggihan ka. Dapat ganap mong talikuran ang dapat talikuran, at kainin at inumin nang tama ang dapat makain at mainom. Dapat isabuhay mo ang realidad ng Aking salita, at hindi ka dapat magtuon sa mga mababaw at walang-halagang usapin. Tanungin ang sarili mo, gaano karami na ang nakuha mo sa Aking salita? Gaano mo isinasabuhay ang Aking salita? Dapat manatili kang makatuwiran at umiwas sa pagiging padalus-dalos. Kung hindi, nakapipinsala lamang ito, hindi nakakatulong sa iyong sariling paglago sa buhay. Dapat mong maunawaan ang katotohanan, malaman kung paano ito isinasagawa, at hayaan ang Aking salita na talagang maging buhay mo. Ito ang napakahalagang punto!

   Dahil nakaabot na sa isang maselan na sandali ang pagtatayo ng iglesia, bumabalangkas si Satanas ng mga plano, at ginagawa ang sukdulan nito para gibain ito. Hindi kayo dapat maging pabáyâ kundi magpatuloy nang maingat at magsanay ng pagtalós sa espiritu. Kung wala ang gayong pagtalós, daranas ka ng matitinding kawalan. Hindi ito maliit na bagay lamang. Dapat isaalang-alang mo ito bilang isang mahalagang usapin. May kakayahan si Satanas sa paggawa ng mga huwad na pagpapakita at pag-aalok ng mga huwad na ibang-iba naman ang kalidad ng mga nilalaman nito. Gumagawi ang mga tao nang napakahangal at walang-ingat, at nagkukulang sa pagtalós, na ibig sabihin ay hindi ka nakakapanatiling makatuwiran at mahinahon sa lahat ng sandali. Hindi nasusumpungan saanman ang inyong puso. Isang karangalan at gayundin ay isang kawalan ang paglilingkod. Maaari itong humantong alinman sa pagpapala o kasawian. Manatiling tahimik sa Aking presensiya at mamuhay ayon sa Aking salita, at talagang mananatili kang mapagbantay at nagsasanay ng pagtalós sa espiritu. Kapag dumarating si Satanas, makakaya mong magbantay laban dito kaagad, gayundin ay madarama ang pagdating nito; madarama mo ang talagang pagkaasiwa sa iyong espiritu. Nakikibagay ang kasalukuyang gawain ni Satanas sa mga pagbabago ng mga kalakaran. Kapag gumagawing may kahangalan at kulang sa pagiging-mapagbantay ang mga tao, mananatili sila sa pagkabihag. Dapat manatili kang mapagbantay sa lahat ng sandali at maingat na nagmamasid. Huwag makipagtalo hinggil sa sarili mong mga kapakinabangan at kalugihan, o magkalkula para sa kapakanan ng sarili mong pakinabang. Sa halip, hanaping matupad ang Aking kalooban.

   Maaaring magmukhang magkakapareho ang mga bagay nguni’t ang kalidad ng mga ito ay maaaring magkakaiba. Dahil dito, dapat mong kilalanin ang mga tao gayundin ang mga espiritu. Dapat magsanay ka ng pagtalós at manatiling makatuwiran sa espirituwal. Kapag lumilitaw ang kamandag ni Satanas ay makikilala mo kaagad ito. Hindi nito matatakasan ang liwanag ng paghatol ng Diyos. Dapat pagtuunan mo ng pansin ang pakikinig sa tinig ng Banal na Espiritu habang namumuhay ka sa espiritu. Huwag sunud-sunuran sa iba at pagkamaliang kabulaanan ang isang bagay na totoo. Huwag basta sumunod sa sinumang nangunguna, baka dumanas ka ng matitinding kawalan. Ano ang nararamdaman mo riyan? Naramdaman mo ba ang mga kinahihinatnan? Huwag kang basta-basta nakikialam sa paglilingkod o isingit ang iyong sariling mga kuru-kuro dito, kung hindi ay pababagsakin Kita. Mas masahol pa, kung tumatanggi kang sumunod at sinasabi at ginagawa ang gusto mo, itatakwil Kita! Hindi kailangan ng iglesia na maghakot ng mas maraming tao; ninanais nito yaong mga taimtim na nagmamahal sa Diyos at talagang namumuhay ayon sa Aking salita. Dapat batid mo ang iyong sariling tunay na mga kalagayan. Hindi ba panlilinlang sa sarili kapag ipinapalagay ng mahihirap ang sarili nila na mayayaman? Para maitayo ang iglesia, dapat kang sumunod sa Espiritu. Huwag magpatuloy sa pamamagitan ng pagbubulag-bulagan, kundi manatili sa iyong lugar at tuparin ang iyong sariling katungkulan. Hindi kayo dapat lumabas sa inyong mga papel, kundi tuparin ang anumang katungkulan na maaari ninyong gampanan ng inyong sukdulang kalakasan, at sa gayon ay totoong malulugod Ako. Hindi naman sa lahat kayo ay gaganap sa parehong katungkulan. Sa halip, ang bawa’t isa sa inyo ay dapat gampanan ang iyong sariling papel at italaga ang iyong paglilingkod sa pakikipag-ugnayan sa ibang nasa iglesia. Hindi dapat lumihis ang paglilingkod mo sa alinmang direksiyon.
  
   mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan: " Kabanata 19"

Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento