Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kabanata 7
Ang pagpapataas ng mga kapaligirang nakapalibot sa atin ay nagpapabilis sa ating pag-urong tungo sa espiritu. Huwag kang hahakbang nang may matigas na puso, huwag mong ipagwawalang-bahala kung ang Banal na Espiritu ay nag-aalala o hindi, huwag mong susubukang maging matalas at huwag maging kampante at puno-ng-sarili o masyadong pahalagahan ang iyong sariling mga paghihirap; ang tanging bagay lamang na dapat gawin ay ang sambahin ang Diyos sa espiritu at katotohanan.
Hindi mo maaring kalimutan ang mga salita ng Diyos o magbingi-bingihan sa mga ito; dapat mong maingat na pag-aralan ang mga ito, ulitin ang iyong pagbasa-dalangin, at tarukin ang buhay sa loob ng mga salita. Huwag kang magsasayang ng panahon sa paglunok sa mga iyon nang hindi binibigyan ang iyong sarili ng panahon upang unawain ang mga iyon. Nananalig ka ba sa mga salita ng Diyos sa lahat nang iyong ginagawa? Huwag kang magyabang na parang isang bata at pagkatapos ay hayaang maging magulo ang lahat kapag may anumang bagay na lumitaw. Dapat mong sanayin ang iyong espiritu bawa’t oras sa bawa’t araw, huwag magpapahinga kahit isang saglit. Dapat kang magkaroon ng isang matalas na espiritu. Kahit na sino o ano pa ang iyong makatagpo, kung lalapit ka sa Diyos magkakaroon ka ng isang landas na susundan. Dapat kang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos araw-araw, pag-aralan ang Kanyang mga salita nang hindi nagpapabayĆ¢, dagdagan ang pagsisikap, unawain mo ito hanggang sa kaliit-liitang detalye at sangkapan mo ang iyong sarili ng buong katotohanan upang maiwasan ang maling-pagkaunawa sa kalooban ng Diyos. Dapat mong lawakan ang sakop ng iyong karanasan at tumuon sa pagdanas ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng karanasan makakaya mo na higit na maging tiyak tungkol sa Diyos; kung walang karanasan, ang pagsasabi na ikaw ay tiyak tungkol sa Kanya ay mga hungkag na pananalita lamang. Dapat maging malinaw ang ating pag-iisip! Gising! Huwag ka nang maging maluwag pa; kung ginagawa mo ang mga bagay-bagay sa isang paraang may katamaran at hindi nagsisikap para umunlad, kung gayon ikaw ay talagang napaka-bulag. Dapat kang tumuon sa gawain ng Banal na Espiritu, makinig nang maingat sa tinig ng Banal na Espiritu, buksan ang iyong mga tainga sa mga salita ng Diyos, pahalagahan mo ang panahong natitira at bayaran kung anuman ang halaga. Ilagay mo ang iyong katigasan sa pinakamagaling na mapaggagamitan, hawakan mo nang mabuti ang susi at tumuon sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Kahit na gaano pa kabuti ang iyong magawa sa labas pagkatapos mong iwan ang mga salita ng Diyos, ang lahat ay hahantong pa rin sa wala. Ang pagsasagawa sa pamamagitan lamang ng pagsasalita ay hindi katanggap-tanggap sa Diyos—ang pagbabago ay dapat na makita sa iyong pagkilos, disposisyon, pananampalataya, lakas-ng-loob at panloob-na-pananaw.
Ang panahon ay napakalapit na! Kahit na gaano pa kabuti ang mga bagay ng sanlibutan, ang lahat ng mga iyon ay dapat na maisantabi! Ang maraming mga paghihirap at mga panganib ay hindi makapagpapahina sa ating loob, kahit pa ang langit na bumabagsak ay hindi makagigimbal sa atin. Kung wala ang ganitong uri ng resolusyon ito ay basta magiging napakahirap para sa iyo na maging isang taong may kahalagahan. Yaong mga mahihina-ang-loob at lubhang sabik na kumakapit sa buhay ay hindi karapat-dapat na tumayo sa harap ng Diyos.
Ang Makapangyarihang Diyos ay isang praktikal na Diyos. Kahit na gaano pa tayo ka-mangmang, Siya ay maaawa pa rin sa atin, ang Kanyang mga kamay ay tiyak na magliligtas sa atin at gagawin pa rin Niya tayong ganap. Hanggang mayroon tayong isang puso na tunay na nagnanais sa Diyos, hanggang tayo ay sumusunod nang malapit sa Kanya at hindi nasisiraan ng loob, at tayo ay naghahanap na may damdamin nang pagmamadali, kung gayon tunay na tunay na hindi Niya tatratuhin ang sino man sa atin nang hindi-patas, tiyak na pupunuan Niya yaong kulang sa atin at bibigyang-kasiyahan Niya tayo—ang lahat nang ito ay ang kabaitan ng Makapangyarihang Diyos.
Kung ang isa ay matakaw at tamad, namumuhay nang busog at tamad at walang-pakialam sa lahat ng bagay, sila ay mahihirapang umiwas sa pagdurusa at kawalan. Ang Makapangyarihang Diyos ay sumasakop sa lahat ng mga bagay at mga nilalang! Hanggang ang ating mga puso ay tumitingin sa Kanya sa lahat nang sandali at tayo ay pumapasok tungo sa espiritu at nakikisama sa Kanya, kung gayon ay ipakikita Niya sa atin ang lahat ng mga bagay na ating hinahanap at ang Kanyang kalooban ay tiyak na mabubunyag sa atin; ang ating mga puso kung gayon ay magkakaroon ng kagalakan at kapayapaan, matatag at may perpektong kalinawan. Ito ay napakahalaga para sa iyo na makayang humakbang nang naaayon sa Kanyang mga salita; ang makayang tarukin ang Kanyang kalooban at mabuhay nang nananalig sa Kanyang mga salita — ito lamang ang tunay na karanasan.
Sa pamamagitan lamang ng pag-unawa sa mga salita ng Diyos ang katotohanan ng mga salita ng Diyos ay makapapasok sa atin at magiging buhay natin. Kung walang anumang praktikal na karanasan, paano ka makapapasok sa realidad ng mga salita ng Diyos? Kung hindi mo matanggap ang mga salita ng Diyos bilang iyong buhay kung gayon ang iyong disposisyon ay hindi rin kayang mabago.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan: Kabanata 7
Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento