Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2018-04-14

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (1)

Banal na Espiritu, buhay, Diyos, Jesus, katotohanan,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (1)


   Ang Aking gawain ay malapit nang maging ganap. Ang maraming mga taon na ginugol nating magkasama ay naging di-mabatáng alaala ng nakaraan. Nagpatuloy Ako na ulitin ang Aking mga salita at hindi tumigil sa pagpapaunlad sa Aking bagong gawain. Mangyari pa, ang Aking payo ay isang kinakailangang bahagi sa bawat piraso ng gawain na ginagawa Ko. Kung wala ang Aking payo, lahat kayo ay maliligaw at magiging higit pa sa pagkawala.  Ang Aking gawain ay malapit nang matapos at dumating sa isang katapusan; gusto Ko pa ring gumawa ng pagbibigay ng payo, ibig sabihin, upang mag-alok ng ilang mga salita ng payo na dapat ninyong pakinggan. Umaasa lang Ako na hindi ninyo aaksayahin ang Aking mga napakaingat na mga pagsisikap at higit pa, na maaari ninyong maunawaan ang lahat ng pangangalaga at kaisipan na Aking ginugol, tinatrato ang Aking mga salita bilang pundasyon ng kung paano kayo kumilos bilang isang tao. Kung ito man ay mga salita na nais ninyong pakinggan o hindi, maging ito ay mga salita na nasisiyahan ninyong tanggapin o tinatanggap na hindi komportable, dapat ninyong seryosohin ang mga iyon. Kung hindi, ang inyong mga kaswal at walang malasakit na mga disposisyon at mga paghakbang ay talagang makakabahala sa Akin at, higit pa, na makapagpapasuklam sa Akin. Masyado Akong umaasa na lahat kayo ay maaaring basahin ang Aking mga salita nang paulit-ulit-libu-libong beses-at saulado pa nga ang mga iyon. Sa paraan lang na iyon hindi ninyo maaaring mabigo ang Aking mga inaasahan sa inyo. Gayunpaman, wala sa inyo ang namumuhay ng tulad nito ngayon. Sa kabaligtaran, lahat kayo ay nalulubog sa isang pinasamáng buhay ng pagkain at pag-inom ng inyong kapupunan, at wala sa inyo ang gumagamit ng Aking mga salita upang mapayaman ang inyong mga puso at kaluluwa. Ito ang dahilan kung bakit nahinuha Ko na ang totoong mukha ng sangkatauhan ay isa na palaging magkakanulo sa Akin at walang sinuman ang maaaring maging lubos na matapat sa Aking mga salita.

   "Ang tao ay ginawang tiwali nang husto ni Satanas na wala na siyang hitsura ng tao." Ang pariralang ito ay nakatamo ngayon ng bahagyang pagkilala mula sa karamihan ng mga tao. Ito ay sinabi dahil ang "pagkilala" dito ay tanging mababaw na pagtanggap na salungat sa tunay na kaalaman. Yamang wala sa inyo ang maaaring tumpak na tasahin o lubusang suriin ang inyong mga sarili, lagi kayong kalahating-naniniwala, kalahating-nagdududa sa Aking mga salita. Ngunit sa pagkakataong ito ay gumagamit Ako ng mga katotohanan upang ipaliwanag ang isang seryosong problema na mayroon kayo, at iyon ay "pagkakanulo." Lahat kayo ay pamilyar sa salitang "pagkakanulo" dahil karamihan sa mga tao ay nakagawa ng isang bagay upang ipagkanulo ang iba dati, tulad ng isang asawang lalaki na ipinagkakanulo ang kanyang asawang babae, isang asawang babae na ipinagkakanulo ang kanyang asawang lalaki, isang anak na lalaki na ipinagkakanulo ang kanyang ama, isang anak na babae na ipinagkakanulo ang kanyang ina, isang alipin na ipinagkakanulo ang kanyang amo, mga kaibigan na ipinagkakanulo ang isa't isa, mga kamag-anak na ipinagkakanulo ang isa't isa, mga nagbebenta na ipinagkakanulo ang mga mamimili, at iba pa. Ang lahat ng mga halimbawang ito ay naglalaman ng diwa ng pagkakanulo. Sa madaling salita, ang pagkakanulo ay isang anyo ng pag-uugali kung saan ang isang tao ay sumisira sa isang pangako, lumalabag sa mga prinsipyo ng moralidad, o lumalaban sa pantaong etika, at kung saan nagpapakita ng isang pagkawala ng pagkatao. Bilang isang tao, hindi mahalaga kung naaalala mo na nakagawa ka kailanman ng isang bagay upang ipagkanulo ang iba o kung naipagkanulo mo na ang mga iba ng maraming beses, sa pangkalahatang pananalita, kung kayo ay ipinapanganak sa mundong ito, sa gayon kayo ay nakagawa na ng isang bagay upang ipagkanulo ang katotohanan. Kung ikaw ay may kakayahang ipagkanulo ang iyong mga magulang o mga kaibigan sa gayon ikaw ay may kakayahang ipagkanulo ang iba, at saka ikaw ay may kakayahang magkanulo sa Akin at makagawa ng mga bagay na kinamumuhian Ko. Sa ibang salita, ang pagkakanulo ay hindi lamang isang anyo ng imoral na pag-uugali sa ibabaw, ngunit ito ay isang bagay na kasalungat ng katotohanan. Ang ganitong uri ng bagay ay tiyak na pinagmumulan ng paglaban ng sangkatauhan at pagsuway sa Akin. Ito ang dahilan kung bakit nalagom Ko ito sa sumusunod na pahayag: Ang pagkakanulo ay kalikasan ng tao. Ang kalikasan na ito ay ang likas na kaaway ng bawat tao na nagiging kaayon sa Akin.

  Ang pag-uugali na hindi maaaring lubusang sumunod sa Akin ay pagkakanulo. Ang pag-uugali na hindi maaaring maging tapat sa Akin ay pagkakanulo. Ang pagdaraya sa Akin at paggamit ng mga kasinungalingan upang linlangin Ako ay pagkakanulo. Ang pagiging puno ng mga paniwala at pagpapakalat sa kanila sa lahat ng dako ay pagkakanulo. Ang hindi pagpoprotekta sa Aking mga patotoo at mga interes ay pagkakanulo. Ang pagpeke ng isang ngiti kapag ang isa ay iniwan Ako sa kanilang puso ay pagkakanulo. Ang mga pag-uugaling ito ay lahat mga bagay na palaging may kakayahan kayo, at ang mga ito ay karaniwan din sa gitna ninyo. Wala ni isa sa inyo ang maaaring mag-isip na iyon ay isang problema, ngunit hindi iyon ang iniisip Ko. Hindi Ko maaaring tratuhin ang pagkakanulo sa Akin bilang isang bagay na walang kabuluhan, at saka hindi Ko maaaring di-pansinin ito. Ako ay gumagawa sa gitna ninyo ngayon ngunit kayo ay ganito pa rin. Kung isang araw ay walang sinuman ang naroon na mangangalaga at magbabantay sa inyo, hindi ba kayong lahat ay magiging mga hari ng burol?[a] Sa oras na iyon, sino ang mag-aayos- ng gusot pagkatapos kapag nakagawa kayo ng isang malaking sakuna? Maaari ninyong isipin na ang ilang mga pagkilos ng pagkakanulo ay isang paminsan-minsang bagay sa halip na namimihasang pag-uugali, at hindi dapat palakihin sa ganitong seryosong paraan, na magdudulot sa inyo na mapahiya. Kung talagang naniniwala kayo doon, sa gayon ay kulang kayo sa katinuan. Mas madalas ang isa ay mag-isip nang ganito, mas higit silang isang mismong halimbawa ng paghihimagsik. Ang kalikasan ng tao ay ang kanilang buhay, ito ay isang prinsipyo na inaasahan nila upang makaligtas, at hindi nila maaaring baguhin ito. Katulad ng kalikasan ng pagkakanulo-kung maaari kang gumawa ng isang bagay upang ipagkanulo ang isang kamag-anak o kaibigan, ito ay nagpapatunay na ito ay bahagi ng iyong buhay at ipinanganak kang may ganitong kalikasan. Ito ay isang bagay na hindi maitatanggi ninuman. Halimbawa, kung gusto ng isang tao na magnakaw ng mga bagay ng ibang tao, sa gayon ang ganitong "gusto na magnakaw" ay bahagi ng kanilang buhay. Kaya lang kung minsan ay nagnanakaw sila, at sa ibang mga panahon sila’y hindi. Hindi alintana kung sila ay magnanakaw o hindi, hindi nito maaaring patunayan na ang kanilang pagnanakaw ay isang uri lamang ng pag-uugali. Sa halip, nagpapatunay ito na ang kanilang pagnanakaw ay isang bahagi ng kanilang buhay, iyon ay, ang kanilang kalikasan. Ang ilang mga tao ay magtatanong: Yamang ito ay kanilang kalikasan, kung gayon bakit kung minsan ay nakakakita sila ng magagandang mga bagay ngunit hindi nila ninanakaw ang mga iyon? Ang sagot ay napakasimple. Maraming mga kadahilanan kung bakit hindi sila nagnanakaw, tulad ng kung ang bagay ay masyadong malaki para sa kanila upang agawin sa ilalim ng mapagbantay na mga mata, o walang angkop na oras upang kumilos, o ang bagay ay masyadong mahal, masyadong mahigpit na nababantayan, o sila ay hindi partikular na interesado sa ganoong magandang bagay, o hindi pa nila naiisip ang paggagamitan nito, at iba pa. Ang lahat ng mga kadahilanang ito ay posible. Ngunit kahit na ano pa, kung nakawin nila ito o hindi, hindi nito maaaring patunayan na ang kaisipang ito ay biglang dumaraan lang sa loob nila nang saglit lamang. Sa kabilang banda, ito ay isang bahagi ng kanilang kalikasan na mahirap panibaguhin. Ang nasabing tao ay hindi nasisiyahan sa pagnanakaw ng isang beses lamang, ngunit ang mga saloobin na angkinin ang mga bagay ng ibang tao bilang sarili nila ay napapagalaw sa tuwing nakakatagpo nila ang isang bagay na maganda o isang angkop na sitwasyon. Iyon ang dahilan kung bakit sinasabi Ko na ang kaisipang ito ay hindi nakukuha paminsan-minsan, ngunit nagmumula sa sariling kalikasan ng taong ito.

   Sinuman ay maaaring gumamit ng kanilang sariling mga salita at mga pagkilos upang kumatawan sa kanilang tunay na mukha. Ang totoong mukha na ito ay siyempre ang kanilang kalikasan. Kung ikaw ay isang taong nagsasalita sa isang napakapaikot-ikot na paraan, sa gayon ikaw ay may isang baluktot na kalikasan. Kung ang iyong likas na katangian ay napakatuso, sa gayon ang paraan ng iyong paggawa ng mga bagay-bagay ay napakatuso at mapanlinlang, at ginagawang napakadali para sa mga tao na malansi mo. Kung ang iyong kalikasan ay labis na masama, ang iyong mga salita ay maaaring maging kaaya-ayang mapakinggan, ngunit ang iyong mga pagkilos ay hindi maaaring pagtakpan ang iyong masamang mga paraan. Kung ang iyong kalikasan ay sobrang tamad, sa gayon ang lahat ng bagay na iyong sinasabi ay lahat naglalayong iwasan ang paninisi at responsibilidad dahil sa iyong kawalang-interes at katamaran, at ang iyong mga pagkilos ay magiging napakabagal at hindi kapani-paniwala, at napakagaling sa pagtatakip ng katotohanan. Kung ang iyong kalikasan ay napaka-makiramayin, sa gayon ang iyong mga salita ay magiging makatwiran at ang iyong mga kilos ay magiging lubos na sumusunod din sa katotohanan. Kung ang iyong kalikasan ay napakatapat, sa gayon ang iyong mga salita ay dapat maging taos-puso at ang paraan ng iyong paggawa ng mga bagay ay dapat praktikal, nang walang labis upang ang iyong amo ay hindi mawalan ng tiwala sa iyo. Kung ang iyong kalikasan ay makamkam o sakim sa pera, sa gayon ang iyong puso ay kadalasang mapupuno ng mga bagay na ito at ikaw ay hindi sinasadyang gagawa ng ilang mga lihis, imoral na mga bagay na magiging mahirap para sa mga tao na makalimutan at bukod dito ay magiging kasuklam-suklam sa kanila. Tulad nang nasabi Ko, kung mayroon kang isang kalikasan ng pagkakanulo sa gayon nahihirapan kang pakawalan ang iyong sarili mula dito. Huwag magtiwala sa swerte na kayo ay walang kalikasan ng pagkakanulo dahil lamang sa hindi kayo nagkasala sa sinuman. Kung ganoon ang iyong iniisip sa gayon ikaw ay masyadong kasuklam-suklam. Ang mga salita na nabigkas Ko sa bawat oras ay nakatudla sa lahat ng mga tao, hindi lamang sa isang tao o isang uri ng tao. Dahil lamang hindi mo Ako ipinagkanulo sa isang bagay ay hindi nagpapatunay na hindi mo maaaring ipagkanulo Ako sa lahat ng bagay. Ang ilang mga tao ay nawawala ang kanilang tiwala sa paghahanap ng katotohanan sa panahon ng mga kabiguan sa kanilang pagsasamang mag-asawa. Ang ilang mga tao ay nawawala ang kanilang obligasyon na maging tapat sa Akin sa panahon ng pagkasira ng isang pamilya. Ang ilang mga tao ay inabandona Ako alang-alang sa paghahanap sa isang sandali ng kagalakan at katuwaan. Ang ilang mga tao ay mas gugustuhin na mahulog sa isang madilim na bangin kaysa mabuhay sa liwanag at matamo ang kaluguran ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang ilang mga tao ay di-pinapansin ang payo ng mga kaibigan alang-alang sa pagbibigay-kasiyahan sa kanilang pagnanasa sa kayamanan, at kahit na ngayon ay hindi maaaring kilalanin ang kanilang mga pagkakamali at manumbalik. Ang ilang mga tao ay pansamantalang naninirahan lamang sa ilalim ng Aking pangalan upang matanggap ang Aking proteksiyon, habang ang iba ay naglalaan lamang ng kaunti sapagkat sila ay kumakapit sa buhay at takot sa kamatayan. Hindi ba ang mga ito at iba pang mga imoral at higit pa na di-kagalang-galang na mga kilos ay mga pag-uugali lamang na kung saan ang mga tao ay matagal nang ipinagkanulo Ako sa kailaliman ng kanilang mga puso? Siyempre, alam Ko na ang pagkakanulo ng mga tao ay hindi patiunang binalak, ngunit ito ay isang natural na pagbubunyag ng kanilang kalikasan. Walang sinuman ang nagnanais na ipagkanulo Ako, at bukod dito, walang sinuman ang masaya sapagkat gumawa sila ng isang bagay upang ipagkanulo Ako. Sa kabaligtaran, sila ay nanginginig na may takot, tama ba? Kaya nga kayo ba ay nag-iisip kung paano ninyo matutubos ang mga pagkakanulong ito, at kung paano ninyo maaaring baguhin ang kasalukuyang kalagayan?

Mga talababa:

a. Isang kasabihang Tsino, ang literal na kahulugan nito ay "mga tulisan

na umookupa sa mga bundok at ipinapahayag ang kanilang mga sarili bilang

mga hari."

mula sa "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao"


      Ang pinagmulan: "Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (1)"

      Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

      Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento