Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII
(I) Isang Pangkalahatang-Ideya sa Awtoridad ng Diyos, Ang matuwid na Disposisyon ng Diyos, at Kabanalan ng Diyos Kapag natapos na ninyo ang mga panalangin, nakadarama ba ng kapanatagan ang inyong mga puso sa harap ng Diyos? (Oo.) Kung ang puso ng isang tao ay maaaring maging panatag, maaari na nilang marinig at maintindihan ang salita ng Diyos at maaari na nilang marinig at maintindihan ang katotohanan. Kung ang iyong puso ay hindi mapanatag, kung ang puso mo ay laging naguguluhan, o laging nag-iisip ng ibang mga bagay, makaaapekto ito sa iyong pagsama upang makinig sa salita ng Diyos. Kaya, ano ang ipinahihiwatig ng tinatalakay natin sa oras na ito? Bumalik lang tayo nang kaunti sa pangunahing punto. Tungkol sa pagkilala sa Diyos Mismo, ang natatangi, ano ang unang bahagi na ating tinalakay? (Awtoridad ng Diyos.) Ano ang ikalawa? (Ang matuwid na disposisyon ng Diyos.) At ang ikatlo? (Ang kabanalan ng Diyos.) Ilang beses na nating tinalakay ang awtoridad ng Diyos? Nag-iwan ba ito sa inyo ng impresyon? (Dalawang beses.) Paano naman ang matuwid na disposisyon ng Diyos? (Isang beses.) Ang ilang beses nating pagtalakay sa kabanalan ng Diyos ay nakapag-iwan marahil ng impresyon sa inyo, ngunit nag-iwan ba ng impresyon sa inyo ang partikular na paksa na tinalakay natin sa bawat pagkakataon? Sa unang bahagi ng “Ang awtoridad ng Diyos,” ano ang nag-iwan ng malalim na impresyon sa inyo, anong bahagi ang nagkaroon ng pinakamalaking epekto sa inyo? (Ang awtoridad ng salita ng Diyos at ang Diyos bilang Namumuno sa lahat ng bagay.) Pag-usapan ang mga pinakamahalagang punto. (Una, ipinabatid ng Diyos ang awtoridad at ang kapangyarihan ng salita ng Diyos; kasimbuti ng Diyos ang Kanyang salita at ang Kanyang salita ay magkakatotoo. Ito ang pinakadiwa ng Diyos.) (Ang awtoridad ng Diyos ay nakasalalay sa Kanyang paglikha ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng nakapaloob rito. Walang sinuman ang makapagpapabago sa awtoridad ng Diyos. Ang Diyos ang namumuno sa lahat ng bagay at pinamamahalaan Niya ang lahat ng bagay.) (Ginagamit ng Diyos ang bahaghari at ang mga tipan sa tao.) Ito ang partikular na paksa. Mayroon pa bang iba? (Iniutos ng Diyos kay Satanas na maaari nitong tuksuhin si Job, subalit hindi maaaring kunin ang kanyang buhay. Mula rito makikita natin ang awtoridad ng salita ng Diyos.) Ito ang pagkaunawa na inyong natamo matapos mapakinggan ang pagsasamahan, tama? Mayroon bang iba pa na idaragdag? (Pangunahin nating tinatanggap na kinakatawan ng awtoridad ng Diyos ang natatanging katayuan at kalagayan ng Diyos, at walang sinuman sa mga nilikha o hindi nilikhang nilalang ang maaaring magtaglay ng Kanyang awtoridad.) (Nagsasalita ang Diyos upang gumawa ng tipan sa tao at nagsasalita Siya upang ihayag ang Kanyang mga pagpapala sa tao, lahat ng ito ay mga halimbawa ng awtoridad ng salita ng Diyos.) (Nakikita natin ang awtoridad ng Diyos sa pagkalikha ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng Kanyang salita, at mula sa Diyos na nagkatawang-tao nakikita natin na ang Kanyang salita ay tinataglay rin ang awtoridad ng Diyos, ang mga ito ay parehong simbolo ng pagiging natatangi ng Diyos. Makikita natin nang utusan ni Jesus si Lazaro na maglakad palabas ng kanyang puntod: na ang buhay at kamatayan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos, kung saan si Satanas ay walang kapangyarihan na pumigil, at maging ang gawain ng Diyos ay isinagawa man sa laman o sa Espiritu, ang Kanyang awtoridad ay natatangi.) May iba pa ba kayong idaragdag? (Makikita natin na ang anim na sugpungan ng buhay ay idinidikta ng Diyos.) Magaling! Ano pa? (Ang mga pagpapala ng Diyos sa tao ay kumakatawan din sa Kanyang awtoridad.) Kapag pinag-uusapan natin ang awtoridad ng Diyos, ano ang inyong pagkaunawa sa salitang “awtoridad”? Sa loob ng saklaw ng awtoridad ng Diyos, sa ginagawa at inihahayag ng Diyos, ano ang nakikita ng mga tao? (Nakikita namin ang pagiging makapangyarihan at karunungan ng Diyos.) (Nakikita namin na ang awtoridad ng Diyos ay laging naroroon at na ito ay tunay, tunay na umiiral.) (Nakikita namin ang awtoridad ng Diyos sa malawak na proporsyon sa Kanyang dominyon sa daigdig, at nakikita namin sa maliit na sukat habang pinamamahalaan Niya ang buhay ng tao. Mula sa anim na sugpungan ng buhay nakikita namin na talagang pinaplano ng Diyos at pinamamahalaan ang bawat aspeto ng aming mga buhay.) (Dagdag pa, nakikita namin na ang awtoridad ng Diyos ay kumakatawan sa Diyos Mismo, ang natatangi, at walang sinuman sa mga nilikha at hindi nilikhang nilalang ang maaaring magtaglay nito. Ang awtoridad ng Diyos ay sumisimbolo sa Kanyang katayuan.) “Mga simbolo ng katayuan ng Diyos at kalagayan ng Diyos,” tila mayroon kayong doktrinal na kaalaman sa mga salitang ito. Ano ang katanungan na katatanong ko lang sa inyo, maaari ba ninyo itong ulitin? (Sa ginagawa at inihahayag ng Diyos, ano ang ating nakikita?) Ano ang inyong nakikita? Maaari kaya na ang nakikita lang ninyo ay ang awtoridad ng Diyos? Naramdaman din ba ninyo ang awtoridad ng Diyos? (Nakikita namin ang realidad ng Diyos, ang pagiging totoo ng Diyos, ang pagiging tapat ng Diyos.) (Nakikita namin ang karunungan ng Diyos.) Ang pagiging tapat ng Diyos, ang pagiging totoo ng Diyos, at ang sinasabi ng ilan na karunungan ng Diyos. Ano pa ang narooon? (Ang walang hanggang kapangyarihan ng Diyos.) (Pagkakita sa pagkamatuwid at kabutihan ng Diyos.) Hindi pa rin ninyo gaanong nakukuha, kaya mag-isip pa nang konti. (Ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay inihahayag at nasasalamin sa Kanyang pagkontrol, pangunguna, at pamamahala sa sangkatauhan. Ito ay tunay na tunay at totoo. Palagi Niyang ginagawa ang Kanyang gawain at walang sinuman sa mga nilikha o hindi nilikhang nilalang ang maaaring magtaglay ng awtoridad at kapangyarihang ito.) Tumitingin ba kayong lahat sa inyong mga itinala? Mayroon ba talaga kayong anumang kaalaman sa awtoridad ng Diyos? Naiintindihan ba talaga ninuman sa inyo ang Kanyang awtoridad? (Binabantayan kami ng Diyos at pinangangalagaan kami mula noong kami ay mga bata pa, at nakikita namin ang awtoridad ng Diyos sa gayon. Hindi namin palaging naintindihan ang mga sitwasyong nangyayari sa amin, ngunit palagi kaming pinangangalagaan ng Diyos nang lihim; ito rin ay awtoridad ng Diyos.) Magaling, mahusay ang pagkakasabi!
Kapag pinag-uusapan natin ang awtoridad ng Diyos, nasaan ang pokus, ang pangunahing punto? Bakit kailangan pa nating pag-usapan ang paksang ito? Una, upang maiintindihan ng mga tao, upang makita, at upang madama ang awtoridad ng Diyos. Ang iyong nakikita at ang iyong nadarama ay mula sa mga pagkilos ng Diyos, mga salita ng Diyos, at ang pamamahala ng Diyos sa daigdig. Kaya, ang lahat ng nakikita ng tao sa pamamagitan ng awtoridad ng Diyos, lahat ng kanilang natututunan sa pamamagitan ng awtoridad ng Diyos, o anumang nalalaman nila sa pamamagitan ng awtoridad ng Diyos, anong tunay na kaalaman ang natatamo mula sa mga ito? Una, ang layunin sa pagtalakay ng paksang ito ay upang maitatag ng mga tao ang kalagayan ng Diyos biulang Manlilikha at ang Kanyang katayuan sa gitna ng lahat ng bagay. Ikalawa, kapag nakita ng mga tao ang lahat ng nagawa ng Diyos at sinabi at pinamahalaan sa pamamagitan ng Kanyang awtoridad, magbibigay-daan ito sa kanila upang makita ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. Magbibigay-daan ito sa kanila upang makita ang dakilang kapangyarihan ng Diyos upang pamahalaan ang lahat ng bagay at kung gaano Siya katalino habang isinasagawa Niya ito. Hindi ba ito ang pokus at ang pangunahing punto ng natatanging awtoridad ng Diyos na tinalakay natin noong una? Di pa gaanong nagtatagal gayunman nakalimutan na ito ng ilan, na nagpapatunay na hindi pa ninyo lubos na nauunawaan ang awtoridad ng Diyos; maaari pang masabi ng isang tao na hindi pa ninyo nakita ang awtoridad ng Diyos. Nauunawaan na ba ninyo ito ngayon nang bahagya? Kapag nakita mo ang awtoridad ng Diyos sa pagkilos, ano ang tunay mong mararamdaman? Tunay mo bang naramdaman ang kapangyarihan ng Diyos? (Naramdaman namin.) Kapag binasa mo ang mga salita ng Diyos tungkol sa Kanyang paglikha sa daigdig madarama mo ang Kanyang kapangyarihan, nadarama mo ang Kanyang pagiging makapangyarihan. Kapag nakita mo ang dominyon ng Diyos sa kapalaran ng mga tao, ano ang iyong madarama? Nadarama mo ba ang Kanyang kapangyarihan at Kanyang karunungan? (Nadarama namin.) Kung hindi tinaglay ng Diyos ang kapangyarihang ito, kung Hindi Niya tinaglay ang karunungang ito, magiging karapat-dapat ba Siyang magkaroon ng dominyon sa daigdig at magkaroon ng dominyon sa kapalaran ng mga tao? (Hindi.) Kung ang sinuman ay walang kakayahan na gawin ang kanyang trabaho, hindi nagtataglay ng kinakailangang mga lakas at kapos sa angkop na mga kasanayan at kaalaman, magiging karapat-dapat ba sila sa kanilang trabaho? Tiyak na sila ay hindi magiging karapat-dapat; ang posibilidad na makagawa ang isang tao ng dakilang mga bagay ay batay sa kung gaano kadakila ang kanilang mga kakayahan. Tinataglay ng Diyos ang gayong kapangyarihan gayundin ang karunungan, at kaya taglay Niya ang awtoridad; ito ay natatangi. Nakakilala ka na ba kailanman ng isang nilikha o isang tao sa daigdig na nagtataglay ng kaparehong kapangyarihan na mayroon ang Diyos? Mayroon bang sinuman o anuman na may kapangyarihang malikha ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay gayundin ang pigilan at magkaroon ng dominyon sa kanila? Mayroon bang sinuman o anuman na maaaring mamuno at pangunahan ang buong sangkatauhan at maging parehong laging-naroroon at nasa lahat ng dako? (Wala, walang ganon.) Naiintindihan na ba ninyo ngayon ang tunay na kahulugan ng lahat ng kaakibat ng natatanging awtoridad ng Diyos? Mayroon ba kayong ilang pagkaunawa? (Oo mayroon.) Nabalikan na natin ang mga puntong na sumasaklaw sa natatanging awtoridad ng Diyos. Ano ang ikalawang bahagi na ating napag-usapan? (Ang matuwid na disposisyon ng Diyos.) Hindi natin tinalakay ang maraming bagay tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Bakit ganoon? May isang dahilan para rito: Ang paghatol at pagkastigo ay pangunahin sa gawain ng Diyos sa yugtong ito. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay malinaw na naihayag sa Kapanahunan ng Kaharian, pinaka-partikular. Nasabi Niya ang mga salita na hindi pa Niya kailanman nasabi mula sa panahon ng paglikha; at sa Kanyang mga salita ang lahat ng mga tao, lahat niyaong nakakita sa Kanyang salita, at ang lahat ng nakaranas sa Kanyang salita ay nakakita sa pagkahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon. Tama? Kung gayon ano ang pangunahing punto ng ating tinatalakay tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos? Nakabuo na ba kayo ng malalim na pang-unawa sa inyong natutunan? Nakapagtamo na ba kayo ng pagkaunawa mula sa alinman sa inyong mga karanasan? (Ang pagsunog ng Diyos sa Sodoma ay dahil sa ang mga tao sa panahong iyon ay naging napakasama at dahil doon nag-alab ang galit ng Diyos. Dahil dito kaya natin nakikita ang matuwid na disposisyon ng Diyos.) Una, tingnan natin: Kung hindi winasak ng Diyos ang Sodoma, maaari mo kayang malaman ang ukol sa Kanyang matuwid na disposisyon? Maaari mo pa rin namang malaman. Tama? Makikita mo ito sa mga salita na Kanyang ipinahayag sa Kapanahunan ng Kaharian, at sa pamamagitan din ng Kanyang paghatol, pagkastigo, at mga sumpa ay iniumang laban sa tao. Nakikita ba ninyo ang matuwid na disposisyon ng Diyos mula sa Kanyang pagliligtas sa Nineveh? (Oo nakikita namin.) Sa panahong ito, nakikita mo ang isang bagay sa habag ng Diyos, pagmamahal, at pagpapaubaya. Nakikita mo ito kapag nagsisisi ang mga tao at nagbabago ang damdamin ng Diyos tungo sa kanila. Gamit ang dalawang halimbawa na ito bilang saligan upang talakayin ang matuwid na katangian ng Diyos, ito ay makikita nang napakalinaw na ang Kanyang matuwid na disposisyon ay naihayag. Gayunpaman, sa realidad hindi ito limitado sa kung ano ang naitala sa dalawang kuwentong ito ng Biblia. Mula sa kung ano ang inyong natutuhan ngayon at nakita sa pamamagitan ng salita ng Diyos at ng Kanyang gawain, mula sa inyong kasalukuyang karanasan sa kanila, ano ang matuwid na disposisyon ng Diyos? Tumalakay mula sa inyong sariling mga karanasan. (Sa mga kapaligiran na nilikha ng Diyos para sa mga tao, kapag nagawa nilang mahanap ang katotohanan at kumilos sa ilalim ng kalooban ng Diyos, nakikita nila ang Kanyang pag-ibig at habag. Inaalalayan sila ng Diyos, nililiwanagan sila, at hinahayaan silang madama ang ilaw sa loob nila. Kapag kinakalaban ng mga tao ang Diyos at tinututulan Siya at sinasalungat ang Kanyang kalooban, may kadiliman sa loob nila, na parang pinabayaan sila ng Diyos. Mula rito ay naranasan natin ang kabanalan ng matuwid na disposisyon ng Diyos; Ang Diyos ay nagpapakita sa banal na kaharian at Siya ay nakatago sa mga lugar na marumi.) (Mula sa ating mga karanasan nakikita natin ang matuwid na disposisyon ng Diyos sa gawain ng Banal na Espiritu. Kapag tayo ay walang kibo, o kahit salungatin at kalabanin ang Diyos, ang Banal na Espiritu ay naroroon, nakatago at walang ginagawang pagkilos. May mga pagkakataon na nananalangin tayo at hindi natin madama ang Diyos, o kahit nananalangin tayo at hindi alam kung ano ang sasabihin sa Kanya, ngunit kapag ang kalagayan ng isang tao ay nagbabago at pumapayag na silang makipagtulungan sa Diyos at isasantabi ang kanilang sariling mga paniwala at mga imahinasyon at magsikap na humusay, ang palangiting mukha ng Diyos ay dito na magsisimulang makikita nang unti-unti.) May iba pa ba kayong idaragdag? (Ang Diyos ay nagtatago kapag pinagtataksilan Siya ng tao at ipagwawalang-bahala Niya ang tao.) (Nakikita ko ang matuwid na disposisyon ng Diyos sa paraan ng Kanyang pagtrato sa tao. Ang ating mga kapatid ay nagkakaiba sa tayog at kakayahan, at kung ano ang hinihingi ng Diyos mula sa bawat isa sa atin ay magkakaiba din naman. Natatanggap natin ang pagliliwanag ng Diyos sa magkakaibang antas, at sa paraang ito nakikita ko ang pagkamatuwid ng Diyos. Ito ay dahil sa hindi kayang tratuhin ng tao ang tao sa ganito kaparehong paraan, Diyos lamang ang makagagawa nito.) Mm, kayong lahat ay nagsalita ng ilang praktikal na kaalaman. Naiintindihan ba ninyo ang pangunahing punto tungkol sa pag-alam sa matuwid na disposisyon ng Diyos? Ukol rito, ang tao ay maaaring mayroong maraming mga salita mula sa karanasan, ngunit kakaunti lamang ang mga pangunahing punto na aking sasabihin sa inyo. Upang maunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos, kailangang maunawaan muna ng isang tao ang mga damdamin ng Diyos: ano ang Kanyang kinamumuhian, ano ang Kanyang kinasusuklaman, ano ang Kanyang iniibig, sino ang Kanyang tinutulutan, kanino Siya mahabagin, at anong uri ng tao ang nakatatanggap ng habag na iyon. Ito ay isang mahalagang punto na dapat malaman. Dagdag pa, dapat malaman ng tao na gaano man ang pagiging mapagmahal ng Diyos, gaano man karami ang habag at pagmamahal mayroon Siya para sa mga tao, hindi tinutulutan ng Diyos ang sinuman na saktan ang Kanyang katayuan at kalagayan, ni hindi tutulutan ang sinuman na saktan ang Kanyang dignidad. Kahit na iniibig ng Diyos ang mga tao, hindi Niya sila kinukunsinti. Ibinibigay Niya sa mga tao ang Kanyang pagmamahal, ang Kanyang habag, at Kanyang pagpapaubaya, ngunit hindi Siya kailanman nagsulsol sa kanila; Mayroon Siyang Kanyang mga prisipyo at Kanyang mga hangganan. Gaano man kalawak ang naramdaman mong pagmamahal sa iyo ng Diyos, gaano man kalalim ang pagmamahal na iyon, hindi mo dapat tratuhin ang Diyos sa paraang tatratuhin mo ang isa pang tao. Bagamat totoo na itinuturing ng Diyos ang mga tao na malapit sa Kanya, kung tinatanaw ng isang tao ang Diyos bilang isang tao, na parang Siya ay isa lamang katauhan sa paglikha, gaya ng isang kaibigan o isang bagay ng pagsamba, itatago ng Diyos ang Kanyang mukha sa kanila at pababayaan sila. Ito ang Kanyang disposisyon, at hindi Niya tinutulutan ang sinuman na tatratuhin Siya nang basta-basta lang sa isyung ito. Kaya ito ang palaging sinasabi ng disposisyon ng Diyos sa Kanyang Salita: Hindi alintana gaano man karami ang mga daan na iyong nilakbay, gaano man karami ang gawain na iyong ginawa o gaano man karami ang iyong tiniis para sa Diyos, sa sandaling magkasala sa disposisyon ng Diyos, gagantihan Niya ang bawat isa sa inyo batay sa inyong ginawa. Nakita ninyo ito? (Oo, nakita namin.) Nakita mo ito, tama? Ibig sabihin nito ay maaaring ituring ng Diyos ang mga tao bilang malapit sa Kanya, ngunit hindi dapat ituring ng mga tao ang Diyos bilang isang kaibigan o isang kaanak. Huwag mong ibilang ang Diyos bilang kaibigan. Gaano man karami ang pagmamahal na natanggap mo mula sa Kanya, gaaano man karami ang pagpapaubaya ang ibinigay Niya sa iyo, hindi mo dapat kailanman ituring ang Diyos bilang isang kaibigan lamang. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Naiintindihan ninyo, tama? (Oo.) Kailangan Ko pa bang magsalita tungkol rito? Wala ka bang naunang pagkaunawa sa bagay na ito? Sa karaniwan pananalita, ito ang pinakamadaling pagkakamali ng mga tao hindi alintana kung naiintindihan nila ang mga doktrina, o kung wala silang naisip tungkol rito noong una. Kapag nagkasala ang mga tao sa Diyos, maaaring ito ay hindi lamang dahil sa isang pangyayari, o isang bagay na kanilang sinabi, ngunit sa halip sanhi ng saloobin na kanilang pinanghahawakan at isang katayuan na kinapapalooban. Ito ay isang bagay na totoong nakatatakot. Naniniwala ang ilang tao na mayroon silang pagkaunawa sa Diyos, na kilala nila Siya, maaaring makagawa pa sila ng ilang bagay na makasisiya sa Diyos. Nagsisimula na nilang madama na sila ay kapantay ng Diyos at buong pagmamagaling na sila’y naging mga kaibigan ng Diyos. Ang mga ganitong uri ng damdamin ay masyadong mali. Kung wala kang malalim na pagkaunawa ukol dito, kung hindi mo malinaw na nauunawaan ito, napakadali kung gayon na magkasala sa Diyos at magkasala sa Kanyang matuwid na disposisyon. Naiintindihan niyo na ito ngayon, tama? (Oo.) Hindi ba natatangi ang matuwid na disposisyon ng Diyos? Ito ba ay kapantay ng katauhan ng sangkatauhan? Ito ba ay kapantay ng pansariling mga katangian ng tao? Hindi kailanman, tama? (Oo.) Kaya, hindi mo dapat malimutan na paano man tratuhin ng Diyos ang mga tao, anuman ang pagtingin Niya sa mga tao, ang kalagayan, awtoridad, at katayuan ng Diyos ay hindi kailanman magbabago. Para sa sangkatauhan, ang Diyos ay palagi ang Panginoon ng lahat at ang Maylalang! Naiintindihan ninyo, tama? (Oo.) Ano ang natutunan ninyo tungkol sa kabanalan ng Diyos? Maliban sa pagiging-kabaligtaran ng kasamaan ni Satanas, ano ang pangunahing paksa sa pagtalakay sa kabanalan ng Diyos? Hindi ba ito ang kung anong mayroon at kung ano ang Diyos? Ang kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay natatangi sa Diyos Mismo? (Oo.) Wala sa Kanyang mga nilikha ang mayroon nito, kaya sinasabi natin na ang kabanalan ng Diyos ay natatangi, na isang bagay na maaari ninyong matutunan. Nagkaroon tayo ng tatlong pagtitipon ukol sa kabanalan ng Diyos. Maaari ba ninyong isalarawan sa inyong sariling mga pangungusap, sa inyong sariling pagkaunawa, ano ang inyong paniniwala sa kabanalan ng Diyos? (Nang huling makipagniig sa atin ang Diyos gumawa tayo ng isang bagay: Tayo ay yumukod sa harap Niya. Narinig natin kung Saan siya nakatindig at nakita natin na tayo ay hindi nakaabot sa Kanyang mga kinakailangan; ang ating maalab na pagyukod sa harap ng Diyos ay hindi sang-ayon sa kalooban ng Diyos at mula rito nakita natin ang kabanalan ng Diyos.) Totoong-totoo, tama? Mayroon pa bang iba? (Sa salita ng Diyos sa sangkatauhan, nakikita natin na Siya ay nangungusap nang simple at malinaw, Siya ay prangka. Paliguy-ligoy kung mangusap si Satanas at ito ay puno ng kasinungalingan. Sa nangyari sa atin noong huli nang tayo ay nagpatirapa sa harap ng Diyos, nakita natin na ang Kanyang mga salita at ang Kanyang mga pagkilos ay laging may prinsipyo. Siya ay palaging klaro at maigsi ngunit malinaw kapag sinasabi Niya kung paano tayo dapat umakto, kung ano ang dapat nating sundin, at kung paano tayo dapat gumawa ng pagkilos. Ngunit ang mga tao ay hindi ganito; pagkatapos pasamain ni Satanas ang tao, hinangad ng mga tao na makamtan ang kanilang sariling personal na mga layunin at ang kanilang sariling personal na mga hangarin sa kanilang mga pagkilos at mga salita. Mula sa paraan ng pag-aalaga ng Diyos sa sangkatauhan, mula sa pag-aaruga at pag-iingat na ibinibigay Niya sa kanila, nakikita natin na ang lahat ng ginawa ng Diyos ay positibo, ito ay sobrang linaw. Sa ganitong paraan natin nakikita ang pagbubunyag ng pinakadiwa ng kabanalan ng Diyos.) Mahusay! May maidadagdag ba ang sinuman dito? (Makikita natin ang kabanalan ng Diyos nang Kanyang ibunyag ang kasamaan ni Satanas at sa sandaling ipakita sa atin ng Diyos ang pinakadiwa nito makabubuting alamin natin ito at mauunawaan natin ang pinagmumulan ng lahat ng pagdurusa ng sangkatauhan. Sa nakaraan, wala tayong alam sa pagdurusa sa ilalim ng sakop ni Satanas. Noon lamang nang ihayag ito ng Diyos saka pa lang natin nalaman ang lahat ng pagdurusa dulot ng paghahangad sa katanyagan at kayamanan ay nilikha lahat ni Satanas. Sa pamamagitan lamang nito natin madadama na ang kabanalan ng Diyos ay ang tunay na kaligtasan ng sangkatauhan. Higit pa rito, inihahanda ng Diyos ang mga kakailanganin para makapagtamo tayo ng kaligtasan; bagaman hindi Niya itinulot na maisilang tayo sa isang mayaman na pamilya, tiniyak Niya na tayo ay maisilang sa isang angkop na pamilya at sa isang angkop na kapaligiran. At saka hindi Niya hinayaang danasin natin ang pananakit at pang-aapi ni Satanas, upang matamo natin ang mga kondisyon, magkaroon ng normal na pagtingin, at normal na pag-iisip sa pagtanggap sa kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw. Sa lahat ng ito nakikita din natin ang katumpakan ng mga plano ng Diyos, ang Kanyang mga pagsasaayos, at kung papaano Niya isagawa ang mga ito. Nakikita nating mabuti ang detalyadong gawain ng Diyos sa pagliigtas Niya sa atin sa impluwensya ni Satanas at nakikita natin ang kabanalan ng Diyos at ang Kanyang pagmamahal sa sangkatauhan.) Mayroon pa bang idadagdag doon? (Sapagkat hindi natin naiintindihan ang diwa ng kabanalan ng Diyos, ang ating pagpapatirapa sa Kanya sa pagsamba ay winalang kabuluhan, may lihim na motibo at sinasadya, na nagpapalungkot sa Diyos. Mula rito ay nakikita din natin ang kabanalan ng Diyos. Ang Diyos ay lubos na kaiba kay Satanas; Hangad ni Satanas na ibigin at purihin siya at sambahin siya ng mga tao. Si Satanas ay walang prinsipyo.) Magaling! Mula sa ating napag-usapan tungkol sa kabanalan ng Diyos, nakita ba ninyo ang pagiging perpekto ng Diyos? (Nakikita namin.) Ano pa ang inyong nakikita? Nakikita ba ninyo kung paanong ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng mga positibong bagay? Nakikita ba ninyo na ang Diyos ang sagisag ng katotohanan at katarungan? Nakikita ba ninyo kung paanong ang Diyos ang pinagmumulan ng pag-ibig? Nakikita ba ninyo ang lahat ng ginawa ng Diyos, ang lahat ng Kanyang inihasik, at lahat ng Kanyang inihayag ay walang paltos? (Nakikita namin ito.) Ang lahat ng halimbawang ito ay mga pangunahing punto tungkol sa kabanalan ng Diyos na Aking sinasabi. Maaaring ngayon ang mga salitang ito ay mga doktrina lamang sa inyo, ngunit isang araw kapag naranasan at nasaksihan niyo ang Diyos Mismo mula sa Kanyang salita o Kanyang gawain, masasabi niyo mula sa inyong puso mismo na ang Diyos ay banal, na ang Diyos ay naiiba sa sangkatauhan, at na ang Kanyang puso ay banal at ang Kanyang disposisyon ay banal, at ang Kanyang diwa ay banal. Ang kabanalang ito ang nagbibigay-daan sa tao na makita ang Kanyang pagiging ganap at nagbibigay-daan din sa tao upang makita na ang pinakadiwa ng kabanalan ng Diyos ay dalisay. Ang diwa ng Kanyang kabanalan ang nagpapasiya na Siya ang natatanging Diyos Mismo, at ito ay ipinakikita sa tao, at nagpapatunay na siya ang natatanging Diyos Mismo. Hindi ba ito ang pangunahing punto? (Ito nga.) Nakagawa tayo ngayon ng buod sa ilang mga bahagi ng paksa mula sa ating nakaraang mga pagtitipon. Tatapusin natin ang ating buod dito. Umaasa Ako na isasapuso ninyong lahat ang pangunahing mga puntos ng bawat tala at paksa. Huwag basta isipin bilang mga doktrina ang mga ito; pakabasahin ninyo ang mga ito at subuking unawain ang mga ito kapag mayroon kayong oras. Isapuso ninyo ang mga ito at isagawa ang mga ito at tunay mong matututuhan ang lahat ng Aking sinabi tungkol sa tunay na pagbunyag ng disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Gayunman, hindi mo kailanman maiintindihan ang mga ito kung itatala mo lang ang mga ito at hindi babasahing mabuti at pag-iisipan ang mga ito. Naiintindihan mo na ngayon, tama? Pagkatapos ipabatid ang tatlong bagay na ito, natamo na ng mga tao ang pangkalahatan—o kahit ang partikular—na pagkaunawa sa katayuan ng Diyos, sa Kanyang pinakadiwa, at sa Kanyang disposisyon. Ngunit magkakaroon ba sila ng ganap na pagkaunawa tungkol sa Diyos? (Hindi.) Ngayon, sa inyong sariling pagkaunawa ukol sa Diyos, mayroon pa bang ibang mga bahagi na kung saan dama ninyo na kailangan pa ninyo ng malalim na pagkaunawa? Iyon ay upang sabihin, pagkatapos niyong magtamo ng pagkaunawa sa awtoridad ng Diyos, ang Kanyang matuwid na disposisyon, at ang Kanyang kabanalan, marahil ay naitatag niyo na sa inyong sariling isipan ang pagkakilala sa Kanyang natatanging katayuan at kalagayan, gayunman sa pamamagitan ng inyong karanasan kailangan niyong malaman at pahalagahan ang Kanyang mga pagkilos, Kanyang kapangyarihan, ang Kanyang pinakadiwa bago kayo makapagtamo ng mas malalim na pagkaunawa. Kayo ngayon ay nakapakinig sa mga ganitong pakikipag-usap upang inyong maisapuso ang artikulong ito ng pananampalatay: Ang Diyos ay tunay na umiiiral, at isang katotohanan na inaatasan Niya ang lahat ng bagay. Hindi dapat magkasala ang sinumang tao sa Kanyang matuwid na disposisyon at ang Kanyang kabanalan ay isang katiyakan na hindi maaaring kuwestyunin ng sinumang tao. Ang mga ito ay mga katotohanan. Itinutulot ng mga pakikipag-usap na ito ang kalagayan at katayuan ng Diyos na magkaroon ng saligan sa mga puso ng mga tao. Pagkatapos na maitatag ang saligang ito, kailangang makahanap ng maraming pagkaunawa ang mga tao upang tunay na makilala ang Diyos. (II) Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng bagay Sa araw na ito ibabahagi Ko sa inyo ang tungkol sa isang bagong paksa. Ano ang magiging paksa? Ang titulo ng paksa ay "Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Bagay.” Hindi ba ito ay medyo malaking paksa upang talakayin? Para ba itong isang bagay na mahirap abutin? Ang Diyos bilang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay ay parang isang paksa na dama ng mga taong hiwalay sila, ngunit lahat ng mga taong sumusunod sa Diyos ay dapat itong maintindihan. Ito ay dahil sa ang paksang ito ay hindi maaaring mahiwalay sa bawat taong kumikilala sa Diyos, sa gayon ay mapalugod Siya, at igalang Siya. Kung gayon, ang paksang ito ay dapat maibahagi. Maaaring magkaroon ang mga tao ng isang panimulang pagkaunawa ukol sa paksang ito, o marahil ay batid ito ng ilang mga tao: Maaaring mayroon silang payak na kaalaman ukol rito sa kanilang mga puso, isang mababaw na kaalaman lamang. Maaaring ang iba ay may ilang espesyal na karanasan rito; dahil sa kanilang mga natatanging karanasan, sa kanilang mga puso ay mayroon silang malalim na kaalaman ukol dito. Ngunit maging malalim man o mababaw ang kaalamang ito, para sa inyo ito ay makasarili at hindi ganap na tiyak. Kaya, ang paksang ito ay dapat na maibahagi, ang layunin ukol rito ay upang bigyan kayo nang mas tiyak at malalim na pagkaunawa; ito ay sobrang kinakailangan. Gagamit Ako ng isang espesyal na paraan sa pakikipag-ugnayan sa inyo ukol sa paksang ito, isang paraan na hindi pa natin nagamit noong una at paraan na masasabi ninyong medyo hindi pangkaraniwan, o medyo hindi nakagiginhawa. Gayunman, pagkatapos ninyong marinig ito malalaman ninyo ito, sa kahit na anumang paraan. Gusto ba ninyo ang pakikinig sa mga kuwento? (Oo gusto namin.) Anong uri ng kuwento ang gusto ninyong marinig? Kuwento ng mga engkantada, mga pabula o mga kuwentong may halong agham at katha-katha? (Mga Pabula.) (Isang kuwento tungkol sa Diyos at sa Tao.) Mayroon bang mga kuwento tungkol sa Diyos at sa tao? (Oo.) May mga kuwento tungkol sa Diyos at sa tao na nangyayari malapit sa inyo araw-araw. Kailangan pa bang banggitin Ko ang mga ito sa inyo? Sinumang may gusto sa mga kuwento pakitaas na lang ang inyong mga kamay, at sa gayon ay makita Ko kung ilang mga tao ang may gustong makarinig ng mga kuwento. Parang tama Ako sa pagpili sa paraan ng paglalahad ng kuwento. Gusto ninyong lahat na makarinig ng mga kuwento. OK kung ganon, atin nang simulan! Hindi na ninyo kailangang isulat ito sa inyong mga talaan. Hinihingi ko na maging kalmado kayo, at huwag maglikot. Maaari niyong ipikit ang mga mata niyo kung sa tingin niyo kapag nakabukas ang mga ito'y maliligalig kayo ng iyong kapaligiran at ng mga taong nakapaligid sa inyo. Mayroon Akong isang kahanga-hangang maliit na kuwento na ilalahad sa inyo. Ito ay kuwento tungkol sa isang buto, sa lupa, sa isang puno, sa sikat ng araw, mga palaawiting ibon, at sa tao. Huwag kayong matulog. Naririnig niyo ba Ako? Ang kuwento na aking ilalahad sa inyo ay mayroong anong pangunahing mga tauhan dito? (Isang buto, ang lupa, isang puno, ang sikat ng araw, ang mga palaawiting ibon, at ang tao.) Makakasama ba ang Diyos dito? (Hindi.) Hindi ninyo ito narinig, tama? Ngunit nakatitiyak Ako na pagkatapos mailahad ang kuwento magiginhawaan kayo at makukuntento. O sige kung ganon, maaari kayong tahimik na makinig. Kuwento 1. Isang Buto, ang Lupa, Isang Puno, ang Sikat ng Araw, ang mga Palaawiting Ibon, at Tao Ang isang maliit na buto ay nalaglag sa lupa. Pagkatapos bumuhos nang napakalakas na ulan, ang buto ay umusbong nang bahagya at ang mga ugat nito ay dahan-dahang sumiksik sa ilalim ng lupa. Ang usbong ay lumaki, sinasagupa ang malalakas na hangin at ulan, nakikita ang pagpapalit ng mga panahon kagaya ng paglaki at pagliit ng buwan. Sa tag-araw, naglalabas ng regalong tubig ang lupa upang makayanan ng usbong ang nakapapasong init. At dahil sa lupa, hindi naramdaman ng usbong ang init at sa gayon ay nalampasan nito ang init sa tag-araw. Nang dumating ang taglamig, binalot ng lupa ang usbong sa kanyang mainit na yakap at kumapit sila sa isa’t isa nang mahigpit. At dahil sa init ng lupa, nalampasan ng usbong ang mapait na lamig, ligtas sa pagdaan ng malakas na hanging-taglamig at ang panahon ng pagbagsak ng niyebe. Kinanlong ng lupa, ang usbong ay lumaking matapang at naging masaya. Ito ay lumaki at tumayog mula sa walang pag-iimbot na pag-aaruga na ibinigay ng lupa. Masayang tumubo ang usbong. Ito ay kumakanta habang bumubuhos ang ulan at ito ay nagsasayaw at umiindayog habang umiihip ang hangin. At kaya, ang usbong at ang lupa ay umasa sa isa’t isa … Dumaan ang mga taon, ang usbong ay matayog na puno na ngayon. Nagkaroon ito ng matatag na mga sanga na punong-puno ng dahon at nakatayong matatag sa ibabaw ng lupa. Ang mga ugat ng puno ay humukay sa ilalim ng lupa kagaya noong una, ngunit ngayon ay sumisid sila nang napakalalim sa lupa. Ang minsang nagprotekta sa usbong ay isa na ngayong pundasyon para sa makapangyarihang puno. Isang sinag ng sikat ng araw ang kumislap sa puno at ang katawan ng puno ay naalog. Iniunat ng puno nang maluwang ang mga sanga nito at lalong nahila palapit sa liwanag. Ang lupa sa ilalim ay humihinga kaalinsabay ng puno, at ang lupa ay nakadama ng pagpapanibagong-lakas, at pagkatapos lang noon, isang sariwang simoy ang umihip sa mga sanga, at ang puno ay nanginig sa tuwa, punung-puno ng lakas. At kaya, ang puno at ang sikat ng araw ay umasa sa isa’t isa … Ang mga tao ay nakaupo sa malamig na lilim ng puno at sila ay nadarang sa mabilis, mahalimuyak na hangin. Dinalisay ng hangin ang kanilang mga puso at mga baga, at dinalisay ang dugo sa loob. Ang mga tao ay hindi na nakadama ng pagod at bigat. At kaya, ang mga tao at ang puno ay umasa sa isa’t isa … Isang kawan ng palaawiting ibon ang humuhuni habang nakahapon sa mga sanga ng puno. Marahil ay umiiwas sila sa ilang kalaban, o sila ay nagpaparami at pinalalaki ang kanilang inakay, o marahil ay nagpapahinga lang saglit. At kaya, ang mga ibon at ang puno ay umaasa sa isa’t isa … Ang mga ugat ng puno, nangabaluktot at nagkandabuhol-buhol, bumaon nang malalim sa lupa. Tinakpan ng katawan nito ang lupa mula sa hangin at sa ulan at iniunat nito ang kanyang kahanga-hangang mga sanga at pinrotektahan ang lupa sa ilalim nito, at ginawa ito ng puno sapagkat ang lupa ang kanyang ina. Namumuhay silang magkasama, umaasa sa isa’t isa, at hindi sila kailanman tatahang magkahiwalay … Kaya, ang kuwento ay nasa katapusan na. Maaari na ninyong buksan ang inyong mga mata ngayon. Naglahad ako ng kuwento tungkol sa isang buto, sa lupa, isang puno, sa sikat ng araw, sa mga palawiting ibon, at sa tao. Ang kuwento ay may ilang mga bahagi lamang. Anong mga damdamin ang ibinigay nito sa inyo? Sa pagkakalahad nito sa ganitong paraan, naiintindihan ba ninyo ito? (Naiintindihan namin.) Maaari kayong magsalita ukol sa inyong mga damdamin. Kaya, ano ang inyong nararamdaman pagkatapos ninyong marinig ang kuwentong ito? (Ito ay talagang nakakaantig at tila isa itong kuwento tungkol sa Diyos at tao at ito ang Kanyang paraan ng pag-aalaga sa tao, iniingatan Niya ang tao upang maging matatag pagkatapos. Kapag ang tao ay naging totoong tao maiintindihan niya ang pagmamahal ng Diyos at ibabalik ang pagmamahal na iyon sa Kanya. Ang Diyos at ang tao ay totoong malapit sa isa’t isa.) Magpapauna na ako sa inyo, ang lahat ng bagay na Aking nabanggit ay nakikita ninyo sa sarili ninyong mga mata at maaaring mahipo ng sarili ninyong mga kamay; ang mga ito ay mga totoong bagay, hindi mga talinghaga. Nais Kong magpatuloy kayo at pag-isipan ang tungkol sa Aking tinalakay. Wala sa Aking tinalakay ang malalim, at may ilang mga pangungusap na bumuo sa pangunahing punto ng kuwento. (Maging ito man ay isang halaman o isang hayop, maging ito man ay isang ibon o isang tao, ang pinagmumulan ng buhay nito ay ang Diyos.) Ano pa? (Kahit na ang mga pangyayari sa kuwento ay mga bagay na nangyayari malapit sa atin, gayunpaman madalas nating pinababayaan ang patakaran ng Diyos. Sinasabi ito ng Diyos nang napaka-natural at nangyayari ito nang napaka-natural sa tabi natin mismo, gayunman sa loob niyon ay ang patakaran ng Diyos. Pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay at ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng bagay.) (Ang mga salita na sinalita ng Diyos ay payak, ang mga ito ay naroroon upang ating maintindihan at upang ating malaman na ang pamumuno ng Diyos ang nagsaayos sa lahat ng mga usapin at mga bagay.) Mayroon bang iba pa na idaragdag? (Ang kuwento na ating narinig ay nagpipinta ng isang magandang larawan: Ang buto ay nabuhay at habang ito ay lumalago nararanasan nito ang apat na panahon ng taon: tagsibol, tag-araw, taglagas, at taglamig. Ang lupa ay parang ina sa paraan ng pag-aalaga. Nagbibigay ito ng init sa taglamig upang ang usbong ay makaligtas sa lamig. Pagkatapos na ang usbong ay lumaking isang puno, isang sinag ng araw ang humahaplos sa kanyang mga sanga, na nagdala ng labis na kagalakan sa puno. Nakikita natin na sa lahat ng bagay na nilikha ng Diyos, ang lupa ay buhay at ito ay umaasa sa puno. Nakikita din natin na ang sikat ng araw ay nagdudulot ng sobrang init sa puno, at kahit na ang mga ibon ay pangkaraniwang bagay lang na nakikita, nakikita natin kung papaanong ang mga ibon, ang puno, at ang mga tao ay nagsasama-samang lahat sa pagkakaisa. Kapag naririnig natin ang kuwentong ito, ito ang damdamin na nasa ating mga puso na, talagang, ang lahat ng bagay na nilikha ng Diyos ay buhay.) Magaling! May idadagdag pa bang iba ang sinuman? (Sa kuwento habang ang buto ay umuusbong at lumalagong isang napakalaking puno, nakikita natin ang kamangha-manghang mga bagay na ginawa ng Diyos. Ginawa ng Diyos ang lahat ng bagay upang mabuhay at umasa sa isa't isa at ang mga ito ay magkakaugnay sa isa't isa. Nakikita natin ang karunungan ng Diyos, ang Kanyang himala, at nakikita natin na ang lahat ng bagay na nilikha ng Diyos nangaglilingkuran sa bawat isa at na Siya ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng bagay.) Ang lahat ng bagay na kasasabi Ko lang ay mga bagay na nakita na ninyo noong una, kagaya ng mga buto, alam ninyo ang ukol rito, tama? Ang isang buto na lumalago at naging isang puno ay maaaring hindi isang proseso na iyong makikita nang detalyado, ngunit alam ninyo na ito ay isang katotohanan, tama? (Oo.) Alam mo ang ukol sa lupa at sa sikat ng araw, tama? Ang imahe ng mga palaawiting ibon na humahapon sa puno ay isang bagay na nakita na ng lahat ng mga tao, tama? (Oo.) At ang mga tao ay nagpapalamig sa lilim ng isang puno, nakita na ninyong lahat iyon, tama? (Nakita na namin iyon.) Kaya anong damdamin ang inyong makukuha kapag nakikita ninyo ang lahat ng halimbawang ito sa isang imahe? (Pagkakaisa.) Ang lahat ba ng halimbawa na inyong nakikita sa imahe na ito ay nagmumula sa Diyos? (Oo.) Dahil galing sila sa Diyos, nababatid ng Diyos ang kahalagahan at kabuluhan ng ilan sa mga halimbawang ito na umiiral na magkakasama sa lupa. Nang likhain ng Diyos ang lahat ng bagay, mayroon Siyang plano sa bawat isang bagay, at ang bawat bagay na Kanyang nilikha ay ipinakikita ang Kanyang mga layunin at nagpupuspos Siya ng buhay sa kanila. Nilikha niya ang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan, na tinalakay sa kuwento na kapapakinig pa lang natin. Tumatalakay ito sa pagtutulungan na mayroon ang buto at ang lupa; pinakakain ng lupa ang buto at ang buto ay nakabigkis sa lupa. Ang ugnayan sa pagitan ng dalawang ito ay itinakda ng Diyos mula pa sa pasimula, tama? (Oo.) Ang puno, ang sikat ng araw, ang mga palaawiting ibon, at ang tao sa imaheng ito, sila ba ay halimbawa ng buhay na kapaligiran na nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan? (Oo.) Una, maaari bang iwanan ng puno ang lupa? (Hindi.) Makakaya kaya ng puno kung wala ang sikat ng araw? (Hindi.) Kung gayon ano ang layunin ng Diyos sa paglikha Niya sa puno, maaari ba nating sabihin na ito ay para lamang sa lupa? Maaari ba nating sabihin na ito ay para lamang sa mga palaawiting ibon? Maaari ba nating sabihin na ito ay para lamang sa mga tao? (Hindi.) Ano ang ugnayan sa pagitan nila? Ang ugnayan sa pagitan nila ay isang uri ng pagtutulungan na kung saan sila ay hindi maaaring maghiwalay. Ang lupa, ang puno, ang sikat ng araw, ang mga palaawiting ibon, at ang mga tao ay umaasa sa isa’t isa para sa pag-iral at inaalagaan nila ang isa’t isa. Inaalagaan ng puno ang lupa at pinakakain ng lupa ang puno; naglalaan ang sikat ng araw para sa puno, samantalang ang puno ay lumilikha ng sariwang hangin mula sa sikat ng araw at tumutulong sa pagpapaginhawa sa lupa mula sa init ng sikat ng araw. Sino ang nakikinabang mula rito sa katapusan? Nakikinabang ang sangkatauhan mula rito, tama? (Oo.) At ito ay isa sa mga prinsipyo kung bakit ginawa ng Diyos ang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan at isa sa mga pangunahing layunin para rito. Kahit na ito ay isang simpleng larawan, makikita natin ang karunungan ng Diyos at ang Kanyang mga layunin. Ang sangkatauhan ay hindi maaaring mabuhay nang wala ang lupa, o wala ang mga puno, o wala ang mga palaawiting mga ibon at ang sikat ng araw, tama? Kahit na ito ay isang kuwento, ito ay isang maliit na daigdig sa paglikha ng Diyos sa sansinukob at Kanyang pagkakaloob ng buhay na kapaligiran sa tao. Nilikha ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at ang lahat ng bagay para sa sangkatauhan at nilikha din Niya ang buhay na kapaligiran. Una, ang pangunahing punto na ating tinalakay sa kuwento ay ang magkakaugnay na relasyon at pagtutulungan sa lahat ng bagay. Sa ilalim ng prinsipyong ito, ang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan ay napangangalagaan, ito ay makaliligtas at makapagpapatuloy; dahil sa pag-iral nitong buhay na kapaligiran, ang sangkatauhan ay maaaring lumago at magparami. Nakita natin ang puno, ang lupa, ang sikat ng araw, ang mga palaawiting ibon, at ang mga tao sa eksena. Naroon din ba ang Diyos? Maaaring hindi ito makikita ng tao, tama? Sa wari ay parang wala ang Diyos doon, ngunit nakikita ng mga tao ang mga patakaran ng magkakarugtong na mga ugnayan sa pagitan ng mga bagay sa eksena; sa pamamagitan ng mga patakarang ito nakikita ng mga tao na ang Diyos ay umiiral at na Siya ang Namumuno. Tama? Ginagamit ng Diyos ang mga prinsipyo at mga patakaran upang maingatan ang buhay at pag-iral ng lahat ng bagay. Sa ganitong paraan Siya naglalaan para sa lahat ng bagay at naglalaan Siya para sa sangkatauhan. May kahit na anuman bang kaugnayan ang kuwentong ito sa tema na katatalakay pa lang natin? (Oo.) Sa wari ay parang walang ganyan, ngunit sa realidad ang mga patakaran na ginawa ng Diyos bilang Manlilikha at ang Kanyang dominyon sa lahat ng bagay ay matibay na nakaugnay sa Kanya sa pagiging pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay at ang mga ito ay matibay na magkarugtong. Tama? (Oo.) Natuto kayo ng konting bagay, tama? Ang Diyos ay ang Panginoon ng mga patakaran na namamahala sa sansinukob, pinamamahalaan Niya ang mga patakaran na nagpapatupad ng kaligtasan sa lahat ng bagay, at pinamamahalaan din Niya ang daigdig at ang lahat ng bagay nang sa gayon ay makapamuhay silang magkakasama; Ginagawa Niya ito nang upang hindi sila mawala nang lubusan o maglaho nang upang ang sangkatauhan ay makapagpatuloy na umiral, ang tao ay maaaring mabuhay sa gayong kapaligiran sa pamamagitan ng pangunguna ng Diyos. Ang mga patakarang ito na namumuno sa lahat ng bagay ay nasa ilalim ng dominyon ng Diyos, gayunman, ang sangkatauhan ay hindi maaaring makialam at hindi sila mapapalitan; tanging ang Diyos Mismo lamang ang nakaaalam sa mga patakarang ito at ang Siya Mismo lamang ang nakapamamahala sa kanila. Kailan uusbong ang mga puno, kailan uulan, gaano karaming tubig at gaano karaming mga pampalusog ang ibibigay ng lupa sa mga halaman, sa anong panahon malalaglag ang mga dahon, sa anong panahon mamumunga ang mga puno, gaano karaming enerhiya ang ibibigay ng sikat ng araw sa mga puno, ano ang ihihingang palabas ng mga puno mula sa enerhiya na nakukuha nila mula sa sikat ng araw—ang lahat ng ito ay mga bagay na naisaayos na ng Diyos nang lalangin Niya ang sansinukob at ang mga ito ay mga batas na hindi maaaring labagin ng tao. Ang mga bagay na nilikha ng Diyos—maging sila ay buhay o lumilitaw na walang buhay ayon sa mga tao—lahat ay nasa mga kamay ng Diyos at nasa ilalim ng Kanyang dominyon. Walang sinuman ang makababago o sirain ang patakarang ito. Ito ay upang sabihin, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay binalangkas na Niya ang mga ito. Ang mga puno ay hindi maaaring magka-ugat, umusbong, at lumago kung wala ang lupa. Ano ang magiging itsura ng lupa kung wala ang mga puno? Ito ay matutuyo. Hindi ba ito tama? (Oo.) At saka, ang puno ay ang tahanan ng mga palaawiting ibon, ito ang lugar kung saan sila nagkukubli mula sa hangin. Magiging OK lang ba kung magkakaroon ng puno kahit walang sikat ng araw? (Hindi ito magiging OK.) Kung lupa lamang mayroon ang puno hindi ito maaari. Ang lahat ng ito ay para sa sangkatauhan at para sa ikaliligtas ng sangkatauhan. Nakatatanggap ang tao ng sariwang hangin mula sa puno, at nabubuhay sa ibabaw ng lupa at pinoprotektahan nito. Hindi mabubuhay ang tao nang walang sikat ng araw, ang tao ay hindi mabubuhay kung wala ang ibat-ibang mga bagay na nabubuhay. Kahit na ang relasyon sa pagitan ng mga bagay na ito ay kumplikado, kailangang malinaw na maintindihan ng mga tao na nilikha ng Diyos ang mga patakaran na namamahala sa lahat ng bagay nang upang umiral sila sa isang magkakaugnay at nagtutulungang paraan; ang bawat isang bagay na Kanyang nilikha ay may halaga at kabuluhan. Kung ang Diyos ay lumikha ng isang bagay na walang kabuluhan, hahayaan ito ng Diyos na mawala. Nauunawaan ba ninyo? (Oo.) Ito ay isa sa mga pamamaraan na Kanyang ginagamit sa paghahanda sa lahat ng bagay. Ano ang tinutukoy ng “maglaan para sa” sa kuwentong ito? Lumalabas ba ang Diyos upang diligan ang puno araw-araw? Kailangan ba ng puno ang tulong ng Diyos para makahinga? (Hindi.) Ang “Maglaan para sa” sa paliwanag na ito ay tumutukoy sa pamamahala ng Diyos sa lahat ng bagay pagkatapos ng paglikha; ang kinailangan lang Niya ay mga patakaran upang panatilihing maayos ang lahat. Ang puno ay lumaki nang kusa sa pamamagitan ng pagkatanim nito sa lupa. Ang mga kinakailangan para ito ay lumago ay nilikha lahat ng Diyos. Ginawa Niya ang sikat ng araw, ang tubig, ang lupa, ang himpapawid, at ang kalapit na kapaligiran, ang hangin, ang hamog na nagyelo, ang niyebe, at ulan, at ang apat na kapanahunan; ito ang mga kondisyon na kakailanganin ng puno upang lumago, ito ang mga bagay na inihanda ng Diyos. Kaya, ang Diyos ba ang pinagmumulan nitong buhay na kapaligiran? (Oo.) Kailangan bang lumabas ang Diyos araw-araw upang bilangin ang bawat dahon sa mga puno? Hindi na kailangan, tama? Hindi rin kailangan na tulungan ng Diyos ang puno na makahinga. Hindi rin kailangan na gisingin ng Diyos araw-araw ang sikat ng araw sa pagsasabing, “Oras na upag lumiwanag sa mga puno ngayon.” Hindi Niya kailangang gawin iyon. Ang sikat ng araw ay nagliliwanag nang kusa gaya ng iniatas ng mga patakaran, lumiliwanag ito sa puno at sinisipsip ito paloob ng puno. Ganito nabubuhay ang mga bagay sa loob ng mga patakaran. Ito marahil ay isang kababalaghan na hindi maipaliwanag nang malinaw, ngunit ito ay isang katotohanan na nakita at natanggap na ng lahat. Ang dapat mo lang gawin ay tanggapin na ang mga patakaran para sa pag-iral ng lahat ng bagay ay mula sa Diyos at malaman na ang kanilang paglago at kaligtasan ay nasa ilalim ng dominyon ng Diyos. Pinatutunayan nito na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng buhay. Isa bang talinghaga ang ginamit sa kuwentong ito, gaya ng tawag ng mga tao dito? (Hindi.) Ito ba ay antropomorpiko? (Hindi.) Ang sinasabi Ko ay katotohanan. Ang lahat ng bagay na buhay, ang lahat ng bagay na umiiral sa ilalim ng dominyon ng Diyos. Ang bawat bagay ay binigyan ng buhay pagkatapos itong likhain ng Diyos; ito ay buhay na ibinigay mula sa Diyos at sumusunod ito sa mga kautusan at sa daan na Kanyang nilikha para rito. Hindi ito dapat baguhin ng tao, at hindi nangangailangan ng tulong mula sa tao; ganito naglalaan ang Diyos para sa lahat ng bagay. Naiintindihan ninyo, tama? Iniisip ba ninyo na kinakailangan ng mga tao na kilalanin ito? (Oo.) Kaya, may kinalaman ba ang kuwentong ito sa biyolohiya? Mayroon ba itong kinalaman sa anumang saklaw ng kaalaman o agham? (Wala.) Hindi natin tinatalakay ang biyolohiya rito at tiyak na hindi tayo nagsasagawa ng anumang pananalisik na biyolohikal. Ano ang pangunahing punto na pinag-uusapan natin dito? (Na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng buhay.) Ano ang nakikita ninyo sa gitna ng lahat ng bagay sa paglikha? Nakakita ba kayo ng mga puno? Nakakita ba kayo ng lupa? (Oo.) Nakita ba ninyo ang sikat ng araw, tama? Nakakita ba kayo ng mga ibong nagpapahinga sa mga puno? (Naramdaman namin.) Masaya ba ang sangkatauhan na manirahan sa gayong kapaligiran? (Masaya siya.) Ginagamit ng Diyos ang lahat ng bagay—ang mga bagay na Kanyang nilikha upang mapanatili ang tahanan ng sangkatauhan para sa kaligtasan at ingatan ang tahanan ng sangkatauhan, at ganito Siya naglalaan para sa tao at naglalaan para sa lahat ng bagay. Ano ang nararamdaman ninyo tungkol sa pagtalakay Ko sa mga bagay-bagay sa ganitong paraan at sa Aking pakikipag-usap sa ganitong paraan? Mainam ba ito? (Mainam ito. Ito ay makatotohanan.) Ano ang ikinainam nito? (Ito ay madaling maintindihan at mayroong praktikal na mga halimbawa ukol rito.) Ito ang totoong paraan sa pagtalakay ng mga bagay, tama? Mahalaga ba ang kuwentong ito upang tulungang makilala ng tao na ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay? (Oo.) Kung ito ay mahalaga, kung gayon ay magpapatuloy tayo sa ating susunod na kuwento. Ang paksa sa susunod na kuwento ay bahagyang kakaiba at ang pangunahing punto ay kakaiba din; ang mga bagay sa kuwento ang siyang nakikita ng mga tao sa gitna ng mga nilikha ng Diyos. Gagamitin kong muli ang paraan ko ng pagsasabi ng kuwento sa inyo, na maaari kayong tahimik na makinig at pakaisipin ang tungkol sa sinasabi ko. Kapag natapos ko ang kuwento, magtatanong Ako sa inyo ng ilang mga katanungan upang makita kung gaaano na kayo natuto. Ang mga pangunahing gumaganap sa kuwento ay ang dakilang bundok, isang maliit na sapa, isang mabagsik na hangin, at ang higanteng alon. Kuwento 2. Isang Dakilang Bundok, Isang Maliit na Sapa, Isang Mabagsik na Hangin, at Isang Dambuhalang Alon May isang maliit na sapa na nagpapaliku-liko paroo’t parito, hanggang nakarating sa wakas sa paanan ng dakilang bundok. Hinaharangan ng bundok ang daanan ng maliit na sapa, kaya tinanong ng maliit na sapa ang bundok sa kanyang mahina, maliit na boses, “Pakiusap padaanin mo ako, ikaw ay nakatayo sa aking dinaraanan at hinaharangan ang aking daanan pasulong.” Nagtanong ang bundok pagkatapos, “Saan ka pupunta?” Na tinugon naman ng maliit na sapa, “Hinahanap ko ang aking tahanan.” Sinabi ng bundok, “Sige, magpatuloy kang dumaloy ka sa ibabaw ko!” Ngunit dahil ang maliit na sapa ay masyadong mahina at masyadong bata, walang paraan para ito makadaloy sa ibabaw ng gayong kalaking bundok, kaya wala itong magawa kundi ang manatiling dumaloy sa paanan ng bundok … Umihip ang isang mabagsik na hangin dala nito ang buhangin at alikabok kung saan nakatindig ang bundok. Umugong ang hangin sa bundok, “Padaanin mo ako!” Ang bundok ay nagtanong, “Saan ka pupunta?” Umugong pabalik ang hangin, “Gusto kong magpunta sa gilid na iyon ng bundok.” Sinabi ng bundok, “Sige, kung makalulusot ka sa aking gitna, kung gayon humayo ka!” Umugong nang umugong ang hangin, ngunit gaano man kalakas itong umihip, hindi ito makalusot sa gitna ng bundok. Napagod ang hangin, at tumigil upang magpahinga. Kaya sa gilid na iyon ng bundok pasumpung-sumpong lang umiihip ang hangin, na ikinagalak ng mga tao roon. Ang gayon ang pambati na ibinigay ng bundok sa mga tao ... Sa dalampasigan, ang wisik ng karagatan ay marahang gumulong sa bahura. Nang biglang, isang dambuhalang alon ang dumating at nanalasa patungo sa bundok. “Tumabi ka!” sigaw ng dambuhalang alon. Ang bundok ay nagtanong, “Saan ka pupunta?” Hindi huminto ang dakilang alon, at nagpatuloy ito sa pagdaluyong habang sumasagot, “Pinalalawak ko ang aking teritoryo at gusto kong i-unat ang aking mga braso nang konti.” Sinabi ng bundok, “Sige, kung makadadaan ka sa aking tuktok, ibibigay ko ang daan.” Umatras nang konti ang dakilang alon, at dumaluyong muli patungo sa bundok. Ngunit gaano man niya kasikap tangkain, hindi niya malampasan ang bundok. Wala siyang mapagpipilian kundi ang umurong pabalik kung saan siya nagmula … Sa loob ng maraming siglo, marahang umaagos ang maliit na sapa palibot sa paanan ng bundok. Sa pamamagitan ng pagsunod sa daan na ginawa ng bundok, nagawa ng maliit na sapa na makabalik sa kanyang tahanan; sumama ito sa ilog, at dumaloy sa dagat. Sa ilalim ng pangangalaga ng bundok, hindi kailanman naligaw ang sapa. Ang maliit na sapa at ang dakilang bundok ay umasa sa isa’t isa, pinipigil nila ang isa’t isa, at umasa sa isa’t isa. Sa loob ng maraming siglo, hindi binago ng mabagsik na hangin ang mga nakagawian nitong pag-ungol sa bundok. Hinihipan ng hangin ang mga nakapaikot na buhangin kapag “binibisita” niya ang bundok gaya ng dati nang nangyayari. Pinagbabantaan nito ang bundok, ngunit hindi kailanman nakalusot sa gitna ng bundok. Ang mabagsik na hangin at ang dakilang bundok ay umasa sa isa’t isa, pinigilan nila ang isa’t isa, at umasa sa isa’t isa’. Sa loob ng maraming siglo, ang dambuhalang alon ay hindi rin nagpahinga, at hindi tumigil sa paglawak. Ito ay dumadagundong at dumadaluyong nang paulit-ulit patungo sa bundok, gayunman hindi kailanman gumalaw ang bundok kahit isang pulgada. Binabantayan ng bundok ang dagat, at sa ganitong paraan, ang mga nilalang sa dagat ay dumami at lumago. Ang dambuhalang alon at ang dakilang bundok ay umasa sa isa’t isa, pinigilan nila ang isa’t isa, at umasa sa isa’t isa. Tapos na ang Aking kuwento. Una, ano ang masasabi ninyo sa Akin tungkol sa kuwentong ito, ano ang pangunahing paksa nito? Una may isang bundok, pagkatapos ano? (Isang maliit na sapa, isang mabagsik na hangin, at isang higanteng alon.) Ano ang nangyari sa unang bahagi sa maliit na sapa at sa dakilang bundok? Natatandaan ba ninyo? (Ang maliit na sapa ay dumadaloy sa paanan ng dakilang bundok.) Ang maliit na sapa ay dumadaloy sa paanan ng bundok, ito ba ang kuwento na nangyari sa pagitan nila? Saan nagpunta ang sapa? Bakit natin pinag-uusapan ang tungkol sa dakilang bundok at sa maliit na sapa? (Sapagkat pinrotektahan ng bundok ang sapa, ang sapa ay hindi kailanman nawala. Umasa sila sa isa’t isa.) Masasabi niyo ba na pinrotektahan ng bundok o hinarangan ang maliit na sapa? (Pinrotektahan ito.) Maaari kayang hinarangan niya ito? Ang bundok at ang maliit na sapa ay magkasama; pinrotektahan nito ang sapa, at ito rin ay isang harang. Pinrotektahan ng bundok ang sapa upang dumaloy ito sa ilog, ngunit pinanatili din niya ito mula sa pagdaloy sa lahat ng dako kung saan maaari itong maging baha at maging malaking pinsala para sa mga tao. Ito ba ang pangunahing punto sa bahaging ito? (Oo.) Ang pag-iingat ng bundok sa sapa at ang pag-kilos nito bilang harang ang nangalaga sa tahanan ng mga tao. Sa gayon mayroon kayong maliit na sapa na sasanib sa ilog sa paanan ng bundok at kalaunan ay dadaloy papuntang dagat; hindi ba ito ang kinakailangan sa maliit na sapa? (Oo.) Nang dumaloy ang sapa sa ilog at pagkatapos sa dagat, ano ang inaasahan nito? Hindi ba ito umaasa sa bundok? Ito ay umaasa sa pag-iingat ng bundok na nagsisilbing isang harang; ito ba ang pangunahing punto? (Oo.) Nakikita mo ba ang kahalagahan ng mga bundok sa tubig sa halimbawang ito? (Oo nakikita namin.) Mahalaga ba ito? (Oo.) May layunin ba ang Diyos sa paggawa Niya sa mga bundok na parehong mataas at mababa? (Oo mayroon Siya.) Mayroon itong layunin, tama? Ito ay maliit na bahagi ng kuwento, at mula lang sa isang maliit na sapa at isang malaking bundok nakita natin ang halaga at kabuluhan ng dalawang bagay na ito sa paglikha ng Diyos sa kanila. Makikita din natin ang Kanyang karunungan at layunin kung paano Niya pinamamahalaan ang dalawang bagay na ito. Hindi ba tama iyon? Ano ang kinapapalooban ng ikalawang bahagi ng kuwento? (Isang mabagsik na hangin at ang dakilang bundok.) Ang hangin ba ay isang mabuting bagay? (Oo.) Hindi sa lahat ng oras, yamang may mga pagkakataon na kapag malakas ang hangin ito ay nakapipinsala. Ano ang madarama mo kung kinailangan mong manatili sa labas sa gitna ng mabagsik na hangin? Ito ay depende kung gaano ito kalakas, tama? Kung ito ay bahagyang simoy lang, o kung ito ay may antas na 2-3 hangin, o isang antas ng 3-4 hangin kung gayon ito ay katamtaman lamang, karaniwan mahihirapan ang isang tao na panatilihing bukas ang kanyang mga mata. Ngunit makakaya mo ba kung iihip ang hangin nang may sapat na lakas upang maging buhawi? Hindi mo ito makakaya. Kaya mali para sa mga tao ang sabihin na ang hangin ay palaging mabuti, o na ito ay palaging masama sapagkat ito ay depende kung gaano kalakas ang hangin. Kaya ano ang pakinabang ng bundok dito? Ito ba ay parang pansala para sa hangin? (Oo.) Tinatanggap ng bundok ang mabagsik na hangin at pinagpira-piraso ito sa ano? (Isang banayad na hangin.) Sa banayad na hangin. Maaari itong mahawakan at madama ng karamihan sa mga tao sa kapaligiran kung saan sila nakatira—ang mabagsik na hangin ba o ang bahagyang simoy ang kanilang nadama? (Isang banayad na hangin.) Hindi ba ito ang isa sa mga layunin sa likod ng paglikha ng Diyos sa mga bundok? Hindi ba ito ang Kanyang layon? Ano kaya ang magiging pakiramdam ng mga tao na manirahan sa isang kapaligiran kung saan hihipang paikot ng mabagsik na hangin ang mga butil ng buhangin nang walang sasangga o haharang dito? Maaari kaya na habang umiihip ito na mayroong kasamang buhangin at mga bato, hindi makapaninirahan ang tao sa lupa? Maaaring matamaan sa ulo ang ilang tao ng mga batong lumilipad, o ang iba ay maaaring malagyan ng buhangin sa kanilang mga mata at hindi makakita. Maaaring ang tao ay masipsip sa kalawakan o ang hangin ay iihip nang malakas at hindi sila makatayo. Masisira ang mga bahay at lahat ng uri ng kapinsalaan ay mangyayari. May halaga ba ang mabagsik na hangin? (Oo.) Ano ang halaga nito? Nang sabihin ko na ito ay masama, kung gayon ay madadama ng mga tao na wala itong halaga, ngunit tama ba iyon? Wala bang halaga na ito ay naging banayad na hangin? Ano ang pinakakailangan ng mga tao kapag mahalumigmig o walang sariwang hangin? Kailangan nila ng isang banayad na hangin na marahang iihip sa kanila, upang palamigin at maging maaliwalas ang kanilang mga kaisipan, upang pakalmahin ang kanilang kalooban at mapabuti ang kalagayan ng kanilang kaisipan. Halimbawa, nakaupo kayong lahat sa isang silid na puno ng mga tao at walang hangin, at ano ang inyong pinakakailangan? (Isang banayad na hangin.) Sa mga lugar na kung saan ang hangin ay hindi malinis at puno ng dumi pinababagal nito ang pag-iisip ng isang tao, pinabababa nito ang pagdaloy ng kanilang dugo, at ginagawa silang hindi masyadong alisto. Gayunman, ang hangin ay magiging sariwa kung magkakaroon ito ng pagkakataon na gumalaw at dumaloy, at magiging mas mabuti ang pakiramdam ng mga tao. Kahit na maaaring ang maliit na sapa at ang mabagsik na hangin ay maging sakuna, hangga’t ang bundok ay naroroon gagawin sila nitong mga bagay na tunay na kapaki-pakinabang sa mga tao; hindi ba tama iyon? Ano ang pinag-uusapan sa ikatlong bahagi ng kuwento? (Ang dakilang bundok at ang malaking alon.) Ang dakilang bundok at ang malaking alon. Ang senaryo dito ay isang bundok sa tabi ng dagat kung saan makikita natin ang bundok, ang pagwisik ng karagatan, at maging, isang malaking alon. Ano ang bundok sa alon sa pagkakataong ito? (Isang tagapagsanggalang at isang harang.) Ito ay parehong tagapagsanggalang at harang. Tama? Ang layunin sa pagsasanggalang nito ay upang pigilang mawala ang bahaging ito ng dagat nang sa gayon ang mga nilalang na naninirahan dito ay mapaunlad. Bilang harang, pinananatili ng bundok ang tubig dagat—ang anyong tubig na ito—sa pag-apaw at maging sanhi ng sakuna, na makakapinsala at makakasira sa mga tahahan ng mga tao. Tama? Kaya masasabi natin na ang bundok ay parehong isang harang at isang tagapagsanggalang. Ipinakikita nito ang kahalagahan ng pag-aasahan sa pagitan ng bundok at ng sapa, ng bundok at ng mabagsik na hangin, at ng bundok at ng malaking alon at kung paano nila pinipigilan ang isa’t isa at umaasa sa isa’t isa, na siyang binanggit ko. May isang patakaran at isang batas na namamahala sa kaligtasan ng mga bagay na ito na nilikha ng Diyos. Nakikita ba ninyo kung ano ang ginawa ng Diyos batay sa nangyari sa kuwento? Nilikha ba ng Diyos ang daigdig at ipinagwalang-bahala na lang ang nangyari pagkatapos? Binigyan ba Niya sila ng mga patakaran at dinisenyo ang mga paraan na kanilang ginagampanan at pababayaan na lang pagkatapos noon? Iyon ba ang nangyari? (Hindi.) Ano iyon kung gayon? (Ang Diyos ang may kontrol.) Ang Diyos pa rin ang may kontrol sa tubig, sa hangin, at sa mga alon. Hindi Niya sila hinayaang magwala at hindi Niya sila hinayaang makapinsala o makasira ng mga tahahan ng mga tao, at dahil dito makapagpapatuloy ang tao na manirahan at umunlad sa kapirasong lupa na ito. Na nangangahulugang pinanukala na ng Diyos ang mga patakaran sa pag-iral nang likhain Niya ang sansinukob. Nang ginawa ng Diyos ang mga bagay na ito, tiniyak Niya na pakikinabangan sila ng sangkatauhan, at kinontrol din Niya ang mga ito nang upang sila ay hindi makagulo o makapinsala sa sangkatauhan. Kung hindi sila pinangasiwaan ng Diyos, hindi ba dadaloy ang mga tubig sa lahat ng dako? Hindi ba iihip ang hangin sa lahat ng dako? Kung hindi sila pinamahalaan ng Diyos hindi sila mapamumunuan ng kahit alin sa mga patakaran, at ang hangin ay uugong at ang mga tubig ay tataas at dadaloy sa lahat ng dako. Kung ang malaking alon ay naging mas mataas kaysa sa bundok makaiiral pa ba ang bahaging iyon ng dagat? Ang dagat ay hindi na makaiiral. Kung ang bundok ay hindi kasingtaas ng alon, ang bahaging iyon ng dagat ay hindi na iiral at mawawala ng bundok ang kanyang halaga at kabuluhan. Nakikita ba ninyo ang karunungan ng Diyos sa dalawang kuwentong ito? (Oo.) Nilikha ng Diyos ang daigdig at Siya ang Panginoon nito; Siya ang namumuno rito at Siya ang naglalaan para rito habang pinanonood Niya ang bawat salita at pagkilos. Pinangangasiwaan din Niya ang bawat sulok ng buhay ng tao. Kaya nilikha ng Diyos ang sansinukob at ang kabuluhan at halaga ng bawat mga bagay gayundin ang kanilang mga kaukulan, ang kalikasan nito, at ang mga patakaran nito para sa kaligtasan ay nakikilala Niya nang malinaw gaya ng likod ng Kanyang kamay. Nilikha ng Diyos ang sansinukob; iniisip ba ninyo na kailangan Niyang magsaliksik sa mga patakaran na namamahala sa sansinukob? (Hindi.) Kailangan pa bang magbasa ng Diyos ng kaalaman ng tao o agham upang magsaliksik at maintindihan ito? Mayroon bang sinuman sa sangkatauhan ang may malawak na kaalaman at sapat na karunungan upang maintindihan ang lahat ng bagay kagaya ng ginagawa ng Diyos? Walang ganoon. Tama? Mayroon bang sinumang mga astronomo o mga biyologo ang totoong nakauunawa kung papaanong ang lahat ng bagay ay nabubuhay at lumalago? (Wala.) Maaari ba nilang tunay na mauunawaan ang halaga ng pag-iral ng bawat bagay? (Hindi nila mauunawaan.) Bakit ganoon? Ang lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos, at gaano man kalalim pag-aralan ng tao ang kaalamang ito, o gaano man kahaba nila pagsikapan na matutuhan ito, hindi nila kailanman maaarok ang misteryo at layunin ng Diyos sa paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay, hindi ba tama iyon? (Oo.) Sa gayong pagtalakay, nararamdaman ba ninyo na mayroon na kayong konting pagkaunawa sa ibig sabihin ng kasabihang “Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Bagay”? (Oo.) Alam Ko na nang tinalakay ko ang paksang ito maraming mga tao ang kaagad na mag-iisip kung paanong ang Diyos ay katotohanan at kung paanong ang Kanyang salita ay naglalaan para sa atin, ngunit iisipin lang nila ang ukol dito sa ganitong antas. Mararamdaman pa ng iba na ang paglalaan ng Diyos ay para sa buhay ng tao, paglalaan ng pang-araw-araw na pagkain at inumin at ang mga pang-araw-araw na pangangailangan ay hindi ituturing bilang paglalaan para sa tao. Ganito ba ang nararamdaman ng ilang mga tao? (Oo.) Hindi ba napakalinaw ng layunin ng Diyos sa kung paano Niya nilikha ang lahat ng bagay nang upang ang sangkatauhan ay maaaring umiral at mamuhay nang normal? Pinananatili ng Diyos ang kapaligiran kung saan naninirahan ang mga tao at inilalaan Niya ang lahat ng bagay na kinakailangan ng sangkatauhang ito. Bukod dito, Siya ang namamahala at humahawak sa pamamahala sa lahat ng bagay. Ang lahat ng ito ay nagpapahintulot sa sangkatauhan na mabuhay nang normal at umunlad nang normal; sa ganitong paraan naglalaan ang Diyos para sa lahat ng bagay at para sa sangkatauhan. Kailangan bang makilala at maintindihan ng mga tao ang mga bagay na ito? (Oo.) Sasabihin marahil ng ilan, “Ang paksang ito ay masyadong malayo mula sa ating kaalaman sa tunay na Diyos Mismo, at ayaw naming malaman ito sapagkat ang tao ay hindi nabubuhay sa tinapay lamang, ngunit sa halip nabubuhay sa salita ng Diyos.” Tama ba ito? (Hindi.) Ano ang mali dito? Magkakaroon ba kayo nang lubos na pagkaunawa sa Diyos kung ang alam niyo lang ay ang mga sinabi ng Diyos? Kung ang tinatanggap niyo lamang ay ang Kanyang gawain at ang Kanyang paghatol at pagkastigo, magkakaroon ba kayo ng ganap na pagkaunawa sa Diyos? Kung ang alam niyo lang ang isang maliit na bahagi ng disposisyon ng Diyos, isang maliit na bahagi ng awtoridad ng Diyos, sapat na iyon upang matamo ang pagkaunawa sa Diyos, tama? (Hindi.) Bakit ganoon? (Masyado itong may kinikilingan, sapagkat ang ating kaalaman ay masyadong hungkag. Ngunit sa bawat gawain ng Diyos na pinagsama ang buhay at hindi buhay[a] na mga bagay gaya ng mga bundok at mga sapa, mga lawa, mga buto, ang sikat ng araw, at ulan na ating nakikita, napapanood, at nararanasan, natatamo natin ang isang praktikal na pagkaunawa sa Diyos. Habang nagigising ang ating pagkaunawa bilang mga anak nasisimulan nating makita ang mga bagay na ito at madama na sila ay tunay.) Ang mga pagkilos ng Diyos ay nagsimula sa paglikha Niya sa sansinukob at nagpapatuloy sila ngayon kung saan ang Kanyang mga pagkilos ay malinaw sa lahat ng oras at sa bawat saglit. Kung naniniwala ang mga tao na ang Diyos ay umiiral dahil lamang sa pumili Siya ng mga tao kung kanino ginagawa Niya ang Kanyang gawain upang iligtas ang mga taong iyon, at kung sila ay naniniwala na ang ibang mga bagay ay hindi kinapapalooban ng Diyos, ang Kanyang awtoridad, ang Kanyang katayuan, at ang Kanyang mga pagkilos, iyon ba ay maituturing na tunay na pagkilala sa Diyos? Ang mga tao na may gayong tinatawag na kaalaman sa Diyos—na batay lamang sa may pagkiling na pananaw na ang Diyos ay limitado lamang sa isang grupo ng mga tao—ay mga mabababaw ang pananaw. Ito ba ang tunay na pagkakilala sa Diyos? Hindi ba’t itinatatwa ng mga tao na may ganitong uri ng pagkakilala sa Diyos ang paglikha Niya sa lahat ng bagay at ang Kanyang dominyon sa ibabaw nila? Hindi ito nais kilalanin ng ilang mga tao, at maaaring isipin nila sa kanilang mga sarili: “Hindi ko nakikita ang dominyon ng Diyos sa lahat ng bagay, isa itong bagay na masyadong malayo sa akin at ayaw kong intindihin ito. Gagawin ng Diyos ang anumang maibigan Niya at wala itong kinalaman sa akin. Aabalahin ko na lang ang sarili ko sa pagtanggap sa pamumuno ng Diyos at ang Kanyang salita at ako ay gagawaing perpekto at ako ay ililigtas ng Diyos. Pagtutuunan ko lamang ng pansin ang mga bagay na ito, ngunit hindi ko susubukang maintindihan ang anupaman o mag-isip ukol dito. Anumang mga patakaran ang ginawa ng Diyos nang Kanyang likhain ang lahat ng bagay o anumang gawin ng Diyos upang ipagkaloob sa kanila o sa sangkatauhan ay walang kinalaman sa akin.” Anong uri ng usapin ito? Hindi ba ito lubos na kahiya-hiya? Mayroon ba sa inyo ang nag-iisip kagaaya nito? Alam ko na halos lahat ay ganito kung mag-isip kahit hindi ninyo sabihin. Maaaring gamitin ng ganitong uri ng tao na nakabatay lamang sa libro ang kanilang tinatawag na espiritwal na paninidigan sa pagtingin nila sa lahat ng bagay. Gusto nilang limitahan ang Diyos sa Biblia, limitahan ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga sinabi, at limitahan ang Diyos sa literal na nakasulat lamang. Ayaw nilang madagdagan pa ang nalalaman nila tungkol sa Diyos at ayaw nilang magtuon ang Diyos ng dagdag na pansin sa paggawa ng ibang mga bagay. Ang ganitong uri ng pag-iisip ay isip-bata at masyadong relihiyoso. Nakikilala ba ang Diyos ng mga taong may ganitong pinanghahawakan na pananaw? Mahihirapan silang makilala ang Diyos. Sa araw na ito ay inilahad ko ang dalawang kuwento na ito at nagsalita tungkol sa dalawang aspeto na ito. Karirinig pa lang natin sa mga ito at kakikita pa lang natin sa kanila, maaaring madama ninyo na sila ay malalim o medyo malabo at mahirap maunawaan at maintindihan. Maaaring mas mahirap pang iugnay sila sa mga pagkilos ng Diyos at sa Diyos Mismo. Gayunman, ang lahat ng pagkilos ng Diyos at lahat ng Kanyang ginawa sa gitna ng lahat ng bagay at sa gitna ng lahat ng sangkatauhan ay dapat na malinaw at wastong makilala ng bawat isang tao at ng bawat isa na naghahangad na makilala ang Diyos. Ang kaalamang ito ay magbibigay sa iyo ng pagpapatibay at ng pananampalataya sa tunay na pag-iral ng Diyos. Makapagbibigay din ito sa iyo ng wastong kaalaman sa karunungan ng Diyos, sa Kanyang kapangyarihan, at kung paano Siya naglalaan para sa lahat ng bagay. Magbibigay-daan din ito sa iyo upang malinaw na mabatid ang tunay na pag-iral ng Diyos at makita na ito ay hindi gawa-gawang kuwento, at hindi isang alamat. Magbibigay-daan ito sa inyo na malaman na hindi ito malabo, at hindi isang teorya lamang, na ang Diyos ay tiyak na hindi lang isang kabuhayang pang-espiritwal, kundi Siya ay talagang umiiral. Bukod dito magbibigay-daan ito sa iyo na makilala Siya bilang Diyos sa paraang palagi Siyang naglalaan para sa lahat ng bagay at para sa sangkatauhan; ginagawa Niya ito sa Kanyang sariling pamamaraan at alinsunod sa Kanyang sariling ritmo. Kaya masasabi ng isa na dahil nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at binigyan Niya sila ng mga patakaran na sa Kanyang utos bawat isa ay gagampan ng kanilang inilaang mga gawain, tutupad ng kanilang mga pananagutan, at gagampanan ang papel na ipinagkaloob sa bawat isa sa kanila. Ang lahat ng bagay ay tumutupad ng kanilang sariling gampanin para sa sangkatuhan, at ginagawa ito sa lugar, sa kapaligiran kung saan naninirahan ang mga tao. Kung hindi ginawa ng Diyos ang mga bagay sa ganitong paraan at kung ang kapaligiran ng sangkatauhan ay hindi naging ganito, ang paniniwala ng mga tao sa Diyos o ang pagsunod nila sa Kanya—wala sa mga ito ang magiging posible; ito ay magiging pananalitang walang saysay lamang, hindi ba ito tama? Balikan nating muli ang kuwentong ito na karirinig pa lamang natin. Patungkol sa dakilang bundok at sa maliit na sapa, ano ang bundok? Ang mga bagay na may buhay ay umunlad sa bundok kaya mayroong halaga sa pag-iral nito mismo. Sa kaparehong pagkakataon, hinaharangan ng bundok ang maliit na sapa, tinitiyak nitong hindi siya makadaloy saan man niya naisin at magdadala ng kapinsalaan sa mga tao. Hindi ba tama iyon? Sa kabutihan ng pag-iral ng bundok, binibigyang-daan nito ang mga buhay na bagay gaya ng mga puno at mga damo at lahat ng iba pang mga halaman at mga hayop sa bundok na umunlad habang pinamamahalaan kung saan dadaloy ang maliit na sapa; tinitipon ng bundok ang mga tubig ng sapa at natural na inaalalayan sa palibot ng paanan nito kung saan ay makadadaloy sila patungo sa ilog at sa huli’y sa dagat. Ang mga patakaran na nakalagay dito ay hindi ginawa ng kalikasan, ngunit sa halip ay sadyang isinaayos ng Diyos sa panahon ng paglikha. Tungkol naman sa dakilang bundok at sa mabalasik na hangin, ang bundok, din, ay nangangailangan ng hangin. Kinakailangan ng bundok ang hangin upang yakapin ang mga buhay na bagay sa ibabaw nito, at sa kaparehong pagkakatao’y hinihigpitan ng bundok kung gaaano kalakas maaaring umihip ang mabagsik na hangin upang hindi ito mag-umapaw at manalasa. Pinanghahawakan ng patakarang ito, sa isang paraan, ang tungkulin ng dakilang bundok, kaya ang patakaran bang ito na may kinalaman sa tungkulin ng bundok ay nabuo na lamang sa ganang kanyang sarili? (Hindi.) Sa halip ito ay ginawa ng Diyos. Ang dakilang bundok ay may sariling tungkulin at ang mabagsik na hangin ay mayroon ding sariling tungkulin. Ngayon, tungkol sa dakilang bundok at sa malaking alon, kung wala ang bundok sa kanyang kinaroroonan makahahanap ba ang tubig ng direksyong dadaluyan sa ganang kanyang sarili? (Hindi.) Ang tubig ay mag-uumapaw din at mananalasa. Ang bundok ay may sariling halaga bilang isang bundok, at ang dagat ay may sariling halaga bilang dagat. Sa ganitong paraan, sa ilalim ng ganitong mga pangyayari kung saan ang bawat isa sa kanila ay hindi nakikialam sa isa’t isa at kung saan umiiral silang magkakasama nang normal, hinihigpitan din nila ang isa’t isa; hinihigpitan ng dakilang bundok ang dagat upang hindi ito umapaw at sa gayon napoprotektahan nito ang mga tahanan ng mga tao, at nagbibigay-daan din ito sa dagat na alagaan ang buhay na mga bagay na naninirahan sa loob nito. Ang anyong lupa bang ito ay nabuo na lang nang kusa? (Hindi.) Ito ay nilikha rin ng Diyos. Nakikita natin mula sa mga larawang ito na nang nilikha ng Diyos ang sansinukob, itinakda na Niya kung saan titindig ang bundok, saan aagos ang sapa, kung saang direksyon magsisimulang umihip ang mabagsik na hangin at kung saan ito pupunta, gayundin kung gaaano ang magiging taas ng malaking alon. Ang mga balak at mga layunin ng Diyos ay nakapaloob sa lahat ng bagay na ito at sila ay Kanyang mga gawa. Ngayon, nakikita ba ninyo na ang mga gawa ng Diyos ay naroroon sa lahat ng bagay? (Oo.) Ano ang layunin sa pagtalakay natin sa mga bagay na ito? Ito ba ay upang masaliksik ng tao ang mga patakaran sa likod ng paglikha ng Diyos sa sansinukob? Ito ba ay upang maging intresado ang mga tao sa astronomiya at pisika? (Hindi.) Kung gayon ay ano ito? Ito ay upang maunawaan ng mga tao ang mga gawa ng Diyos. Ang pinakamahalagang aspeto sa pag-unawa sa mga gawa ng Diyos ay sa pag-unawa sa Kanyang mga pagkilos, maaaring panindigan at patunayan ng tao na ang Diyos ay ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay. Kung mauunawaan mo ang puntong ito, kung gayon ay tunay mong mapatutunayan na inookupahan ng Diyos ang pangunahing papel sa iyong puso at mapatutunayan mo na ang Diyos ay ang natatanging Diyos Mismo, ang Maylalang ng kalangitan at ng lupa at lahat ng bagay. Kaya, makatutulong ba tungo sa iyong pagkaunawa sa Diyos ang malaman ang mga patakaran sa lahat ng bagay at upang malaman ang mga gawa ng Diyos? (Oo.) Gaano ito nakatutulong? Ito ay isang mahalagang tanong. Una, kapag naunawaan mo ang mga gawang ito ng Diyos, magiging intresado ka pa rin ba sa astronomiya at heograpiya? Magkakaroon ka pa rin ba ng pusong may pag-aalinlangan at pagdududahan na ang Diyos ay ang Maylalang ng lahat ng bagay? Magkakaroon ka pa rin ba ng puso ng isang mananaliksik at pagdududahan na ang Diyos ang Maylalang ng lahat ng bagay? Kapag iyong napatunayan na ang Diyos ang Maylalang ng sansinukob at saka nalaman ang mga patakaran sa likod ng Kanyang paglikha, tunay mo bang paniniwalaan sa iyong puso na ang Diyos ang nagkakaloob para sa sansinukob? Ang “nagkakaloob” ba ay sinasabi lamang para sa anumang uri ng kahulugan o ito ay sinasabi sa isang natatanging pagkakataon? Na ang paglalaan ng Diyos para sa daigdig ay may napakalawak na kahulugan at paggamit. Tama? Hindi lamang pinagkakalooban ng Diyos ang mga tao ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa pagkain at inumin, ipinagkakaloob Niya sa sangkatauhan ang lahat ng bagay na kanilang kailangan, kabilang ang lahat ng bagay na nakikita ng tao at mga bagay na hindi nakikita. Itinataguyod, pinamamahalaan, at pinamumunuan ng Diyos ang buhay na kapaligiran na kinakailangan ng sangkatauhan. Anumang kapaligiran ang kakailanganin ng tao sa anumang panahon, inihanda ito ng Diyos. Anumang kapaligiran o temperatura na angkop para sa pag-iral ng tao ay nasa ilalim din ng pamamahala ng Diyos at wala sa mga patakarang ito ang nangyayari sa ganang kanilang mga sarili lamang o basta na lang nagaganap; ang mga ito ay bunga ng pamamahala ng Diyos at ng Kanyang mga gawa. Ang Diyos Mismo ang pinagmumulan ng mga patakarang ito ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay. Ito ay isang matatag at hindi mapasusubaliang katotohanan maniwala ka man o hindi, nakikita mo man ito o hindi, naiintindihan mo man ito o hindi. Alam ko na halos lahat ng mga tao ay naniniwala lamang sa kung ano ang sinabi at ginawa ng Diyos sa Biblia, at inihayag ng Diyos ang Kanyang mga gawa sa isang maliit na grupo ng mga tao, nang sa gayon ay makita ng mga tao ang kahalagahan ng Kanyang pag-iral, at upang maintindihan din nila ang Kanyang katayuan at malaman na tunay nga Siyang umiiral. Gayunman, para sa maraming mga tao ang katotohanan na nilikha ng Diyos ang sansinukob at ang Kayang pinamamahalaan at pagkakaloob para sa lahat ng bagay ay tila malabo o hindi maliwanag at mayroon pa silang ugali ng pagdududa. Ang ganitong uri ng pag-uugali ay nagiging sanhi sa mga tao upang tuluy-tuloy na maniwala na ang mga batas ng likas na mundo ay nabuo sa ganang kanilang sarili lamang, na ang mga pagbabago, ang mga pagbabagong-anyo, at ang mga kababalaghan sa likas na mundo at ang mismong mga batas na namamahala sa kalikasan ay bumangon na lamang nang kusa. Ibig sabihin nito na sa isip ng mga tao, hindi nila maintindihan kung paano nilikha at pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay, hindi nila maintindihan kung paano pinamamahalaan at ipinagkakaloob ng Diyos ang lahat ng bagay. Dahil sa mga limitasyon ng ganitong saligan, hindi naniniwala ang mga tao sa paglikha ng Diyos at pagkapanginoon sa ibabaw ng lahat ng bagay at na Siya ang Nagkakaloob; at maging ang mga sumasampalataya ay limitado lamang sa Kapanahunan ng Kautusan, sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kaharian, iyon ay, ang mga gawa ng Diyos gayundin ang Kanyang pagkakaloob para sa sangkatauhan ay parang limitado lamang sa Kanyang piniling mga tao. Ito ay isang bagay na kinamumuhian Kong makita at nagdudulot ito ng ibayong sakit, sapagkat ikinasasaya ng mga tao ang lahat ng idinudulot ng Diyos, gayunman sa parehong pagkakataon ay tinatanggihan nila ang lahat ng Kanyang ginagawa at lahat ng Kanyang ibinibigay sa kanila. Pinaniniwalaan lang ng mga tao na ang kalangitan at ang lupa at ang lahat ng bagay ay pinamamahalaan ng kanilang sariling likas na mga patakaran at ng kanilang sariling likas na kautusan at na walang namumuno sa kanila upang pigilan sila o ng kahit na sinong namumuno na naglalaan para sa kanila at nagpapanatili sa kanila. Kahit na naniniwala ka sa Diyos, maaaring hindi ka maniniwala na mga gawa Niya ang lahat ng mga ito; ito ang isa sa mga hindi pinapansing mga bahagi para sa bawat naniniwala sa Diyos, para sa bawat isang tumatanggap sa salita ng Diyos, at para sa bawat isang sumusunod sa Diyos. Kaya, sa oras na nagsimula Akong tumalakay sa isang bagay na hindi nakaugnay sa Biblia o sa tinatawag na terminolohiyang espiritwal, ang ilang mga tao ay naiinip o nangangamba o ni hindi nagiginhawaan. Parang ito ay humihiwalay mula sa mga taong espiritwal at mga espiritwal na mga bagay. Iyon ay isang bagay na masama. Pagdating sa pag-alam sa mga gawa ng Diyos, kahit na hindi natin bangitin ang astronomiya, heograpiya, or biyolohiya, alam natin ang pagiging panginoon ng Diyos sa lahat ng bagay, alam natin ang Kanyang paglalaan para sa lahat ng bagay, at na Siya ang pinagmumulan ng lahat ng bagay. Ito ay isang mahalagang gampanin at isa na dapat na pag-aralan, nauunawaan ninyo? (Oo.) Sa dalawang kuwento na katatalakay ko pa lamang, kahit na maaaring ang mga ito ay mayroong kakaibang nilalaman at maaaring ang mga ito ay inilahad at isinaad sa inyo sa natatanging paraan, gayunpaman nais Kong gumamit ng payak na pananalita at payak na paraan sa gayon kayo ay makaunawa at tanggapin ang isang bagay nang mas malalim. Ito ang tangi Kong layunin: Gusto Kong makita ninyo at paniwalaan na ang Diyos ang Namumuno sa lahat ng bagay sa pamamagitan nitong mga maliliit na kuwento at mga eksena. Ang layunin ng paglalahad sa inyo ng mga kuwentong ito ay upang tulutan kayong makita at malaman ang walang hanggang mga gawa ng Diyos sa loob ng may hangganang paligid ng isang kuwento. Tungkol sa kailan ninyo ganap na maaabot ang resulta na ito sa inyo, depende ito sa inyong sariling mga karanasan at inyong kani-kanyang hangarin. Kung hangad mo ang katotohanan at kung hangad mo na makilala ang Diyos, kung gayon ang mga bagay na ito ay magsisilbi bilang isang matatag at matibay na paalala sa iyo; tutulutan ka ng mga ito na magkaroon ng mas malalim na kamalayan, isang kalinawan sa iyong pagkaunawa, at ikaw ay unti-unting hihilahing palapit sa aktuwal na mga gawa ng Diyos, isang pagkakalapit na walang pagitan at walang pagkakamali. Gayunman, kung hindi ka maghahangad na makilala ang Diyos, kung gayon ang mga kuwentong iyon na iyong narinig ay mga kuwento lamang at hindi makagagawa ng anumang pananakit sa inyo. Kaya isaalang-alang mo na lang na totoong mga kuwento ang mga ito. May naunawaan ba kayong anuman mula sa dalawang kuwento na ito? Sige magsalita kayo. (Mula sa paglalahad ng Diyos sa atin sa dalawang kuwento na ito, tunay nating madadama na Siya ang Namumuno, Maylalang, at Tagapamahala sa lahat ng bagay. Nakikita natin ang mga pagkilos ng Diyos, ang Kanyang walang hanggang kapangyarihan, at ang Kanyang karunungan, at mula rito ay lalo nating malalim na mararamdaman ang napakalawak na pagmamahal ng Diyos para sa sangkatauhan. Lahat ng ginagawa ng Diyos, ginagawa Niya para sa sangkatauhan.) Kung gayon, una, ang dalawa bang kuwentong ito ay bukod sa nakaraan nating talakayan ukol sa malasakit ng Diyos para sa sangkatauhan? Mayroon bang di-maiiwasan na koneksyon? (Oo.) Ano ang koneksyon? Sa loob ba ng dalawang kuwentong ito nakikita natin ang mga gawa ng Diyos at kung paano Niya pinapanukala at pinangangasiwaan ang lahat para sa sangkatauhan? Ang lahat ba ng ginagawa ng Diyos at lahat ng Kanyang iniisip ay nakatuon tungo sa pag-iral ng sangkatauhan? (Oo.) Hindi ba totoong malinaw ang maingat na pag-iisip at pagsasaalang-alang ng Diyos sa sangkatauhan? (Oo.) Hindi na kailangang gumawa ang sangkatauhan ng kahit na ano. Inihanda na ng Diyos para sa mga tao ang mismong hangin na kanilang ihihinga. Makikita mo na ang mga gulay at mga prutas ay kaagad makukuha. Mula sa hilaga hanggang sa timog, mula sa silangan hanggang sa kanluran, ang bawat rehiyon ay may sariling pinagkukunan at ang iba’t-bang mga tanim at mga prutas at mga gulay ay inihanda na ng Diyos para sa mga tao nang upang makapamuhay sila nang mapayapa. Lahat ng ito ay makapagpapatunay na ang lahat ng nilkha ng Diyos ay mabuti. Kapag pinag-uusapan ang mas malaking kapaligiran, ginawa ng Diyos na magkaka-ugnay ang lahat ng bagay, kapwa pinagbuklod, at nagtutulungan. Ginamit Niya ang pamamaraang ito at ang mga patakarang ito upang mapanatili ang kaligtasan at pag-iral ng lahat ng bagay at sa ganitong paraan ang sangkatauhan ay nabuhay nang tahimik at payapa at lumago at dumami mula sa isang salinlahi hanggang sa sumunod sa kapaligirang ito hanggang sa araw na kasalukuyan. Binabalanse ng Diyos ang likas na kapaligiran upang tiyakin ang kaligtasan ng sangkatauhan. Kung ang tuntunin at pamamahala ng Diyos ay hindi nakahanda, walang sinuman ang makapagpapanatili at makapagbabalanse ng kapaligiran, maging ito sa simula pa ay nilikha ng Diyos—hindi pa rin nito matitiyak ang kaligtasan ng sangkatauhan. Kaya makikita mo na ito ay ganap na napangangasiwaan ng Diyos! Kung ang tao ang gagawa ng buto at itatanim ito sa lupa, uusbong ba ito kailanman? Kung gumawa ng puno ang tao at ilalagay sa lupa, sa ilang daang taon ito ay hindi kailanman magkakaroon ng isang dahon. Hindi makagagawa ang tao ng buhay na mga buto. Ang tao ay dapat na mamalaging mabuhay sa plano ng Diyos. Sa ilang mga lugar ay walang hangin, samakatwid hindi mabubuhay ang tao doon at hindi ka hahayaan ng Diyos na magpunta doon. Kaya, huwag kang hihigit sa nararapat, ito ay para sa pag-iingat sa sangkatauhan at ang mga bagay na ito ay masyadong misteryoso. Ang bawat sulok ng kapaligiran, ang haba at ang luwang ng lupa, at ang bawat buhay na bagay sa lupa—kapwa nang nabubuhay at patay—ay inihanda ng Diyos at Siya ay nag-iisip sa pamamagitan nila: Bakit kinakailangan ang bagay na ito? Bakit hindi ito kailangan? Ano ang layunin sa pagkakaroon ng ganitong bagay dito at bakit dapat naroon iyon? Inisip na ng Diyos nang maigi ang lahat ng ito at hindi na kailangan ng mga tao na mag-isip tungkol sa mga ito. Lahat ng mga nilikha ng Diyos ay masyadong perpekto! May ilang hangal na mga tao na palaging nag-iisip tungkol sa paglilipat sa mga bundok, ngunit sa halip na gawin iyon, bakit hindi lumipat sa mga kapatagan? Kung hindi mo gusto ang mga bundok, bakit ka pupunta at maninirahan sa kanila? Hindi ba ito kahangalan? Ano ang mangyayari kapag inilipat mo ang bundok? Dadaluyong ang isang bagyo o ang isang malaking alon ay aalimbukay at ang mga tahanan ng mga tao ay mangawawasak. Hindi ba magiging kahangalan na gawin iyon? Tama? (Oo.) Maari lamang manira ang tao at hinihikayat lamang ni Satanas ang paninirang ito. Ang Diablo ay laging nag-iisip ng malalaking mga plano at panlilinlang upang itatag ang sarili nito at mapanatiling-buhay ang karangalan nito. Sinira pa nito ang tanging lugar na maaari itong tumahan, at gayunman gusto ng Diablo na maglaan at pamahalaan ang lahat ng bagay. Napakamangmang at masyadong hangal! Hinahayaan ng Diyos na pamahalaan ng tao ang lahat ng bagay at magkaroon ng kapangyarihan sa kanilang lahat, ngunit nakagagawa ba ang tao ng magandang trabaho? (Hindi.) Paano nakagagawa ang tao ng masamang trabaho? Ang sangkatauhan ay nauuwi sa pagkawasak; hindi lamang sa hindi napananatili ng sangkatauhan ang mga bagay kung paano sila nilikha ng Diyos, sinira talaga niya ang mga ito. Ang mga bundok ay ginawang mga durog na buto ng sangkatauhan, pinasakan ang mga dagat ng lupa, ginawang mga disyerto ang mga kapatagan kung saan walang maaaring mabuhay. Subalit doon sa disyerto ay gumawa ng industriya ang tao at gumawa ng mga base nuklear at ang pagkawasak ay naghari sa lahat ng direksyon. Ang mga ilog ay hindi na mga ilog, ang dagat ay hindi na ang dagat, sila ay napuno na nang husto ng polusyon. Nang nilabag ng tao ang balanse at ang mga patakaran ng kalikasan, ang araw ng kanilang kapinsalaan at kamatayan ay hindi na malayo at hindi maiiwasan. Kapag dumating ang sakuna, malalaman mo kung gaano kahalaga ang nilikha ng Diyos at kung gaano kaimportante ang lahat ng ito para sa sangkatauhan; nagsisimula nang magising ang mga tao sa katotohanang ito. Nakikita mo, ang taong naninirahan sa isang kapaligiran na may magandang klima ay katulad ng nasa paraiso. Hindi napagtatanto ng mga tao ang pagpapalang ito, ngunit sa sandaling mawala nila ang lahat ng ito makikita nila kung gaano kabihira at kahalaga ang mga ito. Papaano makukuhang muli ng tao ang lahat ng ito? Ano ang maaaring gawin ng tao kung ayaw na ng Diyos na likhain itong muli? Ano ang maaari ninyong gawin? (Wala kaming maaaring gawin.) Sa totoo lang, mayroong isang bagay kayong magagawa at ito ay napakasimple at kapag sinabi ko sa inyo kung ano ito kaagad ninyong malalaman na ito ay maaaring gawin. Bakit natagpuan ng tao ang sarili niya sa kanyang kasalukuyang suliraning pangkapaligiran? Ito ba ay dahil sa kasakiman at pagkawasak ng tao? Kung titigilan ng tao ang pagkawasak na ito, hindi ba itatama ng buhay na kapaligiran nang unti-unti ang kanyang sarili? Kung walang ginagawa ang Diyos, kung ayaw na ng Diyos na gumawa ng kahit na anuman para sa sangkatauhan—iyon ay upang sabihin, ayaw Niyang makialam—ang pinakamahusay na paraan ay para sa tao na tigilan na ang pagkawasak na ito at ibalik ang mga bagay sa dati nilang kalagayan. Ang paglalagay ng katapusan sa mga pagwasak na ito ay ang pagtigil sa pamiminsala at pagluray sa mga bagay na nilikha ng Diyos. Magbibigay-daan ito sa kapaligiran na tinitirhan ng tao na bumuti ng unti-unti. Ang hindi paggawa nito ay magreresulta lang sa ibayong pagkasira ng kapaligiran at ito ay lalo lang lalala. Hindi mo ba nakikita na ang Aking pamamaraan ay simple? (Oo, ito nga.) Ito ay simple at maaaring gawin. Simple nga, at ito ay maaaring gawin para sa ilang mga tao, ngunit ito ba ay maaaring gawin ng higit na nakararaming mga tao sa mundo? (Hindi.) Para sa inyo, sa inyo na lang, maaari ba itong gawin? (Oo.) Ano ang pinanggalingan ng inyong “oo”? Maaari bang sabihin ng isang tao na kinapapalooban ito ng pagtatag ng isang batayan sa pagkaunawa tungkol sa mga gawa ng Diyos? Maaari bang sabihin ng isang tao na kinapapalooban ito ng pagtalima sa pamumuno at plano ng Diyos? (Oo.) Mayroong paraan upang baguhin ang lahat ng ito, ngunit hindi iyon ang paksa na ating tinatalakay ngayon. Ang Diyos ay nananagot sa bawat isang buhay na nilalang at Siya ay nananagot hanggang sa katapusan. Naglalaan ang Diyos para sa inyo, kahit na ikaw ay nagkasakit sa kapaligirang winasak ni Satanas, o naapektuhan ng polusyon o nakatanggap ng iba pang pinsala, hindi ito mahalaga; maglalaan ang Diyos para sa iyo at hahayaan ka Niyang mabuhay. Mayroon ka bang pananampalataya dito? (Oo!) Hindi tinatanggap ng Diyos nang basta-basta ang pagkawala ng buhay ng isang tao, tama? Naramdaman na ba ninyo ang kahalagahan ng pagkilala sa Diyos bilang pinagmumulan para sa lahat ng buhay? Anong mga damdamin mayroon kayo? Magpatuloy kayo at makikinig Ako. (Sa nakaraan, hindi natin kailanman inisip na i-ugnay ang mga bundok, ang dagat at mga lawa sa mga pagkilos ng Diyos. Sa araw na ito, sa pamamagitan ng pakikisama ng Diyos, naiintindihan na nating ngayon na ang mga ito ay palaging mga pagkilos ng Diyos at na ang mga ito ay nanggaling sa Kanyang karunungan, kaya nakikita natin na ang paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay ay itinalaga na noon pang pasimula at lahat sila’y nagtataglay ng mabuting kalooban ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay magkakaugnay at ang sangkatauhan ang siyang pangunahing benepisyaryo. Ang ating narinig sa araw na ito ay nadarama na totoong sariwa at naiiba, at nadama natin kung gaano katotoo ang mga pagkilos ng Diyos. Sa realidad at sa ating pang-araw-araw na mga buhay tunay ngang nakikita natin ang mga bagay bilang ang mga ito kapag nakikisalamuha tayo sa buhay na mga bagay.) Nakikita mo talaga ito, tama? Ang pagkakaloob ng Diyos para sa sangkatauhan ay hindi walang mahusay na saligan, hindi lang Siya basta magsasabi ng ilang mga salita at iyon na yun. Maraming ginagawa ang Diyos, maging ang mga bagay na hindi mo nakikita ginagawa Niya para sa iyong kapakanan. Nabubuhay ang tao sa kapaligirang ito, ang daigdig na ito na nilikha ng Diyos, at sa loob nito ay mga tao at ang iba pang mga bagay ay nagtutulungan, kagaya lang kung paanong ang gas na lumalabas mula sa mga halaman ay dumadalisay sa hangin at pinakikinabangan ng mga tao na inihihinga ito. Gayunman, ang ibang mga halaman ay nakalalason sa mga tao, ngunit wala bang ibang mga halaman ang nakikipagkompetensya sa mga halamang iyon? Ito ay isa sa mga hiwaga ng paglikha ng Diyos! Hindi natin tinalakay ang paksang ito ngayon, sa halip una nating tinalakay ang pagtutulungan ng tao at ibang mga bagay, kung paanong hindi mabubuhay ang tao na wala ang ibang mga bagay, at ang kahalagahan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay. Hindi maaaring mabuhay ang tao na wala ang ibang mga bagay, gaya lamang ng kailangan ng tao ang hangin upang mabuhay at paano kung ikaw ay inilagay sa isang bakyum, ikaw ay mamamatay kaagad. Ito ay napakasimpleng prinsipyo upang tulutan kang makita na kinakailangan ng tao ang ibang mga bagay. Kaya anong uri ng pag-uugali ang dapat taglayin ng tao patungkol sa lahat ng bagay? (Pahalagahan ang mga ito.) Pahalagahan ang mga ito, ingatan ang mga ito, gamitin ang mga ito nang mahusay, huwag sisirain ang mga ito, huwag sasayangin ang mga ito at huwag babaguhin ang mga ito nang pabigla-bigla, sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa Diyos at pawang inilaan para sa sangkatauhan at dapat tratuhin ang mga ito ng sangkatauhan nang buong ingat. Tinalakay ko sa inyo sa araw na ito ang dalawang paksa, at maaari kang bumalik at pag-iisipang mabuti ang mga ito. Sa susunod na pagkakataon tatalakayin natin ang ilang bagay nang mas detalyado. Ang ating pagsasamahan ay magtatapos na rito sa ngayon. Paalam! (Paalam!)
Enero 18, 2014
Mga Talababa:
a. Ang orihinal na teksto ay nilalaktawan ang “buhay at hindi buhay.”
Mula sa Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan: "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII"
Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento